Banana Cue

20.2K 1.1K 175
                                    

Chapter Six

INIWAS ni Chantal ang tingin kay Jethro nang makitang dumating ito. As usual, madungis na naman ang binata nang bumungad sa pinto. May tatlong araw na ang nakalipas mula nang mangyari ang tagpo nila sa kusina. Ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay napipikon pa rin siya rito. Hindi niya ito masyadong kinakausap o pinapansin. At dahil umaga't hapon lang naman sila kadalasang magkita, naging madali na lang sa kanya ang iwasan ito. Kapag oras na ng almusal ay hindi siya lumalabas ng kuwarto hangga't hindi ito nakakaalis. Sa hapunan naman ay sinasadya niyang hindi sumabay sa mga ito para lang hindi ito makasalo.

Nang dumaan si Jethro sa tabi niya ay nalanghap pa niya ang pinagsamang amoy ng pawis at motor oil sa katawan nito. Bahagya lamang nalukot ang ilong niya at parang walang nakita na itinutok ang tingin sa kanyang cellphone.

"Hi, Chantal,"  kayluwang ng ngiting bungad ni Boogie pagpasok ng pinto ilang saglit pagkaraang dumating ng naunang binata.

"Hi, Bogs," ginanti niya ng magiliw na ngiti ang bati ng lalaki. Mabuti pa ito, kapag dumarating ay may nakahandang ngiti kaagad para sa kanya.

"Nasaan ang mga kasama mo?" tanong nito.

"They went to the market."

"Namalengke?"

"Yup."

"At iniwan ka nilang mag-isa rito?"

"Yup. It's not the first time."

"Sa susunod na maiiwan kang mag-isa rito, magla-lock ka ng pinto," salubong ang kilay na sabi ni Jethro.

Nakikinig pala ito sa usapan nila ni Boogie. Ngunit parang walang narinig na hindi niya ito pinansin at bumalik sa panonood sa YouTube. Iyon ang pinaglilibangan niya dahil walang Netflix sa tv sa bahay na iyon. At bagama't flat screen na ang telebisyon doon hindi iyon smart tv o 4K model. So instead of stressing herself over it, nagtiyaga na lamang siya sa maliit na screen ng kanyang iPhone. Minalas kasing masama sa bagahe nila ang MacBook Pro niya at ang iPad ni Marcy. She tried locating it so she could remotely erase all of her personal data on her device, but no luck. Mukhang hindi pa nagagalaw ang laptop niya.

May biglang kumalabog sa kusina. Napapitlag siya sa kinauupuan.

"Jet, ano ang nangyari?" 

Out of curiosity ay napatayo si Chantal at sumunod kay Boogie.

"'Tang'na kasing upuan na 'yan. Nakaharang sa daan," galit na sabi nito sabay sipa sa dining chair.

Nang mapadako zng tingin nito sa direksyon niya ay bahagya siyang napaurong. Matalim at galit na naman ang tingin nito. Pero dapat pa ba niyang pagtakhan 'yon? He made it clear since day one that they are not welcome in that house. At sa loob ng tatlong araw na nakalipas ay mukhang hindi nagbago ang isip nito tungkol doon.

Mabigat ang dibdib na tumalikod na lang siya at pumasok ng kuwarto. It shouldn't matter. It's not like they are going to live in that house forever. Hindi pa niya nakakausap ang kanilang abogado. Ngunit sa sandaling sabihin nito na may hawak na itong sapat na ebidensya para maipakulong ang stepsister niya ay babalik na sila ng Amerika. Baka wala pang isang buwan ay umalis na sila sa lugar na iyon.

Napahinga siya nang malalim saka inilatag ang sarili sa ibabaw ng kama. Hindi niya maintindihan ang panlulumong nararamdaman. Yes, not all people are nice. At hindi lahat ng taong makakasalamuha niya ay pakikitaan siya nang mabuti. Minsan pa nga mas maganda na 'yong pakitaan ka ng masama dahil iyon ang totoong nararamdaman ng mga ito sa'yo kaysa magkunwaring mabuti tapos sa huli ay sinasaksak ka pala ng talikuran.

Like my stepsister.

Mabuti na lamang talaga at habang maaga ay natuklasan niya ang kasamaang itinatago nito. Kung nagkataon ay baka nahulog din siya sa patibong nito kaparis ng kanyang ama.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon