Chapter 82

1.3K 36 0
                                    

Eliza's Point of View

[MANSION]

Nang makarating na ako sa mansyon galing sa championship game nina Clifford at Dharenz ay agad kong ipinaasikaso sa mga maids ang pool area para doon nila ganapin ang victory party nila.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko dahil sa mga paperworks na ginagawa ko. Kinatok din ako ng isa sa mga maids kanina para sabihin na dumating na ang mga ka-teammates ni Clifford sa basketball.

Dito kasi nila naisipan mag-celebrate ng victory party dahil nga sa nanalo sila sa championship kanina. Bwesit na lalaking yun! Hindi man lang muna ipinaalam sakin na dito sila magsi-celebrate kapag nanalo sila sa basketball bago magdesisyon. Ang sarap niyang ipakain sa pating sa dagat eh.

~TOK'TOK..

Sino naman kaya ang kumakatok na to? Istorbo eh, may ginagawa pa akong mga paperworks. Tumayo naman ako para pagbuksan ng pinto ang kumakatok, nag-effort na kong tumayo kahit na busy pa ko. Hindi kasi ako nagpapasok ng kahit na sino sa kwarto dahil may mga sekreto kasing nakatago dito, malalaman niyo din kung ano yun.

"Pasensya na po sa istorbo, Madam.. hinahanap ka po kasi sa baba nina Ma'am Aira at Sir Clifford." Nakayukong bungad niya sakin ng isang maid.

"Pakisabi na busy pa ako sa mga paperworks ng kompanya at kailangan kong matapos mapirmahan ang mga yun ngayon." Seryosong sabi ko sa kanya kaya naman bahagya siyang napaatras.

"May naghahanap din po sayo na isa sa mga kasamahan ni Sir Clifford." Sabi niya pa sakin, napaisip naman agad ako kung sino.

Biglang pumasok sa isip ko si Dharenz, siya siguro ang naghahanap sakin.

"Sige, tatapusin ko lang ang ginagawa ko susunod na lang ako.. pakisabi sa kanila." Sabi ko, masyado na yata akong nagpapaka-stress ngayon.

"Opo, Madam." Nakayukong sabi niya at umalis na.

Isinara ko naman na ang pintuan at bumalik na ulit sa computer table para tapusin ang mga paperworks na ginagawa ko gamit ang laptop ko.

Mga pasaway talaga sila! Alam naman nilang busy ako eh, gusto pa nilang makipag-celebrate ako sa kanila? Mga istudyante nga naman. Tsk.

~KRINNGG..

Tumunog naman ang cellphone kong nasa tabi ng laptop ko. Hay, ang dami talagang istorbo sa araw na to. Sino naman kaya ang tumatawag na to? Dinampot ko naman yun at agad na tiningnan ang caller ID, si Elisse lang pala.

"Hello Unnie, kamusta ka na?" Bungad na sabi ni Elisse sakin matapos kong sagutin ang tawag niya.

'Psh! Ang saya na naman ng babae na to. Bakit kaya?'

"Elisse.." Pagbabanta na tono kong tawag sa kanya, ang lakas kasi ng boses eh, kaya nailayo ko ng bahagya ang cellphone sa tainga ko. "Bakit napatawag ka, may problema ba?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Wala naman Unnie, kinakamusta ka lang nina daddy at mommy miss ka na kasi namin eh, pati na rin ng kambal mo." Sagot niya sakin, akala ko naman emergency na ang itinawag niya. Tsk.

Namimiss ko ng buhatin ang kambal kong anak, ang kaso hindi pa ako makabalik ng Korea dahil sa sobrang dami kong tambak na trabaho dito.

"Okay lang naman ako dito. Kayo ba, kamusta na kayo dyan? Ang kambal kamusta na sila?" Tanong ko sa kanya, natahimik naman siya ng bahagya. May problema ba?

"Okay din naman kami, lalo na ang kambal." Masayang sabi niya sakin kaya napangiti na lang ako. "At nga pala Unnie, wedding na namin ni Travis next month. It's just a simple wedding, kapag naayos na siguro ang lahat ng problema ay saka lang ako magpapakasal ng engrande." Sabi niya pa, natawa naman ako ng bahagya. Ito talagang babaeng to ang daling makinig sakin, spoiled brat kasi eh.

She's a Secret Mafia Queen ( Season 1 )Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora