📸5

7 1 0
                                    

Gaya nga nang sabi ni Mike we will make our everyday special and unforgettable.

He didn't break that promise and we are both living each day like it's our last day.
Nagtayo kaming dalawa nang maliit na bahay kubo sa gilid nang puno malapit sa sapa. Gumawa din kami nang bridge na kawayan para makatawid kami sa kabila kung saan makikita mo lalo ang magandang view.

Araw -araw siyang nandito sa bahay pupunta kami agad sa sapa bago siya umuwi minsan tumutulong siya samin ni Lola Mang sa pag decorate nang garden. Hindi nawawala ang pagkuha ko nang litrato lahat yun naka lagay na sa photo album kasi napuno na ang sampayan ko nang mga litrato. Ngayong araw ay weekend kung saan pupunta sina Mama at Papa dito naintriga sila sa kwento ni Lola Mang tungkol kay Mike alam ko magugustuhan ni Papa si Mike.

Busy kaming tatlo sa pag aayos nang bahay ni Lola Mang nung may bumusina na sa labas alam ko na sina Mama na yun kaya dali dali akong tumakbo pa labas para salubungin silang dalawa. Alam kung masaya din sila na makita ako.

Agad akong yumakap kay mama at sumunod kay papa. "Kamusta ang unika ija namin dito ok kalang ba?" Ngiting ngiti ako sa pag sagot kina mama. Sabay silang napatingin sa likuran ko. Kaya naman napatingin din ako. Si Mike pala at si Lola Mang na kakalabas lang nang bahay.

"Magandang araw po Mang." Nag manu si papa sa kay lola. Ngumiti naman ako sa kanya at bumaling ang mata kay Mike na nakangiting nakaharap sa mga magulang ko. "Ikaw ba si Mike Ijo?" Tanong ni mama sa kanya at tumango naman siya. "Yes po Tita ako po si Mike kaibigan nang anak nyo." Napangiti naman si mama at tumingin kay papa na parang kinikilatis nang mabuti si Mike. "Maganda yung intensyon mung makipag kaibigan sa anak ko?" Natatawa ako sa sinabi ni papa he look desperate to act like he is so strict but no jolly si papa and i know he likes Mike. "Yes po Tito I'm no harm to her." Bago pa mangalay ang paa naming lahat ay niyaya kuna silang pumasok. Papa pats Mikes shoulder and I'm happy seeing them getting along with each other.

May times na silang dalawa lang sa labas nang garden at gumagawa nang bench and they are talking about something. Ngayon kulang nakita si papa na kumakausap nang kaibigan kung lalaki mostly na mga kaibigan ko sa Manila disagree siya hindi niya daw type yung ugali at iba daw habol sakin. At first nagalit ako sa kanya but in the end I understand why he keep doing that because he just want to protect me and not to see me cry. He was the best father for me. Nakakagaan nang pakiramdam na at last may natiputahan na siyang kaibigan ko.

Tinawag na namin sila para mananghalian kasi mamayang hapon uuwi na pabalik sina mama sa Manila. Pumasok na ang lahat sa dining at umupo mag katabi kami ni Mike at nasa harapan namin sina mama at papa. Masaya ang kwentuhan naming lahat nang biglang humilo yung ulo ko at parang nagiging blur ang buong paligid.


Napalapit silang lahat sakin lalong lalo na si Mike. "Ok kalang?" Tumango naman ako. Siguro na pagod lang ako ngumiti nalang ako sa kanila para hindi na sila mag alala. Inalalayan ako ni mama papuntang kwarto para pag pahingahin kahit ilang beses na akong nagsabi na ok lang ako. "Anak naman wag mo kasing pagurin ang sarili mo alam mo namang hindi kapa masyadong malakas eh." Pinahiga niya ako at kinumutan. "Mama ok nga lang ako siguro dahil lang to sa init wag kanang mag alala ok lang ako promise." Umakto pa akong parang sumusumpa. "O siya sige tutulungan kulang yung lola mang mo sa hugasin magpahinga ka na maya maya aalis narin kami." Tumango lang ako ulit bago pa makatayo si mama ay niyakap ko siya nang sobrang higpit. "Namiss kita Ma mag ingat kayo doon lalo na at mag isa kayo sa bahay." Niyakap niya rin ako nang mahigpit at narinig kung kumihikbi siya.



"Ma naman wag ka namang umiyak kakainis ka eh iiyak din ako niyan sige ka." Naramdaman kunang may namumuong luha sa aking mga mata. "Eh kasi naman ikaw eh may pa message kapa eh luluwas lang naman kami pabalik nang papa mo para mag trabaho andami mupa kasing drama alam mo naman na ikaw yung kahinaan nang Mama diba?" Napangisi nalang ako sa sinabi ni Mama ata niyakap siyang muli. "Oo na Mama sige na mag papahinga na ako dito Love you." Hinalikan niya ako sa noo bago siya tuluyang umalis.






A/N: sorry for the taking this long para maka update sa story mid term exams is approaching na kasi kaya hanggat SWOT days nag update na ako hope you all like it love lots

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

-Picture Perfect- //KTH FanFicWhere stories live. Discover now