Sabi niya, kapag pureblooded werewolf ay humihinto ang pagtanda kapag tumungtong na ng bente singko anyos ang isang wolf.

Ang race naman ng fae ay medyo bago sa akin dahil kahit na nakakarinig ako patungkol sa fae ay di pa ako nakakita nito o nakabasa ng full information patungkol sa kanila.

Ani Myem, ang fae ay medyo distant. Tago, kumbaga. Masyadong reserved ang fae lalo na kapag nakikihalubilo sila sa hindi naman nila kalahi.

And a fae is also a decieving creature, aniya pa. Hindi ko alam kung bakit niya nasabi iyon. At hindi ko na rin naman itinanong dahil parang may bakas nang kung ano sa mga mata niya nang sabihin niya 'yon.

Nalaman ko rin na nasa main pack house kami, at kastilyo nga ang disenyo nito. Siya rin pala ang head maid ng pack house na ito at matagal tagal na rin pala siyang naninilbihan dito.

Siya pa nga raw ang nag-alaga sa Alpha noong bata pa ito.

Binalak kong kumuha ng impormasyon sa kaniya patungkol sa pack nila at sa kung sinong Alpha ang namamahala dito pero ngiti lang ang binibigay niya sa akin sabay sabi na hindi raw sa kaniya dapat manggaling ang impormasyon hinihingi ko.

Sa loob din ng dalawang linggo ay tinulungan ako at ginabayan ni Myem para sa self-rehabilitation ko. Inoffer ni Myem na ang pack doctor na lang ang tumulong sa akin pero mariin ko iyong tinanggihan, hanggat maaari ay ayoko pang makahalubilo ng iba. Especially a pack doctor. Since it will reminded me of my broken dream.

Walang mintis din akong hinahainan ni Myem ng pagkain, mapaumaga man, o hapunan. Siya rin ang nag-sabi sa akin na may sarili palang banyo ang kuwarto ko. At nagpupumilit pa siyang i-assist ako nang balakin kong maligo. Pero dahil wala pa akong sapat na lakas, ay wala na rin akong nagawa.

To summarize, her treatment to me was like a princess. But this doesn't erased the fact that I'm in a fucked up situation.

Sa ngayon, sapat nang malaman ko na may sapat na akong lakas para makatayo at makalakad.

I really can't believe this.

Nang maramadaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko ay mabilis ko nang kinalma sa sarili ko. Binalaan ako ni Myem na kailangan kong bawas-bawasan ang pag-ooverthink ko dahil iyon daw ang magiging dahilan para maghalf shift na naman ako.

Nang hindi pa rin ito mawala ay mabilis na akong tumayo sa hinihigaan ko at nag-umpisa nang sumayaw ng kung ano-ano. Dancing is kinda my thing. Kaya alam ko na madidivert nito ang atensyon ko.

I was stopped when someone cleared a throat on the side.

Ubos-hininga agad akong napalingon at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang nakangiting si Myem sa gilid.

Mabilis akong ginapangangan ng hiya dahil sa pinaggagagawa ko.

"Oh, Myem.." umupo ako sa chaise na nasa tabi ng bintana at pinunasan ang pawis sa aking mukha at leeg.

"You danced gracefully, Miss." mas lalo pa tuloy akong pinamulahan sa hiya dahil sa kaniya.

"That's just a interpretative dance, Myem, and I'm not that good.." humigop ako ng hangin para mahabol ang hininga ko.

Hopeless (Cursed Wolves Series #2)Where stories live. Discover now