Jelly Ace Ulit

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ito," inangat ni Jethro ang isang kamay nito. "Ah, buko ng mga daliri."

"Book-koo neng menge dahl-lay-ri?"

"Yown. Gano'n."

Napangiti siya nang wala sa loob dahil parang natuwa ito sa pagkakabigkas niya ng mga salita.

Napangiti siya nang wala sa loob dahil parang natuwa ito sa pagkakabigkas niya ng mga salita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

He's really amusing sometimes. At kahit hindi siya sanay makasaksi ng mga bayolenteng pangyayari, napabilib siya nito sa pagtatanggol na ginawa nito kanina. Puwedeng-puwede niya itong i-hire na bodyguard.

Sa naisip ay natigilan siya. Bakit nga ba hindi niya iyon naisip dati? Dapat ay kumuha na lang siya ng bodyguard para matiyak ang kaligtasan nila ni Marcy.

Magsasalita na sana siya nang maunahan siya nito.

"Nagugutom ka ba?"

"No. I mean, hindi. Kumayen na akow kanina. Kasabay namen si Andy."

"Andy? Si Andeng?"

"Uh-hm."

"Hanep, ha? Biglang somosyal ang pangalan ng babaeng 'yon."

"Ekaw, dapat inumen mo na gamowt mo."

"Yes, Ma'am," nangingiting sagot nito.

"Tegalog."

"Ta hindi te. Ta-ga-log."

"Telag--er, Te-ga-log."

Napakamot ito sa noo. "Okey, puwede na 'yon."

"Ayos na akow. Tigil ka na," aniya. 

Napansin niya rin kasi ang nakatiwangwang na pagkain doon. Marahil ay naiwan nito iyon kanina upang puntahan siya sa tindahan ni Aling Mona. Iyon kasi iyong itinira nilang almusal para kay Jethro.

"Sigurado ka?"

"Uh-huh."

"Sige, ibabalik ko na itong yelo sa ref. Kunin mo na lang ulit mamaya kapag kailangan pa."

Tumango lang siya.

May ngiti pa sa mga labi niya nang magbaling ng tingin at makita si Marcy. Makahulugan ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya bago lumipad sa nakatalikod na si Jethro. Sinimangutan niya ito dahil alam niyang nanunukso na naman ang mga tingin nito sa kanya. At mukhang may balak itong sabihin nang bigla na lang bumungad si Boogie.

"Jet, Jet. Parang awa mo na, punta ka na sa talyer," mula sa pinto ay paluhod itong naglakad papunta sa binata. "Sorry na sa nangyari kagabi."

Chantal saw him popped the med into his mouth. Pagkatapos ay binalingan nito si Boogie.

"Paalis na ako. Tumayo ka na riyan at lumayas ka na rin sa harapan ko . Baka hindi kita matantiya."

Nagkukumahog namang tumalima si Boogie.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon