Have You Ever Heard of Cinderella

161 5 1
                                    

Have You Ever Heard Of Cinderella?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Have You Ever Heard Of Cinderella?

Mapupulang mga labi at matangos na ilong, ang alindog na dala ng bawat kembot ng kanyang mga beywang ay nagdudulot ng kakaibang hiwaga. Ang kanyang mga ngiti at kisap ng mga mapupungay na mga mata ay nakakabighani na nagbibigay ng makamandag na ilusyon. Lahat ay nakatingin at pawang malagkit - na tila ba isang kasalanan ang umiwas ng tingin.

Pero hindi pa ito ang kanyang kabuuan.

Ang kanyang katawan ay ang gintong mansanas ng sanlibutan. Ito ang hinahangad-hangad na makamit ng kaninoman. Lalong lalo na ang hubog ng kanyang katawan na parang sinaunang orasan - balingkinitan - at ang kanyang matatambok na likuran na nababakat dahil sa kasikipan ng damit.

Nakakatakam at nakakapanabik - siguradong mamumula ito kung huhulmahin.

Kung isang pagkakamali ang makamit ang kanyang mga labi, pwes, maging mali na ang lahat matikman lang ang tamis. Kung isang kasalanan ang maangkin ang kanyang katawan, pwes, maging makasalanan na ang lahat makuha lang ang makatas na prutas na inaasam-asam.

Kung ang pagiging halimaw ang kailangan para makuha ang atensyon niya-

Sapat na ang isakripisyo ang lahat sa demonyo maangkin lang siya.

Ang bahagyang liwanag na bigay ng mga sumasayaw na ilaw ay hindi naging hadlang para maipakita ang  kariktan ng taong ito. Imbes, sa tuwing dumadaan sa mapuputi niyang balat ang pulang ilaw, ito ay naglalabas ng mapusok na alindog. Ang kanyang kagandahan ay nagdadala ng panganib lalong lalo na sa mga taong matagal nang nawala sa sarili.

Napansin ng lahat ang kanyang pagdating - sino nga ba ang hindi makakapansin? Ang kanyang buong pagkatao ay malakas humakot ng atensyon na kahit sa sulok pa siya tumayo ay makikita at makikita pa rin siya. Naglakad siya patungo sa grupo ng mga kalalakihan na kanina lang naaaninag ang kanyang imahe.

"Elliot... Ikaw na ba iyan? Ang laki na ng pinagbago mo?" Ani ni Julius nang makita ang kaklase.

Tumayo si Julius sa kanyang kina-uupuan at inikutan ang kararating na kaibigan. Hindi mahilig magsuot ng pambabaeng damit si Elliot kahit na pambabae ang kanyang oryentasyon, pero mapapansin pa rin ang magandang hubog ng kanyang katawan. Mahilig siyang magsuot ng masisikip na mga damit kaya nababakat ang dapat nababakat at nagiging halata ang hindi dapat makita.

"Yikes, tignan mo nga," Dagdag ni Julius. "Mas gumanda pa ang loko."

Ngumiti lang si Elliot na tinapik ang balikat ng mabuting kaibigan.

"Ako lang ba ang nagbago? Tignan mo nga ang sarili mo?" Ibinalik niya ang parehong aksyon kay Julius. "Hindi ba medyo tumaba ka? May nakikita akong tiyan dito oh."

"Anong taba? Naggi-gym na nga ako every weekend!" Reklamo ni Julius.

"Every weekend nga pero everday buffet naman," tawa naman ni Damian na inakbayan si Julius. "Inakala ko tuloy na ikaw ang nabuntis..."

Season of Rainbows [Season 1] ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon