1 ~ Enemies:Lovers?

1.5K 39 6
                                    

Isa nanamang mala-impyernong araw sa Bangyeontan University. Puro lectures, puro assignments, puro groupings at puro reporting. Napakasakit na ng ulo mo dahil sa lahat ng to. Akala mo nga nya ay di na yun lalala. Kaso nga lang, hindi magpapatalo si Jimin.

"Uyyyy, baby Y/n ko." Pag lapit niya sayo at umakbay pa.

"Tigilan mo nga ako! Bastos!" Sigaw mo sabay tulak sa kanya. Si Park Jimin. Ang playboy ng kabilang section. Sikat siya dahil sa gwapo at talented siya. Ok na nga sana eh, kaso yung ugali naman tikwas. Ang lakas ng loob magdidikit sa iba't-ibang babae araw-araw. Pero sa mga nakaraang araw, ikaw ang trip nya. Self-centered din, kala mo sa kanya yung mundo.

"Aba? Hindi mo nagustuhan? Rare yun para sa isang babae." Halatang gulat na gulat pa siya. Ang tanging nasa isip mo na lang ay sipain ang pagkalalaki nya kaso nga lang ayaw mo ma-guidance ng wala sa oras.

"Shut up. Layuan mo ako. Allergic ako sa playboy." Napaikot ang mata mo at naglakad ng mas mabilis. Ang gusto mo lang naman talaga ay matiwasay na breaktime kahit isang beses lang.

"Eh pano pag ginawa ko to? Ayaw mo pa rin ba?"

Tanong niya sabay tulak sayo sa pader. Sobrang lapit niyo sa isa't-isa, kaunti na lang ay mag didikit na ang mga labi nyo. Ramdam na ramdam mo ang tingin sa inyo ng mga ibang estudyante pero hindi mo iyon pinansin kundi ang tibok ng puso mo na napakabilis. Paunti nang paunti palapit na siya nang palapit pero hindi ka makagalaw at pumikit na lamang. Pero... Bigla syang tumigil?

"Akala mo talaga itutuloy ko?" Bulong niya sabay tawa ng mahina. Natauhan ka at tinapakan ang paa niya, resulta ng paglayo niya sayo.

"Aray! Bakit mo ako tinapakan?! Nadumihan pa yung sapatos ko! Bago to eh!"

"Bwisit ka Park Jimin!" Sigaw mo sabay takbo na papuntang cafeteria. Naririnig mo pa rin syang tinatawag ka pero di mo na pinansin. Masyado ka na kasing napahiya.

~

"Sus, arte. Kala mo naman di gusto." Tawa ng bestfriend mo. Kakatapos mo lang kasing ikuwento sa kanya ang nangyari kanina. Nagulat kasi sya nang makita ka nyang namumula pagkapasok mo sa cafeteria.

"Hindi ko talaga gusto! Sino bang may gusto non?! Eh nakakaasar kaya!" Nag-iinit ang ulo mo at halos may usok na lumalabas sa ilong at tenga mo.

"Kaya ka naaasar kasi hindi natuloy noh? HAHAHA." Pagtawa niya uli sabay hampas sa table.

"Anong?! Hindi ah!" Pagtulak mo sa kanya ng pabiro.

"Oh tignan mo, tignan mo! Napapangiti kang hinayupak ka! Sabi na nga ba crush mo pa rin si Jimin eh!" Sabi ng bestfriend mo habang tinuturo ang ngiti mo. Halatang kinikilig sya kahit pa hindi naman siya ang may lovelife.

"Anong?! Hindi ah! No way! Ayoko na sa kanya!" Pag dedeny mo. Ayaw mo kasing ipahalata na hanggang ngayon ay may pagtingin ka pa rin sa kanya kahit na ganoon ang ugali niya.

"No no no, ayoko. I hate him. Dati lang yon. Yung ugali nya kasi eh! Ang sarap niya itapon sa ilog! Tapos gusto ko rin tapak-tapakan yung pagmumukha niya! ARGH!" Pagpapatuloy mo sa pag labas ng galit mo. Ang bestfriend mo naman ay nagbibigay na ng senyas na tumigil ka.

"Bes, tama na. Hahaha." Medyo kinakabahan ang bestfriend mo habang may itinuturo sa likuran mo.

"Ano bang sinasabi mo? Nagagalit ako eh! Hayaan mo akong sabihin na raramdaman ko! Ano ba kasi yo--" Napatigil ka nang tumingin ka sa likuran mo. Nandoon pala si Jimin. Napasampal ka na lang sa sarili mo sa isip mo dahil sa kahihiyan.

'So narinig niya lahat ng yon? Ang bobo mo naman Y/n!' Sabi mo pa sa utak mo.

"Ah so dati pala gusto mo ako?" Napa smirk siya at inilapit ang mukha niya sayo. Agad ka namang lumayo.

Pa-Fall Ka! ~ A Park Jimin FF [Completed]Where stories live. Discover now