9

863 26 25
                                    

Dahyun's POV:

Kasalukuyan akong nakapwesto sa balcony ng aking kwarto, iniisip kung ano bang nagawa kong masama.

Lahat ng naka-relasyon ko noon, naging maayos naman ang trato ko sa kanila. Natapos ang koneksyon ko sa kanila nang walang problema. Bakit itong si Sana ang hirap takasan?

Anong gagawin ko ngayon? Ipa-kulong ko na lang kaya 'to? Hilahin palabas ng bahay? Aish, 'di ako nananakit ng babae.

Sabihan siya nang masasakit na salita? Paano kung umiyak na naman siya? Kasalanan ko na naman?

Magpakalayo-layo na lang kaya ako? Yung tipong ibang bansa ang punta ko. Paano kung matunton niya ako? Paano na yung trabaho ko? Habang buhay na lang ba akong magtatago mula sa kanya?

Habang abala si Sana sa paliligo, minabuti kong hanapan muna siya ng maisusuot mula sa closet ko.

"Anak." Biglang kumatok si Mom.

"Ano 'yun, Mom?"

"Naisip ko na baka walang baon na pangloob si Sana, kaya eto. Ibibigay ko na lang sa kanya 'tong mga panloob na never ko pa nagamit. Bagong-bago pa 'yan ha, mukhang kasya naman sa kanya." Inilapag ni Mom sa kama ko ang mga bra't panty na ipapagamit niya kay Sana.

"Mom, tell me the truth. Is it really okay for you na nandito si Sana?"

"Oo, bakit naman hindi? Girlfriend mo naman 'yan. Isa pa, mukhang mabait naman si Sana. Bago ka pa dumating, nakausap na namin siya. Botong-boto kami ng Dad mo sa kanya para sayo."

"Babe." Napahinga ako nang malalim bago lumingon kay Sana. Para akong mahihimatay nang makita ko siya.

"What are you doing, Sana? May extra bathrobe naman akong isinabit sa bathroom. Bakit nakahubad ka?!" Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Ay, sorry. Hehe."

"Takpan mo nga 'yan, Sana!"

"Okay na, pwede ka nang tumingin."

"Mabuti naman."

"Huwag ka nang magalit, Dahyun." Nag-pout siya sakin kaya napakunot-noo ako.

"Ayan, suutin mo ang mga 'yan pansamantala. Never pa raw nagamit ni Mom ang mga 'yan, sayo na lang raw. Tungkol naman sa damit, humanap ka na lang sa closet ko. Magbihis ka na, tapos umalis ka na."

"Hindi mo ko bibihisan?"

"Ano ka, baby?!"

"Baby mo ko."

"Magbihis ka na dyan, doon muna ako sa balcony."

Bakit ba kasi kasama ko pa rin ang babaeng 'to hanggang ngayon? Nami-miss ko na yung mapayapa kong buhay noon. Tumalon na lang kaya ako dito sa balcony? Patayin ko na lang si Sana? Mababaliw na talaga ako kakaisip ng paraan kung paano makakawala mula sa kanya.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, biglang may yumakap sakin mula sa likuran.

"Babe." Bulong niya sa may bandang tenga ko dahilan para mapaiktad ako.

"Sana, stay away from me. Umalis ka na, please." Pakiusap ko matapos niyang magbihis ng damit ko mula sa aking closet.

"Ang sungit mo naman sakin."

"Kasungit-sungit ka kasi."

"Rude mo talaga, Dahyun. Okay lang, mahal pa rin kita."

"Sana, umuwi ka na."

"Pero gusto ko pang magstay sa tabi mo..."

"Ako, ayoko."

"Bakit naman?"

"Basta ayoko, Sana. Pakiusap, umuwi ka na sa apartment mo. Kailangan ko na rin umalis."

"Saan ka naman pupunta?"

"Sa bahay ko."

"Sama ko."

"Hindi pwede at ayoko." Hindi pwedeng pati sa sariling pamamahay ko ay bubulabugin niya ako. Mabuti na lang 'di niya alam kung saan ang address ng sariling bahay ko.

"Ang daya mo."

"Buti naman alam mo."

"Gusto ko lang naman makita ang bahay mo, Dahyun."

"At bakit?"

"Magiging bahay ko rin kasi 'yon kapag ikinasal na tayo."

"Kasal? Kapal talaga ng mukha nito."

"May sinasabi ka?"

"Ha? Ah, wala." Palusot ko sa kanya.

"Nae-excite na ako para sa araw na 'yon, Dahyun. Gustong-gusto ako ng magulang mo."

"Hindi naman kita gusto."

"Bakit naman? May iba ka na bang gusto?!" Biglang humigpit ang kapit niya sa braso ko.

"Ano bang sinasabi mo?" Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Parang kanina lang nagpapa-cute siya sakin, ngayon nakakata-cute na.

"Hindi ka pwedeng magkagusto sa iba. Okay?"

"Sino ka para magdesisyon kung sino ang dapat kong magustuhan? Desisyon ko na 'yon, Sana."

"I don't like sharing what's mine, Kim Dahyun. Always remember that." Napalunok ako sa sinabi niya.

"Mine?"

"Yes, you're mine." Sagot niya sabay yakap sakin nang mahigpit bago tuluyang lumayo.

"Sana..."

"Kailangan ko munang umalis, may aasikasuhin lang ako." Hindi na niya ako hinayaan pang sumagot, tuluyan na siyang umalis. Ano ba 'tong napasok kong gulo? Bigla tuloy akong natakot kay Sana.


Nang masigurado ko kina Mom at Dad na nakaalis na nga si Sana, agad na rin akong naghanda para sa pag-alis.

Hindi pwedeng maabutan ako ni Sana dito. Hindi pwedeng matunton niya ang lokasyon ng sariling bahay ko.

Nagmadali na akong sumakay sa aking kotse para umalis.

▪️▪️▪️

Love Me, Touch Me, Kiss Me (LM, TM, KM)Where stories live. Discover now