CHAPTER 10

4.2K 77 0
                                    

HINDI makapaniwala si Airabelle sa sinabi ni Linkurt. Nabigla siya pero kaagad ding nawala iyon dahil nangibabaw ang sayang nadarama niya. She saw sincerity in his eyes. At naniniwala na siya rito. Nang niyakap siya nito, nawala lahat ng mga naiisip niya.
“I love you. And that’s the beginning of everything.”
Ang sinabing iyon ni Linkurt ang tanging laman ng isip niya nang mga sandaling iyon. Gumanti siya ng yakap dito.
“Say you love me, too, Airabelle.”
“Ligawan mo muna ako.”
“Bakit pa kita liligawan, eh, alam ko namang mahal mo rin ako.”
“Paano kung sasabihin kong hindi?”
Kumalas ito at tinitigan siya sa mga mata. “Hindi mo ba ako mahal?”
Magpapakipot pa ba siya? Masuwerte ka talagang mokong ka! “Mahal,” sagot niya. “Kahit na hindi mo ako pinapansin noon, crush pa rin kita. At kahit hindi ka ngumingiti, you made me happy sa dahilang hindi ko alam. Noong nasa ibang bansa ka, iniisip lang kita ay masaya na ako. Kabaliwan, hindi ba? Hinintay kita na parang pumipila para sa isang five-minute ride sa amusement park, walang pakialam kahit na gaano katagal na maghihintay. Because I believe that happiness takes time. You are my happiness. And you made me happy all the time.” Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito. Napapikit siya. At naramdaman niya ang pagdaloy ng mga luha niya sa kanyang pisngi.
“Matagal ko nang iniisip kung bakit ikaw ang naiisip ko kapag naririnig ko ang kantang Heaven By Your Side. Siguro dahil... I felt that I’m in heaven when I’m by your side,” pag-amin nito. “Ang baduy ko,” natatawang sabi nito. “But that’s the truth. I’m sorry kung ngayon ko lang na-realize.”
“Kaya pala, palagi mong pinatutugtog ang kantang iyon noon. At least, na-realize mo na na matagal mo na pala akong gusto.”
“Hindi ka nawala sa isip ko kahit nasa malayo ako. I want you to get out of my whole system. But I only wanted you more.”
Hindi siya nakasagot. Hindi niya talaga inaasahan iyon mula kay Linkurt. Sa kabila ng lahat ng mga ginawa nito sa kanya, gusto pala siya nito. Mahal siya nito. Niyakap uli siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang gantihan din ito ng yakap. Hindi niya mapigilan sa pagtulo ang mga luha niya. It was tears of joy.

PUMAKAWALA si Linkurt ng isang malalim na buntong-hininga. Sa wakas ay nasabi na niya kay Airabelle ang matagal na niyang itinatagong nararamdaman niya para dito. At masayang-masaya siya dahil ganoon din ang nararamdaman nito sa kanya.
Mas hinigpitan niya ang pagyakap dito. Nang maalala niya si Arthur ay dahan-dahan siyang kumalas dito. Nawala naman sa isip niya ang kaibigan nang makitang umiiyak si Airabelle.
“W-why are you crying? Ayoko nang saktan ka, Airabelle. Kaya kung may nasabi akong hindi maganda, sabihin mo lang sa 'kin at ako mismo ang magpaparusa sa sarili ko.”
“No. W-wala ito. Masaya lang ako. Masayang-masaya dahil mahal mo ako. Luha ito ng kaligayahan, Linkurt,” lumuluha pero nakangiting sabi nito.
Palihim na nagpasalamat siya. Nawala ang pag-alala niya. “Ang gusto ko, nakangiti at tumatawa ka lang kapag masaya ka. From now on, I don’t want to see you cry,” aniya habang pinapahid ng mga hinlalaki ang mga luha nito.

MAS LALONG naiyak si Airabelle sa sinabi ni Linkurt. She was really touched by the words he said. Hindi lang siya basta umiiyak. Humahagulgol na rin siya.
“O, kasasabi ko lang na ayaw kitang makitang umiiyak, 'di ba? Tama na... tama na...” He laid her head on his shoulder.
Umayos siya ng tayo nang may naalala. “Paano si Valerie? Hindi ba girlfriend mo siya?”
Natawa ito. “Si Valerie? Girlfriend ko? No, she’s not my girlfriend.”
“Akala ko, girlfriend mo siya. Ano 'yong nangyari sa inyo?”
“Siya lang ang may gusto n’on. It was just a one-night stand. 'Selos ka?”
“Siya, pagseselosan ko? Hindi, 'no.”
“Nagseselos ka, eh,” tudyo nito.
“Hindi.”
“Nagseselos ka.”
“Hindi nga,” naiinis nang tanggi niya.
“All right, all right. Hindi na kung hindi,” pagsuko nito. “She had a boyfriend. In fact, a fiancé. Ikinuwento rin sa 'kin 'yon ni Arthur. Two months na lang at ikakasal na sila. Gusto lang niya akong masolo nang gabing 'yon. Lasing kami no’n. Sinabi na lang niya sa 'kin na parang pamamaalam na niya 'yon sa pagkadalaga,” natatawang sabi nito.
“May gana ka pang tumawa. Siyempre, nasiyahan ka rin naman sa ginawa n’yo, 'di ba? Pero paano kung... kung mabuntis mo siya?”
“Don’t worry, hindi mangyayari 'yon. I used a method.”
Na-curious siya kaya tinanong niya rito kung ano iyon. Ibinulong nito sa kanya ang sagot. Condom? natatawang ulit niya sa sarili.
“Huwag kang mag-alala, that would be the last time I’d sleep with other women. Iyung-iyo na ang katawan ko mula ngayon.”
Mahinang kinurot niya ito sa tagiliran. Tumawa ito. “Bakit?” tanong niya.
“May kiliti ako sa tagiliran,” natatawang sabi nito.
Napangiti siya. Hindi na rin niya napigilan ang tumawa.
“'Ayan, ganyan nga. Gusto ko nakikita kitang masaya palagi.”
“Mukhang okay na kayo sa isa’t isa, ah.” Sabay silang napalingon sa nagsalitang si Yaya Lolita. May bitbit itong dalawang plastic bags na naglalaman ng mga grocery items.
Kaagad na lumapit si Linkurt kay Yaya Lolita at kinuha mula rito ang mga plastic bags. “Tulungan na kita, 'Ya.” Dinala nito iyon sa kusina.
“Salamat, Baby Boy.” Nang tumungo si Linkurt sa kusina ay binalingan siya ni yaya Lolita. “O, ano, kayo na bang dalawa?” tanong nito.
“Po?”
“Kunwari ka pa riyan. Nakita kong nagyayakapan kayo kanina.”
“Nakita n’yo po kami?” tanong ni Linkurt nang makabalik ito mula sa kusina.
“Medyo kanina pa ako sa labas.”
“Paano ba 'yan, Airabelle? Hindi na tayo makakapag-deny nito.”
Natawa si Yaya Lolita. Halata sa itsura nito na masayang-masaya ito. “Ang Baby Boy ko, marunong nang magbiro ngayon. Masayang-masaya ako para sa inyong dalawa. At natitiyak kong matutuwa ang daddy mo nito.”

My 24/7 Piece of Heaven [PUBLISHED under PHR]Where stories live. Discover now