Saradong Kabanata

20.3K 1.1K 236
                                    

Chapter Sixty

THEY stayed in Quezon for two weeks. Sa unang linggo lamang naging maingay ang balita tungkol sa viral news ng pagkakita kay Chantal sa IMC. Na kalaunan nga'y humantong sa pagkabulatlat sa tahimik na pagpapakasal ng kilalang wedding dress designer sa isang ordinaryong Pinoy. Nakalkal pa ang personal na buhay ni Jethro. Ngunit mabilis na sumaklolo si Meredith sa usapin at nagbantang kung hindi titigilan ang pangangalkal sa buhay ng kapatid nito ay magsasampa ito ng kaso. Kahit papaano ay humupa ang isyu.

Few days later, pumutok sa social media ang affair ng isang kilalang mambabatas sa isang nagkakapangalan pa lamang na actor sa local showbiz. Hindi pa man humuhupa ang isyu tungkol doon ay nasundan iyon ng pagkamatay ng isang A-list Hollywood actress. Ayon sa initial report ay suicide ang nangyari. But there are information flooding the web that the actress was murdered. Diumano planong ibunyag ng namatay na aktres ang mga nalalaman nito sa isang sex trade ring na kinasasangkutan ng mga prominenteng tao sa industriya. Hindi personal na kilala ni Chantal ang namatay na Hollywood actress ngunit twice na niya iyong na-meet sa fashion event na dinaluhan niya.

Exactly two weeks after ay lumipad silang pauwi ng Bicol. Ayos lang naman sana kay Chantal kung bumiyahe sila by land dahil iniisip din niya ang kalagayan ng asawa na hindi sanay bumiyahe by air. Ngunit ayos lang daw iyon kay Jethro. Unti-unti na raw nitong sasanayin ang sarili para sa mga pagkakataong kailangan niyang bumiyahe ay masasamahan pa rin siya nito.

Her heart glowed. Nakakatuwa lang na pareho silang willing mag-adjust para sa ikagiginhawa ng isa't isa. Mahigpit niyang isinalikop ang kamay sa kamay nitong nanlalamig na naman. Sumandal siya sa balikat nito at bahagya itong tiningala. Namumutla ito habang nakapikit ang mga mata. Samantalang ang dalawa nilang kasama na sina Andeng at Boogie ay parang wala lang ang pagsakay sa chopper. Si Andeng ay tahimik lang, nakaupo ito sa passenger seat sa harapan katabi ng pilotong si Callous.

There's something weird about the two. Pero ayaw niya iyong ipagbigay-alam sa atensyon ng kanyang asawa. Alam niyang kahit madalas nitong tuksuhin ang pinsan na humanap na ng nobyo ay mas nangingibabaw pa rin dito ang pagka-overprotective.

Mabilis at maayos ang naging biyahe nila. Misteryoso man at tahimik ang kanilang piloto, isa lang ang masasabi ni Chantal, mahusay ito sa trabaho nito. Lumapag ang sinasakyan nila sa clearing na nasa likuran ng kanilang beach house. Marcy and Manoy Dison were already waiting for them when they landed. Natawagan na kasi niya si Marcy bago pa man sila umalis sa bahay-bakasyunan ni Meredith. Ang tiyuhin niyang si David at ang pamilya nito ay kasalukuyang namamasyal.

"Are you okay?" tanong ni Chantal sa asawa.

With a weak smile, he raised his thumbs.

Nginitian niya ito. "You'll get used to it."

Umungol lang ito sabay siksik ng mukha sa leeg niya. Natatawang hinila na niya itong papasok sa kanilang bahay. She missed their home. The smell of the sea, the sound of the waves and even the blazing sun in the middle of the day.

"Come to bed. You don't look good," aniya sabay haplos sa mukha ng asawa.

Nagpagiya naman ito sa kanya papunta sa kanilang kuwarto. He took off his own shoes, jeans and shirts. Para itong lasing. Pigil ang ngiting inalalayan na lamang ito ni Chantal pahiga sa kanilang kama. Namumutla ito at pinagpapawisan ng malamig. Bumaba siya ng kama para kumuha ng ipamumunas rito.

"Saan ka pupunta?" nanlalatang tanong nito.

"I'll be right back, jellyboo," pumasok siya ng banyo. Kumuha siya ng bimpo sa towel rack at binasa iyon ng maligamgam na tubig. 

Binalikan niya ang asawa at pinunasan ang nanlalamig nitong balat. Mula sa mukha, leeg at dibdib. Nang akmang bababa ulit siya ng kama ay pinigilan siya nito.

The Heiress and the HoodlumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon