1

1.6K 51 16
                                    

Dahyun's POV:

Kasalukuyan akong tumatakbo palayo sa taong hanggang ngayon ay 'di pa rin sumusuko sa panggugulo sa payapa kong buhay.

"Kim Dahyun, wait for me!" Mas binilisan ko ang pagtakbo nang marinig ang paulit-ulit niyang pagsigaw sa pangalan ko.

Letcheng buhay naman kasi 'to. Sa dinami-rami ng pwedeng malas-in, bakit ako pa?

Napapagod na rin ang binti ko kakatakbo ngunit alam kong sa oras na huminto ako, matinding gulo ang haharapin ko.

Ginawan ko ng paraan na makuha ang phone ko sa bulsa nang tumunog ito, senyales na may tumatawag sakin.

Agad kong sinagot ang tawag na mula sa kaibigan kong si Chaeyoung.

"Bakit ka ba tumatawag?!" Pasigaw kong tanong habang patuloy sa pagtakbo.

"Bakit sinisigawan mo ko? Chill ka lang." Sagot niya sa kabilang linya.

"Chaeyoung, I need your help. Please!" Hinihingal kong pakiusap sa kanya.

"Ano bang problema? Bakit parang hingal na hingal ka? Nage-exercise ka na naman ba sa gym ngayon? Sinasabi ko sayo, baka abutan ka na naman ng babe mo diyan. Lagot ka, haha!"

"Hindi ko babe 'yon. Wala ako sa gym ngayon dahil tumatakbo ako patakas sa kanya ngayon. Bro, help me!"

"Sabi ko na eh, Haha. Go, Kim Dahyun. Run for your life!" Nagawa pang tumawa ng sira-ulong 'to.

"Walang nakakatawa sa sitwasyon ko. Do something, Chaeyoung. Tulungan mo akong makatakas sa babaeng 'to. She's so weird!"

"My Dahyun!" Rinig ko na namang sigaw ng nangungulit sakin. Her name is Sana.

"Uy, naririnig ko yung pagtawag niya sa pangalan mo. Haha!" Pang-aasar pa ni Chaeyoung.

"Seryoso ako, Bro. Kailangan ko ng tulong mo. Sapak ka sakin 'pag nagkita tayo. Kapag ako nahuli nito, ikaw ang may kasalanan!"

"Sabi ko naman kasi sayo na sabihin mo sa kanya nang personal na 'di ka interesado sa kanya. Basic!"

"Nagsisisi na akong niyaya ko ng date 'to!" Sa gym kung saan ako nagwo-work out, nakilala ko si Sana last month. Unang kita ko palang sa kanya, nakuha na niya ang atensyon ko kaya naman niyaya ko siya ng date.

Noong una, okay naman siya. Sa totoo, okay na okay nga siya eh. Maganda, marunong magpatawa, at masayang kasama.

Nag-enjoy talaga ako noong mga unang date namin. Pakiramdam ko nga sobrang swerte ko dahil sa dinami-rami ng nagkakagusto sa kanya sa gym, ako ang pinili niyang maka-date.

Noong tumagal at lumipas ang ilang linggo na magkasama kaming dalawa, parang unti-unti na siyang nagbabago. Sobrang selosa niya.

Sa tuwing magde-date kami, palagi niyang pinagpipilitan na cheater raw ako. Hindi naman 'yon totoo. Sobrang busy ko nga sa work ko as photographer. Wala akong time makipag-lokohan.

Isa pa, 'di pa naman kami magjowa. Nagde-date pa lang kami pero sobra na siya maka-react sa bawat kilos ko lalo 'pag may ibang babae akong nakaka-interact.

Last week, inaway niya yung waitress sa restaurant kung saan kami nag-date. Tinanong lang ng waitress kung anong order namin. Nabigla na lang ako dahil sinabunutan niya yung waitress na wala naman ginagawang masama sa kanya.

Pinagkaguluhan kami ng mga tao dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung paano ie-explain sa lahat. Akala tuloy ng iba, cheater ako.

Habang tumatagal, mas lumalala na siya kaya naman nagdesisyon akong itigil na ang koneksyon sa kanya dahil may mga nadadamay na.

Akala ko maiintindihan niya. Akala ko titigilan na niya ako. Nagkamali ako dahil mas lumala pa siya. Halos araw-araw niya akong hinahanap. Natutunton niya kung nasaan man ako. Isa lang ang masasabi ko, kailangan ko siyang iwasan.

"Dahyun, nandiyan ka pa ba? Hello?" Natauhan ako dahil sa pagsigaw sakin ni Chaeyoung sa kabilang linya habang patuloy pa rin ako sa pagtakas palayo kay Sana.

Mukhang 'di ako matutulungan ng pesteng kaibigan ko. Kailangan kong umisip ng paraan.

"Mamaya na tayo mag-usap, Chaeyoung!" Itatago ko na sana sa bulsa ang phone ko kaso nabitawan ko ito dahilan para malaglag sa sahig.

Sandali akong napahinto para kunin ang phone ko ngunit huli na ang lahat. Tumambad sa harapan ko si Sana na naunang nakapulot ng phone ko.

"Shet." Nasabi ko na lang habang nakatingin sa kanya na medyo hinihingal na rin sa kakatakbo.

"Gotcha." Nakangising sambit niya habang nakatingin sakin.

"Sana, phone ko 'yan. Please!"

"Bilang parusa sa ginawa mong pagpapahirap sakin kanina, sa akin na muna ang phone mo."

"No, baka may importanteng tawag o text. Ibigay mo na sakin 'yan, Sana." Pinilit kong magpaka-kampante, baka sakaling mapakiusapan siya this time.

"Importanteng tawag o text? Mas importante pa ba 'yon kaysa sakin?" Ayan na naman siya.

"Yes?"

"What the hell, Kim Dahyun?!" Sigaw niya sa harapan ko.

"Wala naman kasing tayo, Sana. Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo? Hindi tayo nagkakasundo at 'di kita kayang i-handle."

"Baka naman may iba ka na..."

"Listen to me, Sana. Hindi tamang ginugulo mo pa rin ako. We're not dating anymore. Akin na ang phone ko. Come on, ihagis mo na sakin ang phone." Nag-ready pa ako sa pagsalo.

"Sa tingin mo, ganun na lang kadali 'yon? Tsk. Pumunta ka sa apartment ko mamayang gabi. Mamaya ko ibibigay sayo 'to. Sa ngayon, bye muna. See you later, Babe." Kumindat pa siya bago tuluyang umalis.

What the fvck?

▪️▪️▪️

A/N: Opo, malayo na ulit 'tong fanfic na 'to mula sa drafts 😂

Love Me, Touch Me, Kiss Me (LM, TM, KM)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora