Chapter 7: Sleep

31.4K 1K 77
                                    

#BHOCAMP8TC #Heder #TeamMasokista #BHOCAMP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#BHOCAMP8TC #Heder #TeamMasokista #BHOCAMP

HERA'S POV

Lumikha ng tunog ang hawak ko na pakete nang madurog ang laman no'n. Hindi ko na namalayan na napahigpit pala ang pagkakahawak ko ro'n dahil naagaw ang atensyon ko nang tanawin sa labas at sa naririnig kong sinasabi ni Dawn na kasalukuyang nasa unahan ng BHO CAMP bus para gawin ang announcement niya.

"Maawa ka sa potato chips. Walang ginawang masama sa'yo 'yan- Aray!"

Pinaningkitan ko ng mga mata si Aiere na siyang nakaupo sa tabi ko nang akmang kukuha siya ro'n. "Tantanan mo ang pagkain ko."

"'And damot mo." nakangusong sabi niya. "Masama sa health 'yan."

"Oo kaya 'wag kang kumain."

Pinaikot niya ang mga mata niya bago sapilitang kinuha sa akin ang pakete at nagsimulang kumain. "Tigilan mo 'yang kaka-stress eating mo. Panglima mo na kayang balot 'to."

Tama naman siya. Mula ng umalis kami sa BHO CAMP ay panay na ang kain ko. Mabilis namana ng byahe dahil sa underground tunnel kami dumaan pero mas mahaba 'yon kesa sa pangkaraniwan. Kaya nga kahit hindi sinabi agad ni Dawn ay may duda na kaming malayo ang pupuntahan namin. But she said it's because of a mission. Not this!

"Buntis ka ba at naglilihi ka?" nagdududang tanong ko. "O kaya kagandahan ko ang pinaglilihian mo?"

"On the way pero hindi pa. Ano namang akala mo sa amin ng asawa ko? May super powers?"

Hindi naman talaga malabo. Kahit kakasal pa lang kasi nila ng asawa niya na si Archer ay hindi na ako nagtataka kung bigla na lang may sumulpot na bagong bundle of joy sa BHO CAMP. Halos hindi kasi sila mapaghiwalay dalawa. Ang hirap nga nilang i-approach dahil para sila laging may sariling mundo at any moment ay bigla na lang magliliyab dahil sa mga malalagkit nilang tingin sa isa't-isa. Kaya siguro nasa kabilang bus ang mga BHO CAMP boys. Para mailayo man lang sila saglit sa mga asawa nila.

"Baka gusto niyong makinig din sa akin o i-e-extend ko na lang ang pananatili niyo sa tutuluyan natin?"

Pinanlakihan ko ng mga mata si Aiere bago ako tumingin sa gawi ni Dawn na matalim ang tingin sa direksyon namin at pagkatapos ay nag peace sign ako sa kaniya. Wala akong balak mag stay ng matagal dito base na rin sa nakikita ko sa labas. Puro puno kasi ang dinadaanan namin at mukhang palayo ng palayo sa sibilisasyon.

"Carry on, Boss." sabi ko sa kaniya at nag thumbs up pa.

Saglit na tinignan niya lang ako na para bang binabalaan bago siya nagpatuloy sa kanina ay pinapaliwanag niya. "Katulad nga ng sabi ko kanina, nandito tayo para sa isang team building-"

"Akala ko ba mission ang pinunta natin?" putol ko sa sasabihin niya kahit pa panay na ang siko sa akin ni Aiere para patahimikin ako.

"Misyon niyo na sumali sa team building na gaganapin natin ngayon sa Zambales." walang kangiti-ngiting sabi ni Dawn. "Once we get out of this bus, sasakay tayo sa bangka para pumunta sa isang isla. Mananatili tayo do'n hanggang bukas ng tanghali kung saan saka pa lang tayo babalikan ng bangka na magsusundo sa atin. We have a list of activities that you all need to do. Ang mga gagawin niyo ay hindi training katulad ng nakasanayan niyo na. This day will be a training for your body, heart, and soul. So we can address any of your suppressing issues that can be a hindrance to your responsibilities as an agent where you should be working together as a team."

BHO CAMP #8: The CadenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon