Lights Out

146 5 1
                                    

Lights OutWritten By: BlackBitchWP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lights Out
Written By: BlackBitchWP

Dedication
I dedicate this story to my fellow BXB Authors (naks kala mo sikat char) specially to my Lolo Rovi_Mutchizuki rest well lolo, i miss you already! i know you're happy and safe up there!  and to my Lolo Kit_Adrian yeah thanks for make sali sali me here! labyuuuu you know naman kung ano message ko sayo chur! and to my bestfriends out there, Eya, Ceng and Zap ( na nimute ko sa account ko lols)  ahahaha wala ako masasabi sa inyo stay a bitch, guys! and to my friends na rin and also, lastly i dedicate this for myself! self another achievement unlock! oyeah *insert twerk it like miley* i love you self kahit cramming is life tayo today!  thank you po

to my readers out there( chur) happy reading guys! Merry Christmas And Happy New Year.

"Hindra, apo ko kamusta ka na?" Ang bungad ni lola pagdating sa bahay. Ngumiti lang ako ng matamis sakanya kahit na mali ang tawag nya sa akin 
"Lola, ilang ulit ko po bang sasabihin na hindi po ako si Hindra? Ako po ito, apo ninyo sa tuhod si Beu. Ako po ito si Beu, Lola" ang malambing kong saad sabay halik sakanyang noo. Matanda na ang lola, kaya nasanay na din ako sa mga maling tawag nya sa akin.
 "Ay oo nga pala, ikaw pala iyan beu, pasensya na apo kamukha mo lang talaga ang aking Hindra" sabay hawak nya sa pisnge ko "Miss ko na ang batang yun" nangiti nalamang ako. 
Ang Hindra na sinasabi ni lola, ay hindi nya apo. Si Hindra ay gawa lamang sakanyang imahinasyon, bagkus ay mas matanda pa si Hindra kaysa kay lola. Napatingin na lamang ako sa larawan ni Hindra dito sa aming bahay. Puno ng kakisigan ang itsura ni Lolo Hindra, sabi ni lola, walang naging asawa si lolo Hindra ng siya ay nabubuhay pa lamang namatay sa dahil sa pagkalunod ng barko ayon ang pagkakaalam ko. At tulad ng sabi ko, kahawig ko ang lolo Hindra. Kaya hindi ko na rin masisi si lola na isiping ako ay si hindra. Nasanay na lamang ako. Para na rin sa ikakaligaya ni lola minsan
 "Hmmm sige, lola. Dito po muna ako magbibihis pa po ako e" paalam ko nginitian lamang ako nito 

"Osige, Hindra. Pagbalik mo ay tugtugan mo muli ako ng gitara, namimiss ko na ang boses mo" lambing nya pa. 

"Sige po, lola"

Hays kakasabi ko lang sakanya na ako si Beu, hays lola talaga. Nagmadali na ako sa pagpasok sa kwarto at baka kung ano pa ang gawin ni lola. Pagkatapos magbihis ay agaran ko ng kinuha ang gitara sa ibabaw ng kabinet. Isa akong miyembro ng theater group sa university na pinapasukan ko, naging scholar ako dahil dun kaya hindi na kami gaanong nahihirapan sa pagpapaaral sa akin. Kaya heto, natuto akong tumogtog ng mga instrumento. Dali dali na akong bumalik at nakita ko ang lola ko na nakaupo sa paborito nyang uga uga, agad namang sumilay ang ngiti sakanyang labi ng kanyang masilayan ang aking mukha. Isang napakatamis na ngiti na sobrang nagpapagaan sa dibdib ko, ngiti ng isang lola na nag alaga sa akin ngumiti din ako sakanya sabay upo sa isa pang upuan. At nagsimulang galawin ang mga string ng gitara.
"Anong gusto mong tugtugin ko aking pinakamamahal na babae sa mundo?" Malambing kong bigkas na nagpahagikgik sakanya, ganito talaga kami ni lola sa tuwing magkakantahan kami, umaasta akong isang manliligaw, well wala naman akong pake. Basta sa ikakaligaya ng aking lola.
"Iyung dati apo, ang aking paborito ang iyong tugtogin" ngumiti lamang ako at nagsimula ng magtipa.
'When the blue sky is starting to fade,
And the dark sky is starting to rise above
You know im here for you,
Always ready to hug you'
Nangiti ako sa pagtitig ng lola sa akin. Ang kanta na ito ay isinulat ni Hindra ng mga panahong sya ay estudyante palamang.
'You're my sweetheart, my beautiful person with a dashing smile." Sabay pindot ng ilong ni lola na nagpahigikgik muli sakanya.
"When i go, dont you ever dare to cry, im just in the other town working hard for you"
"Always remember that i will coming back to you" napangiti ako sa pagkanta ni lola.

Season of Rainbows [Season 1] ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon