CHAPTER 11

4.1K 63 1
                                    

NAPATINGIN si Airabelle kay Arthur. “Hello, Arthur,” masayang bati niya rito.
Pero hindi siya pinansin ni Arthur. Unti-unting napalis ang ngiti niya nang mapansing seryoso ang mukha nito. Kay Linkurt lang ito nakatingin at mukhang galit ito.
“Ano’ng ibig sabihin nito, pare?” tanong ni Arthur.
“Pare, please let me explain,” pakiusap ni Linkurt.
“Let’s talk,” matigas na sabi ni Arthur bago ito lumayo.
“Mauna ka na sa kotse. Mag-uusap lang kami.” Binigay ni Linkurt sa kanya ang susi ng kotse pati ang teddy bear. “Sandali lang 'to, okay?” At sinundan na nito si Arthur.
Naiwan siyang nakakunot ang noo.

“I’M SORRY, Arthur. Mahal ko rin si Airabelle,” sagot ni Linkurt nang muli siyang tanungin ng kaibigan kung ano ang ibig sabihin ng nakita nito kanina.
“Walang-hiya ka! Anong klase kang kaibigan? Inagaw mo sa 'kin si Airabelle.”
“Hindi ko siya inagaw sa 'yo. Mahal din niya ako. Noon pa. Tulad ko.”
“Mahal mo rin siya noon pa? At kayo na? Tama ba?”
“Oo, Arthur. Sorry kung hindi ko sinabi sa 'yo. Pinigilan ko ang sarili ko noon na mahalin siya pero hindi ko kaya. Hanggang sa nasabi ko na nga sa kanya ang matagal ko nang nararamdaman sa kanya.”
“Mahal ko rin siya. Alam mo 'yan noon pa. Hindi ko alam na magiging karibal pala kita.”
“Hindi pa kita naging kaibigan ay mahal ko na siya, Arthur.”
“Akin lang si Airabelle. Babawiin ko siya sa 'yo!” At iniwan na siya nito.
Tama nga ang naisip niya noon na posibleng masira ang pagkakaibigan nila ni Arthur kapag nagtapat siya kay Airabelle. Ayaw niyang mangyaring masira ang pagkakaibigan nila ni Arthur dahil ito lang ang nag-iisang kaibigan niya. Wala nang iba. Pero ang babaeng mahal ng best friend niya ay ang babaeng pinakamamahal niya.
Kung hindi siya mahal ni Airabelle ay tatanggapin niya iyon. Palalayain niya ito. Pero dahil mahal din siya nito, hindi niya hahayaang maagaw ito ng kahit sino. Kahit ni Arthur na matalik niyang kaibigan.

“ANO’NG nangyari? Ano’ng pinag-usapan n’yo?” tanong ni Airabelle kay Linkurt nang makaupo na ito sa driver’s seat.
Ngumiti ito. Nahalata niyang pilit iyon. “Wala naman,” anito.
“Wala? Anong wala? Bakit mukhang galit 'yon kanina?” tanong niya na si Arthur ang tinutukoy.
“M-may problema lang siya sa pamilya niya. Family problem.”
“Gano’n ba?” sabi na lang niya kahit may nasi-sense siyang iba. Hinaplos-haplos niya ang yakap-yakap na teddy bear.
“Uuwi na ba tayo?” pag-iba nito sa usapan.
“Bakit, ayaw mo pa ba?”
“M-may... hihilingin sana ako sa 'yo, eh.”
“Ano 'yon?”
“Naalala mo ba no’ng hinalikan kita at muntik nang may mangyari sa atin?”
“H-ha? Kailan?” Naalala niya iyon. Nagkunwari lang siyang hindi niya alam.
“Sus, kunwari ka pa. Kung alam ko lang na hindi iyon natanggal sa isip mo. Hindi puwedeng hindi mo maalala 'yon.”
“Ikaw ha. Nagiging pilyo ka na naman.”
“Gusto ko sanang ituloy natin 'yon.”
“Ha? Tumigil ka nga riyan.”
“Alam mo bang nainis ako sa sarili ko no’n dahil pinigilan ko? Airabelle, I want you and I know you want me, too,” seryoso nang sabi nito.
Napaseryoso na rin tuloy siya. Hindi na siya magkukunwari. “Sige na. 'Payag na 'ko.” Gusto rin naman niya kasing matuloy iyon. Nabitin kaya siya noon. At ngayon ay alam niyang hindi na siya mabibitin.

SA ISANG hotel sila tumuloy. Pagkasara ng pinto ay kaagad na binigyan ni Linkurt si Airabelle ng isang mainit na halik. Mabilis din nitong hinila ang T-shirt nito paitaas at itinapon sa kung saan. Naintindihan niyang sabik na sabik ito sa kanya. Inaamin din niyang siya rin.
Pero pinigilan muna niya ito. Mahinang tinulak niya ito sa dibdib. Tiningnan lang siya nito na parang nagtatanong kung bakit. “M-maliligo muna ako.”
Pilyong ngumiti ito. “Sabay na lang kaya tayo.”
“A-ayoko, 'no. I’ll go first.”
“Sige na nga. Mamaya na lang ako babawi.”
“Heh!” At pumasok na siya sa banyo.
Paglabas niya sa bathroom ay tanging ang ilaw na nagmumula na lang sa lampshade ang sumakop sa buong silid. Napasigaw siya sa gulat dahil ginulat siyang bigla ni Linkurt. Kanina pa siguro inaabangan nito ang paglabas niya. Nakapantalon pa rin ito.
“Nakakainis ka talaga,” nangingiting sabi niya. Pinaghahampas pa niya ito.
Napa-aray ito at pinigilan siya. Tinanggal nito ang pagkakatali ng bathrobe na suot niya at hinawakan ang magkabilang bahagi ng harap niyon. Namangha ito nang tumambad dito ang hubo’t hubad niyang katawan. Isasara niya sana ang bathrobe pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa magkabilang bahagi ng harapan niyon. Hinayaan na lang niya ito pero umiwas siya rito ng tingin.
“You’re very beautiful,” halos paanas na wika nito.
“Linkurt... Nahihiya ako.”
“You should be proud, Airabelle. And I think I’m the luckiest man in the world.” Hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa katawan niya.
Kanina pa mabilis na tumitibok ang puso niya. At mas bumilis pa iyon nang dahan-dahan nitong tinanggal ang bathrobe sa katawan niya. Nang malaglag iyon sa sahig ay hinalikan nito ang mga labi niya. Napapikit siya at buong-pusong tumugon. Napahawak siya sa batok nito. Napasinghap siya nang maramdaman niya ang palad nito sa isang dibdib niya. Napaungol siya nang nilaro nito ng hinlalaki nito ang tuktok niyon.
Gumanti rin siya. Hinaplos niya ang dibdib nito. Bumaba ang mga kamay niya at tinanggal niya ang pagkakabutones ng pantalon nito. Ibinaba na rin niya ang zipper niyon. Nang bumaba ang mga labi nito sa leeg niya ay inilagay niya ang mga kamay sa magkabilang balikat nito.
“T-teka...”
“What?” anito habang nasa dibdib na niya ang mga labi nito.
“A-akala ko ba maliligo ka rin,” aniya sa gitna ng pag-ungol.
“Hindi na. I don’t want to stop this.” Binuhat na siya nito at marahang inilapag sa kama.
Napapikit siya nang hubarin nito ang pantalon nito at ang underwear nito nang sabay. Pero kaagad din siyang nagmulat dahil hindi niya kayang hindi matingnan ang kabuuan nito. He was like a Greek god. And he was fully aroused. Naalala niya ang sabi ni Valerie. Tama nga ang babaeng iyon—he was big. And she thought that Valerie forgot to say that he was also long.
Nang kumubabaw ito sa kanya ay naramdaman niya ang kahandaan nito sa puson niya. He was rock-hard. “Are you ready?” tanong nito.
“Yes,” kaagad na sagot niya.
Then he entered her. Kinagat niya ang ibabang labi niya para pigilan ang pagsigaw. He kissed her lips. At bumaba ang mga labi nito sa leeg niya at bumaba pa sa dibdib niya. Mula sa likod nito ay gumapang ang mga kamay niya sa batok nito hanggang sa buhok nito.
Sabay silang napaungol nang marating nila ang sukdulan. Kapwa sila humihingal habang sinasabi nila ang “I love you” sa isa’t isa.

MAHIMBING pang natutulog si Linkurt nang magising siya kinabukasan. Isang beses lang namang may nangyari sa kanila kagabi pero parang napagod ito nang sobra. Nakadapa ito sa kama.
Ginising niya ito pero umungol lang ito at tumihaya. Nakapikit pa rin ang mga mata nito. Nang mapatingin siya sa dibdib nito ay may naisip siyang ideya para magising ito. Natatawang bumunot siya ng balahibo mula roon.
Napa-aray ito sabay nagmulat. “Bakit mo ginawa 'yon? Ang sakit ha,” nakangiwing sabi nito sabay tingin sa hinahaplos nitong bahagi ng dibdib nito.
“Sorry,” malambing na hinging-paumanhin niya. “Gusto ko lang kasing magising ka na.” Niyakap niya ito at hinalikan ang dibdib nito. “'Di ba may trabaho ka pa?”
“Hindi ako papasok.”
Tiningnan niya ito. “Bakit? Maaga pa naman, ah. Puwede pa tayong umuwi at makapagbihis ka. Pero, ano’ng sasabihin natin sa kanila kapag nagtanong sila kung saan tayo galing?”
“We’ll tell them the truth.”
“What? Nakakahiya. Ano ka ba?”
“'Tingin ko maiintindihan naman nila tayo.”
Sumang-ayon na lang siya. “So, tara na, umuwi na tayo,” yaya niya.
“A-absent nga ako ngayon.”
“Bakit ba? Ano pa’ng gagawin natin dito?”
“Paparusahan pa kita sa ginawa mong pagbunot ng balahibo sa dibdib ko. Masakit pa rin hanggang ngayon, alam mo ba 'yon? 'Pasalamat ka at masarap ang igaganti ko sa 'yo. I want to make love to you again.”
Hindi na siya nakapagsalita nang bigla siyang halikan nito sa mga labi.

NAG-AABANG ng taxi si Airabelle para pumasok sa trabaho. Kahit gusto ni Linkurt na ihatid siya ay hindi siya nagpahatid dito dahil mukhang pagod na pagod ito galing sa trabaho nang gabing iyon.
Nakasakay na siya ng taxi nang mag-ring ang cell phone niya. Kinuha niya iyon mula sa bag niya at sinagot iyon.
“Hello.”
“Airabelle?”
“Ako nga.”
“Puwede ba kitang makausap?”
“Ano’ng pag-uusapan natin?”
Hindi nito sinagot ang tanong niya. Sa halip ay may sinabi itong lugar kung saan sila puwedeng magkita at hindi na niya ito narinig na nagsalita pa.
Nagdesisyon siyang huwag munang pumasok sa trabaho nang gabing iyon.

PUMASOK si Airabelle sa coffee shop na iyon na sinabi ni Arthur sa kanya. Kaagad niyang nakita roon si Arthur na nakapuwesto sa bandang dulo. Tumayo ito pagkakita sa kanya.
Nang makalapit siya rito binati siya nito at hinila ang upuang katapat nito para makaupo siya. Nagpasalamat siya rito at umupo. Umupo rin ito sa tapat niya.
“Salamat at dumating ka,” nakangiting wika ni Arthur.
“Um-absent ako para makipagkita sa 'yo. Ano ba’ng pag-uusapan natin?”
“About my—” Napatigil ito at iniangat ang tingin sa dumating na waiter.
“Excuse me, Sir. Heto na po ang order n’yo.” Inilapag ng waiter sa mesa ang dalawang tasa ng café latte mula sa tray. Umalis na ito pagkatapos nilang magpasalamat.
“Tungkol saan ang pag-uusapan natin?” tanong niya kay Arthur.
“About my feelings for you,” wala nang paliguy-ligoy na sagot nito.
Feelings? Bigla siyang na-tense. Humigop siya ng kape para kahit papaano ay mabawasan ang tensiyong nararamdaman niya.
“I... I’m in love... with you, Airabelle,” pag-amin nito.
“What?” Muntik na niyang mabitawan ang tasa ng kapeng hawak niya. Dahan-dahang inilapag niya iyon. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
“Noon pang college tayo,” pagpapatuloy nito. “Sasabihin ko na sana sa 'yo no’ng date natin pero naunahan na naman ako ng hiya. But now, kailangan ko na itong sabihin sa 'yo. I love you. So much. Kaya ako bumalik ng Pilipinas para sabihin ang matagal ko nang nararamdaman sa 'yo. Palagi kitang naiisip kahit nasa Taiwan ako. Hindi ko na kayang hindi kita nakikita, Airabelle.”
Hindi siya makasagot. Natulala siya.
“Now, I want to hear your answer. Do you feel the same way, too?”
“A-Arthur...”
“Yeah, yeah, I know.” Nasasaktan ang tono ng boses nito. “I-it’s about you and Linkurt, right? He already told me about it no’ng nag-usap kami sa mall. But... I’m still hoping na magbabago ang isip mo kapag nagtapat ako sa 'yo.”
“Arthur...” Nakaramdam kaagad siya ng awa rito. Paano niya sasabihing wala siyang nararamdaman dito maliban sa gusto niya itong maging kaibigan?
“I’m sorry. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko para sa 'yo,” malungkot na pahayag nito.
“I’m sorry for making you lose your smile. Kasalanan ko kung bakit malungkot ka ngayon.”
“Huwag mong sabihin 'yan. Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan. Dahil umasa ako na magbabago ang isip mo. Pinag-isipan ko rin kung sasabihin ko pa ito sa 'yo gayong alam ko na na kayo na ni Linkurt. And I think I tortured myself because of that hope.”
“I’m sorry, Arthur.”
“Hindi ba sabi ko wala kang kasalanan? Huwag kang mag-sorry.” Ngumiti ito. “Hayan, ngumiti na ako.”
Ngumiti na rin siya.
“Salamat dahil pinakinggan mo ako. We’re still friends, right?” Inilahad nito ang isa nitong kamay.
“Of course,” aniya sabay abot ng kamay nito. “Don’t worry, you’ll find the right girl for you.”
Tumango ito at pumakawala ng isang masayang ngiti. Alam niyang gumaan na ang pakiramdam nito at masaya na rin siya para rito.
Masaya silang lumabas nito sa coffee shop pero kaagad ding napalis ang ngiti niya nang makita ang seryosong mukha ni Linkurt. Galit itong nakatingin sa kanila ni Arthur.

My 24/7 Piece of Heaven [PUBLISHED under PHR]Where stories live. Discover now