The White Flower

202 5 1
                                    

Season of Rainbow: The White Flower

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Season of Rainbow: The White Flower

DEDICATION
Ang kwentong ito ay bahagi ng koleksiyon ng mga kwentong nakapaloob sa panibagong librong pamasko na pinamagatang Season of Rainbows na nabuo mula sa tatlong naunang kolaborasyon ng Carols of Love. Kaya naman sa pagsisimula ng panibagong yugto ng collaboration book na ito ay aking idinidedika ang kwentong ito sa mga nagpasimuno at mga nagsilbing pundasyon na ng tradisyong ito na nagsimula sa Carols of Love, lalo na kila Xakni_Allym, Ibong Maya, Tofu, Cold Deee, Patrick, Ken, Ael, Hiro, Windy, Eirams, Yosef at iba pang hindi ko nabanggit.
Inaalay ko din itong kwentong ito para sa mga alaala ng dalawang manunulat na naging bahagi na din ng ating buhay na sila Rovi, Yortzekai and Dorshylover.
Sana ay magustuhan niyo ang kwentong aking handog at gayundin ang iba pang kwentong inyong mababasa sa kolaborasyong ito.












Season of Rainbow: The White Flower
Tandang tanda ko ang gabing iyon, ang petsa at ang oras, December 24, 2018 tatlumpung minuto bago sumapit ang araw ng Pasko, ang araw na pinakhihintay ng nakakaraming pamilyang Filipino, ang araw na gusto ko nang kalimutan, ang araw na gusto ko nang mawala sa kalendaryo, ang araw na kinamuhian ko ang mundo. Tandang tanda ko ang gabing iyon, halos maghabol ako ng hininga sa aking pagtakbo, malamig at nagbubutil ang pawis ko sa noo, habang umaagos sa mukha ko ang mainit kong mga luha. Lahat ng aking mga nadadaanan ay nakatingin sa akin, hanggang sa matanaw ko na ang madaming taong nagkukumpulan, mga taong usisero at usisera, nang gabing iyon hindi masayang tugtugin ang aking nadidinig kundi mga bulungan ng mga taong naroroon, hindi din Christmas lights ang nagpapaliwanag sa lugar na iyon kundi ang asul at pula na ilaw ng sasakyan ng mga pulis.
Habang papalapit ako sa kumpulan ay siya namang tila pagtanggi ng aking mga binti at paa na magpatuloy pa, tila sila mismo ay pinipigilan ako na makita ang ano mang dapat kong makita. "Brix!" ang nadinig kong pagtawag ng isang boses ng babae sa akin, nilingon ko ang direksyon kung saan nagmula ang paulit-ulit na pagtawag sa pangalan ko at natanaw ko si Josephine namumugto ang mga mata at sa sandaling iyon ay napako na ko sa kinatatayuan ko. Napansin iyon ni Josephine at agad siyang patakbo na lumapit sa akin at sa paglapit niya ay mahigpit niya akong niyakap at nang sandaling nagsimula na ang paghagulgol niya ay doon ako nakaramdam ng matinding panghihina at panlalamig. Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko sa lakas ng kabang nararamdaman ko nang sandaling iyon habang nagdadasal ako sa isip ko na sana mali ang iniisip ko.
"Brix... Brix..." ang halos di ko na maintindihang pagsambit ni Josephine sa pangalan ko dahil sa patuloy pa din itong umiiyak. "Brix si kuya, si kuya Max, si kuya Max wala na, Brix si kuya..." ang mga salitang tangi kong naintindihan mula kay Josephine, nagsimulang manlabo na ang paningin ko dahil sa mga luha, kumalas ako sa pagkakayakap ni Josephine sa akin.
"Hindi, hindi, Max..." ang sambit ko at dali-dali kong tinakbo ang kumpol ng mga tao at buong lakas kong hinawi ang sino mang hindi umalis sa dinadaanan ko, at sa gitna ng kumpulan doon ako napahinto. Tumambad sa akin ang taong nagparamdam sa akin na may halaga ako, ang taong naging mundo ko, ang pinakamamahal ko, ang taong minahal ako ng walang pagkapagod. "Hindi, hindi, hindi totoo 'to... Max... Max!" ang malakas kong sabi sabay hagulgol. Napaluhod ako sa kinatatayuan ko, at nanginginig akong lumapit ng paluhod sa katawan ni Max. Puno ng dugo ang puti nitong suot na polo, habang mahigpit niyang hawak ang isang bugkos ng mga puting bulaklak na may bahid din ng kanyang dugo.
"Max... Max... sinong gumawa sa iyo nito... bakit ka nila ginanito... Max, gumising ka, sabi mo 'di ba sabay nating sasalubungin ang Pasko kasi Anniversay na din natin, pero bakit ganito? Max naman gumising ka na, please..." ang pakiusap ko sa kanya, umaasa na gigising siya, umaasang babalik ang buhay niya, pero wala na si Max, wala na siya, niyakap ko siya ng sobrang higpit at ipinikit ko ang aking mata at ibinulong ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
"Brix?" ang nadinig kong pagtawag sa aking panagalan. "Hoy Brix..." ang ulit nito at minulat ko ang aking mata at bumungad sa akin si Josephine.
"Ayos ka lang ba? Naaalala mo na naman si Kuya?" ang usisa niya sa akin. "Buti na lang wala pang customer, naku kung hind for sure magba-viral 'yang pag-iyak-iyak mo diyan sa counter nitong coffee shop natin." ang dagdag pa nito.
"Ayos lang ako, don't worry Jo, I am okay." ang sagot ko naman habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
"Brix, I know how much you love kuya Max, at alam ko din kung gaano ka niya kamahal, pero Brix mag-iisang taon na din siyang wala. Two weeks from now, death anniversary na ni kuya Max and I guess dapat mo na siyang palayain para mas makapagpahinga siya ng mapayapa, at para din sa ikapapayapa ng kalooban mo."
"No Jo, no, hindi ko pwedeng kalimutan si Max and I will never ever forget him. Siya lang ang nagpahalaga sa akin noong mga panahong isinusuka na ako ng mundong ito dahil inaakala ng lahat na wala akong mararating, na isang malaking pabigat lang ako sa lahat. Jo tanging kuya mo lang ang naniwala na may halaga ako, tanging kuya mo lang ang nagmahal sa akin ng totoo." ang tugon ko kay Josephine at aking inayos ang mga mugs na nagsisilbing display sa counter ng cafe.
"Brix hindi ko naman sinabing kalimutan mo ang kuya ko. ang sabi ko palayain mo na siya, let him go, set him free. Kasi feeling ko hindi pa siya makapagpahinga ng mabuti sa kabilang buhay dahil nararamdaman at nakikita niya ang pagpapahirap mo sa buhay mo. Brix, masaya ako at thankful ako bilang BFF mo at bilang kapatid ni kuya Max na sobra mo siyang minahal magpahanggang ngayon, pero Brix kung ako din si kuya hihilingin ko na pagbigyan mo ulit ang sarili mo na sumaya." ang sabi sa akin ni Josephine at tinapik niya ako sa aking kaliwang balikat. "Sapat nang minahal mo ang kuya hanggang sa huling hininga niya, pero huwag mong hayaang huminto ang buhay mo sa paghinto ng buhay niya." ang dagdag nitong sabi, at isang iling na lamang ang tinugon ko dahil ayoko na pagtalunan pa namin ang bagay na iyon.
Lumalalim na noon ang gabi at matumal ang benta ng coffee shop dahil mabibilang lang sa daliri namin noon ni Josephine ang mga pumasok na customer 'yung iba nakigamit lang ng restroom. Tatawagin ko na sana sa loob ng kitchen si Josephine para sabihin na mag-early close na lang kami nang tumunog ang bell na nakasabit sa pinto ng shop at sa paglingon ko ay halos manlaki ang mga mata ko sa lalaking nakita ko, matangkad, moreno, nasa katamtaman ang pangangatawan at halos kamukha niya ang taong labis kong pinangungulilaan.
"Uhm excuse me?" ang nadinig ko na lamang na sabi ng lalaki at hindi ko na din namalayan na nasa tapat ko na siya.
"I'm so-so-sorry. Welcome pala sa Max & Brix Coffee Shop, do you have any order?" ang tanong ko dito.
"Isang white coffee, no sugar please." ang sabi nito.
"Is that all sir?"
"Uhm oo, 'yun lang." ang tugon naman nito.
"And what's the name sir?"
"Mas." ang sambit nito ng mahina.
"Max?"
"Hindi Max, Mas... Masson ang full name ko pero Mas ang nickname ko so just put Mas as my name in the receipt." ang paglilinaw nito, at nakita kong napasilip mula sa kitchen si Josephine marahil ay nadinig niya nang isigaw ko ang pangalan ng kuya niya.
"Sorry sir and thank you. Isi-serve ko na lang po sa table niyo yung order niyo." ang sabi ko naman at isang ngiti ang itinugon niya sa akin at agad na din siyang umupo di kalayuan sa counter.
"Isang white coffee with no sugar for table number seven please." ang sabi ko sa para ma-prepare na ni Josephine ang order ng lalaki.
"Nadinig ko, oh heto na." ang sabi ni Josephine na lumabas pa ng kitchen para iabot sa akin ang kapeng ginawa niya. "Brix hindi porke't kamukha ng kuya ay siya na 'yan , okay? do not look someone you knew to someone that you will just going to know." ang dagdag pa nito.
"Bakit wala naman akong ginagawa ah? Tsaka sino ba nagsabing kikilalanin ko siya. I just misheard nang sabihin niya na Mas ang name niya, katunod kasi siya ng pangalan ng kuya mo." ang tugon ko naman dito.
"I'm just giving you a best friendly advice, kung ayaw mong makasakit ng tao 'wag na 'wag mong hanapin sa kanila ang isang tao na gustong gusto mong makita o makasama." ang payo nito. "Oh sige na serve mo na 'yang kape baka lumamig pa 'yan, balik na ko sa kitchen." ang dagdag ni Josephine at tumango na lang ako at agad na lumabas ng counter para i-serve 'yung white coffee na order ng customer namin.
"Hello, Sir Mas, here's your white coffee with no sugar." ang bungad kong bati at inilapag ko sa mesa ang kape.
"Thank you." ang medyo pabulong niyang sabi.
"You're welcome, is there anything else you want sir?"
"Uhm wala na, pero I just have one question." ang sabi nito at humigop siya ng kape.
"Ah sige sir, ano 'yung tanong mo?"
"Well, no offense, pero napansin ko lang kasi na sa lahat ng stores around here bakit parang ang lungkot ng store niyo na 'to? I mean it's Christmas season, 'yung ibang stores are well decorated with Christmas decors like Christmas lights, Christmas tree and so on. Pero bakit 'tong store niyo is parang ang plain and gloomy?" ang tanong niya na nakatingin sa mga mata ko. Nang mga sandaling iyon ay para akong kinurot sa puso ko, at sandali akong nag-isip kung paano ko siya sasagutin ng hindi iiyak.
"I do not believe in Christmas kasi." ang tanging nasambit ko.
"Oh I see, so isa ka sa owner nitong store and you belong to a religion na hindi naniniwala sa Pasko? Tama ba?" Ang tila pag-uusisa niya at napayakap na ako noon sa hawak kong bilog na tray.
"Hindi, I am a Catholic, but it doesn't define my belief and it should not define me as an individual. I just don't believe in Christmas, I just don't want to believe in it anymore." ang sagot ko na pinipigilan ko na maging emosyonal sa harap ng customer. "Pwedeng magtanong din ako?" ang habol ko.
"Sure." ang maikli niyang tugon.
"Ano ang dahilan bakit natanong mo 'yan?"
"Sorry, I am just so curious, as I said this store feels like so plain and gloomy. And napansin ko na ako lang ang tao sa mga oras na 'to or maybe nagkataon lang, pero if not gusto ko lang sana i-suggest na try to decorate the store, kasi sa sobrang gloomy niya tignan seems like itinataboy niya ang mga customers niyo." ang sagot nito.
"Thank you for the suggestion pero I don't want to do such things para lang i-please ang ibang tao. Besides dahil sa ibang tao nawalan din ako ng dahilan para maniwala sa Pasko, so why I have to please other people kung sila mismo ang dahilan kung bakit ako ganito." ang sabi ko na bahagyang hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko kaya nakapagsabi ako ng ilang bagay na hindi ko na dapat sabihin pa.
"Please excuse me sir, if may kailangan pa kayo nasa counter lang ako." ang sabi ko para hindi na humaba pa ang usapan namin.
Nang nasa counter na ako ay doon ko naramdaman ang panginginig ko, may mga luhang kumawala sa akin na agad ko ding pinunasan. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaunting pagkainis sa lalaki naming customer, oo may pagkakahawig sila ni Max sa pisikal na aspeto pero pagdating sa ugali sa tingin ko ay magkaiba sila dahil si Max ay hindi mausisa sa mga bagay-bagay lalo na kung alam niya na iyon ang ayaw at gusto ko, naiinis ako dahil pakiramdam ko ay ibinalik niya ako ng ilang sandali sa panahon na nawala sa akin si Max.
"Uhm..." ang nadinig kong boses at napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at bumungad sa akin ang lalaking customer.
"I'm sorry, I didn't meant na ma-offend ka. It's just I'm really curious, I'm sorry. I know na offend kita but believe me I do not mean anything to hurt you." ang paghingi nito ng pasensiya at mayamaya pa ay naglabas siya ng panyo at iniaabot niya ito sa akin.
"Ano 'yan?" ang tanong ko sa kanya.
"Pamunas mo sa luha mo. Sorry again, I guess I have to leave, para hindi na sumama pa loob mo." ang sabi nito. At kinapa ko ang mukha ko at hindi ko namalayan na lumuluha na naman ako noon. Iniwan niya ang panyong iniaalok niya sa akin sa counter top, at agad siyang umalis.
Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang kamay ko at hinayaan ko lamang ang kanyang panyo sa counter. Pumunta ako sa dining area para kunin ang tasa na ginamit niya, nang kunin ko na ang tasa ay tila huminto ang mundo ko noon, muntik ko nang mabitawan ang tasang hawak ko nang makita ko ang isang puting bulaklak sa upuan ng lalaki naming customer. Hindi ito basta puting bulaklak, isa itong white amaryllis, ito din 'yung bulaklak na daladala noon ni Max. Ibinaba ko muli sa mesa ang tasang ginamit ng lalaki at kinuha ko ang bulaklak ng amaryllis at walang ano-ano ay napatakbo ako palabas ng store, at pinilit kong hanapin ang lalaking iyon, nilingon ko at tinanawa ang lahat ng direksyon hawak ang bulaklak pero bigo akong makita ang lalaki.
Bumalik ako sa loob ng shop dala ang puting bulaklak at bago pa ako makapasok ng counter area ay sinalubong na ako ni Josephine na nakangiti habang napapailing pero sa halip na magsalita ako ay hindi ko na lamang ito pinansin at inilagay ang bulaklak sa isa sa mga drawer ng counter.
"Brix tandaan mo ang sinabi ko ha, huwag mong hanapin sa ibang tao ang taong nakilala mo, bukod sa masasaktan ka lang ay makakasakit ka din ng iba." ang pagpapaalala nito sa payo niya sa akin.
"Oo naaalala ko naman." ang maiksi kong tugon, at naramdaman ko na bumalik na siya sa loob ng kusina. Napatingin ako nang sandaling iyon sa counter top at nakita ko ang panyo ng lalaki, sa hindi ko mawaring dahilan ay kinuha ko ito inamoy.
Sa aking pag-amoy sa panyo ay tila may pakiramdam akong minsan ko nang naamoy ang pabangong nakakapit dito ngunit hindi ko lamang matandaan kung saan at kailan. Pakiramdam ko nang mga sandaling iyon ay parang gusto kong magbalik tanaw sa isang nakaraan na hindi ko matandaan, isang nakaraan na maaaring nakalimutan ko na o kinalimutan ko na.
Isang oras ang lumipas simula nang umalis ang lalaki ay napagdesisyonan namin ni Josephine na mag-early close na dahil bukod sa wala naman masiyadong customer ang pumapasok ay talagang nahihirapan kami na kaming dalawa ang tao sa shop.
"Naku mabebengga talaga sakin bukas yang sila Marjorie at Kenneth, pasalamat sila at di matao ang store ngayon." ang sabi ni Josephine habang inaasikaso namin ang pagsasara ng store.
"Hayaan mo na Jo, malay mo naman talagang nagkasakit ang dalawa, tsaka nag-message na ko kay Carlo at Allan na pumasok sila bukas para in any case na hindi na naman makapasok 'yung dalawa." ang sabi ko habang tinatapos ang pagpupunas sa counter top.
"Eh paano kung pumasok? Eh di apat naman sila bukas na aalog-alog dito sa shop?" ang tanong niya.
"Eh di ayos lang ang mahalaga may katuwang tayo 'di ba?" ang positibo kong tugon.
"Kung mag day-off ka muna bukas?" ang biglang sabi ni Josephine at napatingin ako sa kanya na tila inuusisa kung ano ang dahilan at bakit gusto niya akong mag-day-off.
"Oh huwag mag-isip ng kung ano-ano kilala kita Brix. Pinagde-day-off kita kasi ilang araw ka na ding nag-e-emote dito sa shop. What I want for you to do tomorrow is to breathe some air."
"I breathe air naman din dito ah?"
"Huwag kang pilosopo kung ayaw mong batuhin kita nitong mop. What I mean is take time to relax, refresh, to have some peace of mind and diyan sa puso mo."
"Pero wala din naman akong budget to go somewhere and bukod don wala akong maisip na pwedeng puntahan din, kaya I rather..."
"No! Hindi ka papasok bukas, you will take a day-off, okay? At kapag pumasok ka bukas trust me Brix kakaladkadin kita palabas ng shop. Kilala mo ko my friend." ang banta sa akin ni Josephine na may kasama pang tingin na nagsasabing seryoso siya. Kilala ko si Josephine at alam ko sa mga sandaling 'yon ay seryoso siya kaya naman huminga ako ng malalim at sabay buntong hininga.
"Okay sige mag-off na ko bukas but promise me na hindi mo kakastiguhin masiyado yung dalawa kung pumasok man, mahirap maghanap ng empleyado ngayon." ang sabi ko.
"Okay, okay, payag na din ako diyan." ang tugon naman niya.
Nang matapos na kami ay pinatay na namin ang mga ilaw sa shop at nagpasiyang lumabas, kinuha ko ang backpack ko na nakalagay sa ilalim ng counter at palabas na sana ako noon nang tila may nagpaalala sa akin tungkol sa bulaklak. "Ah wait lang Jo may nakalimutan lang ako, you can go ahead na ako na bahalang mag-lock ng store." ang sabi ko.
"Okay sige, I'll go ahead, nagpasundo na din kasi ako kay Jerwin. Mag-message ka kapag nakauwi ka na ha, ayoko na multuhin ako ng kuya dahil pinabayaan kita." ang sabi nito na may kasama pang pagbibiro.
"I will, don't worry uuwi din ako agad." ang tugon ko at binuksan ko muna ulit ang mga ilaw, mula sa bag ko ay kinuha ko ang susi ng drawer ng counter. Nakaalis na noon si Josephine, kumuha ako ng isang paper bag mula sa office room at doon ko nilagay ang bulaklak para hindi masira. Isasara ko na noon ang drawer nang mapansin ko ang panyo at hindi ako nagdalawang isip na kunin din ito at sa halip na sa paper bag ay ibinulsa ko na lamang ito.
Sa paglalakad ko papunta sa parking lot ay nagpasak ako ng earphones sa tainga ko para makinig ng music dahil sa ayokong nakakadinig ng kahit ano mang kantang pamasko, kung pwede nga lang din siguro magpiring ng mga mata ko o kaya ay sirain ko lahat ng Christmas decorations na nakikita ko ay gagawin ko, gano'n ako kairitable pag dating sa Pasko. Nang makasakay na ako sa sasakyan ko ay doon ko lang din inalis ang earphones sa mga tainga ko, pero nang papaandarin ko na ang sasakyan ko ay napansin ko isa pang white amaryllis nakapatong sa sasakyan ko, dalidali akong lumabas at kinuha 'to, lumingalinga ako at naiisip ko na noon na maaaring 'yung lalaki din na naging customer ang nag-iwan nito, nang wala akong makitang ibang tao ay nagpasya na kong bumalik sa sasakyan ko at ilagay ang isa pang bulaklak sa paper bag.
Nang makauwi ako ay agad na din akong nag-message kay Josephine dahil alam kong mag-aalala din siya sa akin kung hindi ako mag-message sa kanya. Dala ang paper bag na naglalaman ng dalawang puting bulaklak na aking natanggap aypumasok ako ng bahay, inilapag ko ang paper bag sa lamesita at agad na naupo sa sofa. Nakatitig ako sa mga bulaklak at hindi ko maiwasan na maisip ang lalaking may pagkakahawig kay Max. Napailing na lang ako para alisin sa isip ko ang lalaki, kasunod ng malalim na buntong hininga ay tumayo ako at dumiretso sa storage room na malapit sa hagdan.
Kinapa ko ang switch ng ilaw at nang mabuksan ko ito ay pumasok ako agad dito, sa kwartong ito ay maingat at masinop na nakatago ang lahat ng gamit ni Max, mga gamit namin na magkasama naming binili, mga gamit na nagtataglay ng napakaraming alaala. Dito ko nilagay ang lahat hindi dahil gusto kong makalimutan na ang lahat tungkol sa amin ni Max, kundi nais ko na ingatan ang lahat ng ito at itago kila Josephine at sa pamilya ko ang patuloy kong pagluluksa sa pagkawala ni Max sabuhay ko. Nilapitan ko ang isang puting aparador na may disenyo ng gintong acanthus ang sentro ng mga pinto nito, di ko maiwasan na mangiti nang maalala ko kung gaano kami kasaya ni Max habang magkatulong na hinahanapan ito ng magandang pwesto sa dating bahay na tinitirhan namin. Binuksan ko ang pinto ng aparador at sa pinakaibaba nito ay hinanap ko ang plorerang iniregalo niya sa akin noong minsang magbakasyon sila ng pamilya niya sa HongKong.
"Matagal na din Max simula nang gamitin ko ito. Kung pwede lang na sa bawat bulaklak na ilalagay ko sa vase na ito ay siyang pagbabalik mo sa akin gagawin ko, pero alam kong di ka na babalik pa kahit hardin pa ang magawa kong mailagay sa vase na ito." ang sabi ko na tila kinakausap ang porselanang plorera.
Dala ang plorera ay lumabas ako ng storage room, dumiretso ako sa kusina at sa lababo ay nilagyan ko ito ng tubig. Nang malagyan ko na nang sapat na tubig ang plorera ay dumiretso ako muli sa sala at kinuha ko ang mga white amaryllis at inilagay ko dito ang mga ito. Nang maayos ko nang nailagay ang mga bulaklak ay umakyat ako papunta sa kwarto dala ang plorera, sa aking pagdating sa kwarto na noon ay madilim pa at tanging ilaw lamang sa labas ang nagpapaliwanag ay inilagay ko sa side table ang plorera, kung saan ay katapat lamang din ng isa sa mga bintana ng kwarto ko.
Agad akong nahiga matapos kong ilagay ang plorera sa side table, tahimik ko itong pinagmasdan, hanggang sa maramdaman ko na ang maiinit kong mga luha na kumawala na naman sa aking mga mata. "Max, please help me..." ang nasambit ko nang pabulong, "...help me find the cure for this loneliness... Max, I am missing you so much... I miss you, Max, I miss you." ang mga pabulong kong sabi, hanggang sa maging malabo na ang paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko, at sa paglipas ng mga sandali ay hindi ko namalayang nakatulog na ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, bakas sa pamumugto ng aking mga mata ang naging pag-iyak ko ng nagdaang gabi. Dahil sa pwersahan akong hindi pinapasok ni Josephine sa shop ay sandali muna akong nakipagtitigan sa kisame ng aking kwarto, umaasa na may maisip akong gawin para sa araw na 'yon. Bumangon ako na wala pa ding naiisip na pwedeng gawin para sa pwersahang rest day ko, ginawa ko ang mga morning rituals ko at nang matapos ay nagtimpla na lamang ako ng kape, kukunin ko na sana ang coffee jar nang mapansin ko na wala na itong laman, agad akong nagpunta sa cabinet na pinaglalagyan ko ng mga stock kong pagkain para kumuha ng kape pero sa kamalasmalasan ay wala na din akong kape na nakita, isasara ko na sana ang cabinet dahil sa pagkadismaya ng mapansin ko na may nakasuksok na tila ilang pakete sa pagitan ng mga bote ng pampalasa at delata, at nang kunin ko ito pakete ng instant white coffee ang tumambad sa akin at hindi ko naiwasan na mangiti, at sa di malamang dahilan ay biglang pumasok sa isip ko ang customer namin kahapon, si Mas.
Nang makapagtimpla ako ng kape ay tahimik akong naupo sa sala, humigop ako ng kape at pagkatapos ay inilapag ang tasa ng kape sa lamesitang nasa aking harapan. Tahimik kong inilibot ang aking mga mata sa buong bahay na nagsisilbing bagong tahanan ko simula nang mawala si Max, ang tahimik, ang lungkot, hindi ito katulad ng tinirhan namin ni Max na maging ang pinakasuluksulukan noon ay may-alaala namin, sa mga ganitong panahon ay magkatuwang kaming inaayusan ang bahay namin para sa Pasko, pero iba na ngayon, hindi na ito ang bahay namin, wala na si Max, at wala na ding Pasko pa para sa akin, dahil simula nang mawala siya sa akin ay nawalan na ako ng dahilan para maging masaya, para sumaya, para magsaya, at para maniwala sa napakaraming bagay. At nang sandaling iyon naisipan ko na dalawin si Max sa kanyang puntod. Agad akong gumayak, tila sabik sa pupuntahan, porma kung porma.
Bago ako dumiretso ng sementeryo ay nagpunta muna ako sa mga bilihan ng bulaklak di kalayuan sa tinitirhan ko. Bago pa man din ako makababa ng sasakyan ay natanaw ko na ang bulaklak na sadya ko, ang huling bulaklak na dala noon ni Max, ang white amaryllis na namumukadkad sa tuwing sasapit ang espesyal na araw namin at ang Pasko. Dumaan na rin ako sa tindahan ng mga kandila at doon ay dalawang malaking puting kandila at isang kahon ng posporo ang aking binili. Nang masiguro na nabili ko na ang mga kailangan ko ay agad akong bumalik sa sasakyan ko, maingat kong inilagay ang mga bulaklak at kandila sa likod na upuan at tsaka ako sumakay at nagsimulang bumiyahe papuntang sementeryo.
Sa aking pagdating sa sementeryo ay agad akong lumabas ng sasakyan, kinuha ko ang mga puting bulaklak at dalawang kandilang aking binili at naglakad patungo sa puntod ni Max. Habang papalapit ako ay unti-unti ding gumuguhit sa aking mga labi ang isang ngiti. Una kong inilagay at inayos ang mga white amaryllis, pagkatapos ay kinuha ko sa aking bulsan ang kahon ng posporo at sinindihan ko ang dalawang kandilang aking ibinili at inilagay sa tulusan ng kandila sa magkabilang gilid ng lapida ni Max. Nag-alay muna ako ng isang taimtim na panalangin para sa kanya, matapos na manalangin ay naupo ako sa tapat ng puntod niya at sandaling ninamnam ang katahimikan ng lugar habang nakatingin sa kanyang lapida.
"Max Stephen W. Olivar..." ang pagbasa ko sa buong pangalan ni Max na nakasulat sa kanyang lapida. "Sorry ngayon lang ulit ako nakabisita, pasalamat na lang din ako siguro sa kapatid mong si Jo dahil pinilit niya akong mag-rest day ngayon, salamat sa kanya kasi kahit wala ka na alam kong hindi ka nagkulang ng paalala sa kanya na wag niya akong hahayaan. Ang daya mo kasi, you left me alone kahit sabi mo hindi mo ako iiwan, kaya mas pinipili ko na maging busy para kahit paano ma-lessen 'yung lungkot at pagka-miss ko sa'yo. Pero hindi kita sinisisi dahil alam nating dalawa Max na hindi mo ginusto ang nangyari, it was those thugs fault, kaya kahit ilang beses sila humingi ng tawad sa akin, kahit na sabihin nila na napagkamalan ka nila na ikaw ang nakaaway ng katropa nila, wala akong pakialam, they deserve to rot in jail, they do not deserve any forgiveness." ang sabi ko na nagsmula nang umagos ang luha ng pangungulila, lungkot at galit. "But don't worry so much about me Max, kasi I am doing my best to be strong. Kinakaya ko pa naman Max yung lungkot kasi alam ko na ayaw mo na sumunod ako d'yan sa'yo dahil ayaw mo ng taong mabilis sumuko, ayaw mo sa taong hindi kayang pahalagahan 'yung buhay niya. Max I miss you so much. Sabi ni Jo subukan ko daw na maging masaya, pero Max paano? Paano ko susubukang maging masaya kung ako mismo alam ko sa sarili ko hindi ko kayang maging masaya pa, dahil ikaw lang naman ang nakapagpasaya sa akin, kaya sorry Max if nakikita mo ako diyan sa heaven na palagi na lang umiiyak. I am trying naman pero as I said mahirap, and I really can't, so tell me Max how can I be happy without you?" ang mga litanya ko na tila umaasa na sasagutin ako ni Max..
Umihip noon ang malamig na hangin, pinasayaw ng hangin na iyon ang apoy sa dalawang kandilang aking itinulos sa puntod ni Max, at nang mawala ang malamig na hangin na iyon ay naramdaman ko na may taong papalapit sa pwesto ko, pero hindi ko na lamang iyon pinansin dahil maaaring malapit lamang din sa kinaroroonan ko ang puntod na sasadyain nito. Tahimik muli akong tumingin sa puntod ni Max hanggang sa maramdaman ko na may taong nakatayo sa gawing kanan ko, napansin ko ang itim na balat na sapatos na suot nito at itim na pantalon an tila pang opisina pero hindi ko nagawang tingalain ito dahil ayokong mag-isip kung sino man iyon na masiyado akong atribido at sa parehong sandali ay ayoko ding takutin ang sarili ko kung di man siya talaga tao. Nasa pagitan ako ng pagka-curious at pagkakaba nang mapansin kong inilapag nito sa katabing puntod ni Max ang isang basket ng mga white amaryllis at doon ko na tiningala ang lalaki na napatingin din sa akin, at tila nagkagulatan pa kami noon, dahil ang lalaking iyon ay si Mas, at ilang sandali pa ay isang ngiti ang ibinigay nito sa akin at sa di malamang dahilan ay ginantihan ko ito ng ngiti.
"Ikaw? Ikaw 'yung nag-serve sa akin ng kape dun sa coffee shop tama?" ang agad na sabi nito nang matandaan niya ako. At napatango na lamang ako bilang tugon. Napansin ko din noon na napatingin siya sa puntod ni Max nang sandaling iyon.
"Relative mo?" ang tanong niya sa akin, at sandali akong tumingin sa puntod ni Max.
"Hindi, boyfriend ko." ang wala kong pagdadalawang isip na sabi. Handa ako no'n na mabigla siya sa sagot kong 'yon, handa ako na makita siyang mandiri tulad ng ibang tao na nagpapakalinis, handa akong makarinig ng mga salitang hahamak sa katulad namin.
"I'm sorry..." ang sabi niya na ikinabigla ko. "Hindi ko sinasadya na maka-offend. I know how hard it is to lost someone you love pero sana you can still find a piece of hope to be happy in this life." ang dagdag pa niya at halos mapanganga na lang ako habang pinagmamasdan siya na inilagay niya ang basket ng mga white amaryllis sa puntod na katabi lamang ng puntod ni Max, at pagkatapos ay taimtim na nagdasal.
Pinagmasdan ko lang siya ng tahimik habang nagdadasal, ni isang segundo ay hindi ko nagawang ialis sa kanya ang aking mga mata. Hanggang sa matapos siyang magdasal at naupo din sa damuhan. "Sino siya?" ang bigla ko na lamang na tanong na hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ko din nagawang magtanong.
Sandali siyang tumitig sa akin at binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti at tsaka tumingin sa lapida na nasa kanyang harapan. "She is my grandma, who became my mom as well, dahil simula nang isilang ako siya na ang tumayong nanay ko katuwang ni lolo na tumayong tatay ko naman. Sila ni lolo ang naging mga magulang ko simula nang iwanan ako ng mga tunay kong mga magulang. Well pwede ko din sabihin na adopted ako, kasi hindi din naman nila ako tunay na apo, we are not even blood related, pero hindi nila pinaramdam sa akin 'yon, bagkus pinadama nila kung gaano nila ako kamahal and I am blessed, thankful and very lucky to have them." ang paglalahad niya, nakita ko na bahagya siyang nalungkot nang sandaling iyon, tumingin siya sa langit at pilit na ngumiti.
"Kapitbahay lamang nila lola talaga ang mga magulang ko na tinuring na nilang anak-anakan dahil sa hindi din sila nabiyayaang mag-asawa ng anak, but then as time goes by at ilang buwan pa lang nang isilang ako ay tila nagbago ang ihip ng hangin sa mga tunay kong magulang. Ang masayang pagsasama noon nila ay napalitan ng pagtatalo hanggang sa mauwi na sa hiwalayan, walang ideya noon sila lola na umalis na ng bahay ang mga tunay kong magulang, nalaman na lang daw nila na mag-isa na lang ako sa bahay nang magdilim na at walang ilaw ang bahay namin at nadinig nila ang pag-iyak ko. Galit na galit noon sila lola at lolo sa mga tunay kong magulang dahil sa ginawa nila sa akin. Hindi nila pinagkait sa akin ang katotohanan, as I grow older I appreciate them more, I love them more as my true parents, pero hindi madamot ang lola at lolo ko kaya yung katotohanan sa pagkatao ko ay ikinuwento nila sa akin. They expect na magrerebelde ako after na malaman ko ang totoo pero hindi kasi mahal ko sila at sila na ang itinuring kong mga magulang." ang pagkukwento niya na walang imik ko namang pinakinggan.
"I see, and grabe din siguro ang pagkalungkot mo nang mawala siya?" ang usisa ko.
"Oo, hindi naman mawawala 'yon eh, kahit sino naman sigurong mawalan ng mahal nila sa buhay malulungkot, mangungulila, pero may isang bagay na sinabi sa akin ang lola bago mawala. Ang sabi niya sa akin noon, maging masaya lang ako, kung malungkot man ako sa pagkawala niya, umiyak lang ako ng isang beses para sa kanya at huwag nang ulitin pa dahil kung malulungkot ako ng paulit-ulit para sa kanya ay ikalulungkot din niya ng paulit-ulit sa kabilang buhay na makita akong patuloy na nagluluksa. Maging masaya ako hindi dahil nakalimot na ako sa nawala sa akin, kundi dahil sa alam ko na iyon ang gusto niya para sa akin." ang paglalahad nito at pinagmasdan ko nang sandaling iyon ang puntod ni Max.
"By the way ano nga pala ang pangalan mo?" ang bigla niyang tanong sa akin kaya napalingon muli ako sa kanya.
"I'm sorry, hindi ko pa pala nasasabi ang pangalan ko. Brix nga pala." ang pakilala ko at iniabot ko ang kamay ko sa kanya.
"Nice to know you Brix, and kahit alam ko na alam mo na kung sino ako just to be sure na di mo nakakalimutan, I am Masson, pero Mas na lang for short." ang sabi nito at nakipagkamay ito sa akin.
"Hindi ka din madaldal 'no?" ang pabiro kong sabi bilang napansin ko ang pagiging palakwento nito, at nangiti naman siya nang madinig niya ang sinabi kong 'yon.
"Haha, pasensiya na, nakuha ko lang 'yan kay lola. Sabi din kasi niya noon mas okay na maglabas ng saloobin o magkwento sa taong di mo pa kilala dahil kung husgahan ka man nila o hindi ay walang pinagkaiba, kumbaga non-bearing kung ano man ang sabihin nila." ang sabi ni Mas.
"I see, I see. Well may point naman ang lola mo, but don't worry hindi kita idya-judge, instead I appreciate it na kahit na hindi mo naman ako kilala talaga ay ako ang napili mo na mapagkwentuhan about your life." ang sabi ko.
"Glad to hear that." ang tugon niya. "Eh ikaw, can you tell me something about you and Max?" ang bigla niyang tanong at natigilan ako nang madinig ko iyon.
Huminga ako ng malalim at pagkatapos ay ibinuga ko din ang hanging inipon ko sa baga ko para paklamahin ang sarili. "Si Max, I met him when I was in college taking up my chosen course na Hotel and Restaurant Management, and him taking up his chosen course din na Tourism. Naging magkaklase kami sa ilang subject dahil irregular student siya noong mga panahong 'yon. At first dahil irregular siya at ako naman ay regular student kaya hindi kami ganoon na nagkakausap o nagkakasama, until magkaroon kami ng group study sa bahay nila at doon ko nalaman ko na ang best friend ko ay kuya pala siya. I was never been a discreet person pagdating sa orientation ko, I am always proud to say na I am gay, pero hindi nga lang 'yung loud, I always being like that, telling to everyone I know or letting them know who I am kasi gusto ko ma-filter 'yung mga taong makakasama at makakasalamuha ko, you know naman sa society natin especially dito sa Pilipinas ang daming entitled sa pagiging malinis at dalisay at ang mga katulad ko daig pa ang lumabag sa lahat ng banal na kautusan on the way na kutyain, maliitin at pandirihan. And Max is one of those people na masasabi kong tinanggap ako sa kung ano ako, from that group study everything has changed, alam mo 'yung para akong nasa isang fairytale story book noong time na akbayan niya ako at sabihing it is okay to be gay, it is okay to be who you are, it is okay to go against the norms, and seriously lahat kami na nakadinig no'n napanganga sa kanya, 'yung tipong di mo aakalaing magiging ganoon siya kabukas ang isip." ang panimula kong paglalahad na hindi ko maiwasan ang pagngiti ko nang maalala ko ang mga unang araw ng pagtatagpo namin ni Max.
"And after that day, nagsimula magbago ang tingin ko kay Max, 'yung tipong everytime I see him napapangiti na lang ako kahit mag-isa ako, 'yung gwapong gwapo ako sa kanya kahit na noong una'y hindi siya ganoon ka-appeal para sa akin kahit gwapo naman talaga siya. Hanggang 'yung feelings ko naging crush na, hanggang 'yung crush naging love na, pero siyempre sikreto ko lang siyang minamahal no'n na kahit ang kapatid niya na best friend ko ay hindi din alam ang tunay na feelings ko para sa kuya niya. Alam ko din naman kasi na straight si Max at ang mga straight na tulad niya ay never magmamahal ng tulad ko, unless willing silang maging bi, paminta and so on just for someone like me. Pero miracle do happen, it was Christmas day eksaktong alas-dose ng umaga, tumawag siya sa akin at di ko inaasahan na magtatapat siya sa akin, noong una ay akala ko'y nagbibiro lang siya, medyo naluluha pa nga ako no'n kasi Paskong Pasko napagtripan pa ako ng taong sikreto kong minamahal, pero halos tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko nang sabihin niyang nasa labas siya ng bahay namin at hihintayin niya ako. Dala niya ang isang bugkos ng White Amaryllis sinalubong niya ang paglabas ko nang may matamis na ngiti, and that moment was more than any fairytales, and the rest is history. Pero totoo nga yata talaga ang sinasabi nila na we cannot get too happy in this world dahil the more na mas masaya ka the more na mas magiging malungkot ka, dahil ilang oras bago ang anniversary namin ay binawi siya ng mundong 'to sa akin, he was shot, at ang masakit do'n ay nalaman namin sa nahuling suspek na napagkamalan lamang siya nito." ang hindi ko na naituloy pa na pagkukwento dahil sa nagsimula nang umagos ang mga luha ko, napatakip na lamang ako ng mukha noong mga sandaling iyon, nanariwa sa akin ang lahat, hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagyakap sa akin ni Mas.
"Sige lang iiyak mo lang 'yan, iiyak mo na ang lahat, I can feel na hindi mo talaga nailalabas ang lahat ng lungkot diyan sa puso mo." ang nadinig kong sabi nito, at hindi ko alam kung bakit pero noong mga sandaling iyon ay talagang ibinuhos ko lahat ng luha at kalungkutan ko.
Matapos ng dramahan ay hindi ko na namalayan na sobrang magkalapit na kami ni Mas, ang kanina'y iyakan ay napalitan ng malalakas na tawanan, nakakapagbiruan kaming dalawa na para bang napakatagal na naming magkakilalang dalawa. Sabay na din kaming nagpaalam sa puntod ng dalawang taong mahalaga sa amin. Paglabas ng sementeryo ay hindi ko maipaliwanag pero may kakaibang saya akong naramdaman, ang ngiti sa mga labi ko ay hindi ko magawang alisin, sa kalooblooban ko ay para bang pamilyar ang pakiramdam na iyon.
"So paano dito na ang daan ko?" Ang sabi ni Mas habang tinuturo ang kaliwang bahagi ng kalsada.
"Ah sige, dito naman ang daan ko." Ang sabi ko sabay turo sa kanang bahagi at nagsimula na ko maglakad palayo at doon lamang nawala ang ngiti sa aking labi.
"Uhm Brix..." ang pagtawag niya sa akin na agad nagpabalik ng aking ngiti at mabilis ko siyang nilingon.
"A-a-ano 'yon?" Ang utal kong tanong.
"It was nice meeting you again, at masaya ako na mas nakilala kita." Ang nakangiti nitong sabi at umihip ang malamig na hangin kasabay no'n.
"Gano'n din ako. Masaya ako na makilala ka Mas." Ang matipid pero sinsero kong tugon.
"Nasa coffee shop ka ba bukas? I mean if nando'n ka pwede bang pumunta?" Ang tila nahihiya nitong sabi.
"Oo may nando'n ako bukas. At hindi mo naman kailangan magpaalam kung pupunta ka doon o hindi, ang mahalaga bibili ka at hindi tatambay o makiki-WiFi, ha-ha-ha." Ang may pagbibiro kong tugon.
"Ha-ha-ha oo naman. So see you tomorrow... again." Ang sabi niya at pagkatapos ay muli kaming nagpaalam na sa isa't-isa. Sa paghihiwalay namin ng landas nang sandaling iyon ay hindi ko naiwasan na mabilis siyang lingonin, pinagmasdan ko siya sandali habang tinatahak niya ang daan palayo sa akin.
"See you tomorrow." Ang pabulong kong sabi.
Nang sumunod na araw ay napakaaga kong pumasok, nagulat si Jo nang dumating siya na naroon na ako at nagawa ko na ang pwedeng magawa para sa pagbubukas ng shop sa araw na iyon. "Mukhang nakatulong ang isang araw na force day-off ha." Ang masayang sabi ni Jo habang nilalagay ang kanyang mga gamit sa cabinet niya sa ilalim lang ng counter.
"Huh? Hindi naman, pero kahit paano ay na-relax ako." Ang tugon ko.
"Talaga lang ha kaya pala nangingiti ka diyan, ang pagkakatanda ko hindi naman comics 'yang log book natin." Ang sabi niyang nangingiti at ewan ko ba pero naramdaman ko na lamang ang init sa aking mga pisngi at hindi ko din mapigilang hindi mangiti.
"Oh see, sabi ko na nga ba eh. Naku Brix, 'yang pagba-blush mo alam ko na ang ibig sabihin niyan. So tell me who's the lucky guy?" Ang biglang pag-uusisa nito, kumuha siya ng isang upuan at umupo sa tabi ko.
"Baliw, ano bang sinasabi mo? Masaya lang ako talaga ngayong araw." Ang pagpupumilit kong pagtanggi na sagutin ang tanong niya.
"Brix, bff mo ko, at halos magkadikit na bituka, atay, apdo, baga, at kaluluwa nating dalawa kaya kabisado na kita, kaya magsalita ka na, don't deny it na, sino 'yan?" Ang pagpupumilit naman nito.
Napatingin na lang ako sa kanya ng diretso, sabay buntong hininga. "Okay, okay talo na 'ko, pero I just want to make things clear ha, walang namamagitan sa amin o ano man, we are just friends, new friends to be exact." Ang paglilinaw ko.
"Ay defensive ha? Hindi pa man din ako nagsasalita nakadepensa ka na. Pero sige, klaro na sa akin 'yan so sino nga siya? Saan at kailan  kayo nagkakilala? Paano kayo ka nagkakilala?" Ang walang puknat na pagtatanong nito.
"His name is Mas."
"Mas? Wait don't tell me..." ang halos gulat na reaksiyon niya at napatango na lang ako bilang pagkumpirma na tama ang nasa isip niya.
"OMG as in capital OMG with three exclamation point. Brix, don't tell me na nag-date kayo kahapon ng Mas na 'yon? At paano nangyaring nagkita kayo?"
"Ang OA maka-react ah. At inuulit ko friends lang kami, hindi din kami nag-date kahapon, nagkataon lang kasi na 'yung puntod ni Max ay katabi lang ng puntod ng relative ni Mas. Kahapon nang dumalaw ako kay Max ay nagkataon ding dumalaw siya, so ayun nagkausap kami and we got a little close naman." Ang pagpapaliwanag ko.
"Naku Brix ha, umayos ka, remind lang kita ha, Mas is not my kuya Max, magkahawig sila at almost magkatunog ang pangalan nickname nila pero still magkaiba silang tao."
"I know Jo, and sabi ko naman sa'yo hindi ba na friends lang kami." Ang pagpupumilit ko.
"I believe you naman Brix, ni-remind lang kita, remember friends lang din kayo ni kuya nagsimula at ayoko lang dumating ka sa point na maging kayo, well okay lang naman sa akin na maging kayo if ever, magiging masaya pa nga ako para sa'yo, pero if magiging kayo dahil you feel and see kuya Max in him, better stop it na dahil makakasakit ka lang at masasaktan ka na naman." Ang paalala nito sa akin.
"Alam ko, at huwag kang paranoid, magkaibigan lang talaga kami, hanggang doon lang." Ang paninigurado ko.
Nagsimula at malapit nang matapos ang araw ay wala pa ding Mas ang dumarating, bahagya akong nalungkot nang sandaling iyon. Lumilipas ang segundo, minuto at oras na hinihintay ko siyang dumating dahil iyon ang sabi niya. Bawat papasok sa shop ay hindi ko maiwasang lingunin o tignan pero sa tuwing ibang tao ang makikita ko ay napapabuntong hininga na lang ako. Hanggang sa huling mga minuto bago kami magsara ay nadinig ko ang bell ng shop namin na tumunog, agad akong napatingin sa pinto ng shop at pakiramdam ko'y naging makulay ang buong paligid nang makita ko si Mas na pumasok at di ko na namalayang nasa tabi ko na si Jo at pasimple akong siniko nito.
"Huwag ka namang pahalatang super saya mong nakita mo siya, magpakipot ka din ng very light at smile lang ng saktuhan hindi 'yung ganyang para kang nanalo ng jackpot sa lotto." Ang pabulong nito.
"Sorry now lang nakarating." Ang sabi ni Mas nang nakangiti.
"Ah ayos lang, pero magsasara na kasi kami kaya hindi ka na makaka-order pa." Ang sabi ko.
"Ah okay lang pero may isa sana akong ipapakiusap."
"Ano naman 'yon?" Ang tanong ko at kanyang iniangat ang mga kamay na may hawak na mga paper bags.
"Ano naman ang mga 'yan?"
"Christmas decors, hindi kasi ako mapalagay na ang lungkot nitong shop niyo kaya naisip ko na bumili ng ilang decors para sa inyo, regalo ko na din siguro para di ka na tumanggi."
"Pero Mas kasi..."
"Ay naku salamat ng madami, sa wakas mukhang dadami na customer namin after maayusan nitong shop." Ang mabilis na sabi ni Jo bago pa man ako makatanggi, kaya wala na din akong nagawa kundi tanggapin ang mga binili ni Mas.
Nang gabing iyon ay  nagpaiwan kami nila Jo at Mas at pinauna na ang ibang staff namin para mag-ayos nang store, hanggang sa makaramdam na ng antok si Jo at pinauwi na din namin siya kaya sa huli ay dalawa na lamang kami ni Mas na naiwan na siyang pinagbilinan ni Jo na magbantay sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako nakaramdam ng antok at pagod noon, ang alam ko ay masaya akong naglalagay ng Christmas decors sa buong shop, nang matapos ay inalok ko si Mas na makapagkape, kaya niyaya ko naman siya sa kitchen para doon na lang kami sa staff area magkape.
"Salamat ha?" Ang sabi ko habang ginagawa ang kape na para kay Mas.
"Salamat saan?"
"Salamat sa mga Christmas decors, sa pagtulong sa akin na makangiting muli." Ang tugon ko.
"Naku wala 'yon, gusto ko din naman talaga gawin 'yon especially noong unang araw pa lang na magkausap tayo." Ang tugon nito.
Inilapag ko ang natimpla ko nang kape sa mesa at nang mailagay ko na sa mesa ang tasa ng kape at aktong aalis na ay biglang hinawakan ni Mas ang aking mga kamay, at napatingin ako sa kanya. "May problema ba Mas?" Ang tanong ko sa kanya pero sa halip na tugunin ako ay tumahimik lamang ito at tumitig sa aking mga mata.
Hindi ko maunawaan ang pakiramdam ko noon, para akong nilalagnat sa init na aking nararamdaman kasabay ng puso kong mabilis na tumitibok, at ramdam ko din ang tila kuryente na dumadaloy sa kamay ko na hawak ni Mas, hanggang sa tila nadala na ako ng aking emosyon at hindi ko na napigilang halikan siya sa kanyang mga labi at nabigla ako ng tugunin niya ito, naging mapaniil at malalim.ang halik naming iyon, hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat pero alam ko nang gabing iyon ay may nangyari sa amin ni Mas.
Matapos ang gabing iyon ay naging madalas na ang pagbisita ni Mas sa shop, hanggang sa mas maging malapit kami sa isa't isa, hanggang sa mangyari na nga ang sinasabi ni Jo, na mula sa pagiging magkaibigan ay magka-ibigan na kami ni Mas. Masaya naman ang lahat para sa amin, maging si Jo ay masaya para sa amin, laging welcome sa shop si Mas sa tuwing pupunta ito doon.
Naging maayos ang pagsasama namin ni Mas, yung tipong perfect relationship na parang fairytale na, pero lahat 'yon ay nagbago dalawang araw bago ang Pasko. Hinatid ako noon ni Mas sa bahay, pinapasok ko siya sa loob para makapahinga muna ito, pinaghanda ko din siya muna ng maiinom nito, at dumating 'yung sandali na muling nagtagpo ang aming mga labi noong nasa sala kami, siniil namin ang isa't isa ng malalalim at matatamis na halik.
"I love you Brix!" Ang sambit ni Mas nang bumitaw kami sa halik.
Tumingin ako sa kanyang mga mata, hinawakan ko ang kanyang mukha at ngumiti ng ubod tamis. "I love you Max..." ang mga salita't pangalan na kumawala sa bibig ko, at nakita ko ang labis na pagkabigla sa kanyang mukha, habang ako naman ay nagulat din sa aking sinabi. Walang ano-ano ay mabilis na tumayo si Mas.
"Mas let me explain..." ang mabilis kong sabi at agad kong hinawakan ang kanyang kamay para pigilan siya.
"Uuwi na ako Brix." Ang malamig na tugon nito.
"Mas, I just mispronounced your name, I didn't mean it... please I am sorry Mas..." ang pakiusap ko sa kanya.
"No Brix, wala kang dapat ihingi ng sorry, alam ko na kahit kailan hindi ako magiging si Max, alam ko na kahit ako ang kasama mo ay siya pa din ang nandiyan sa puso at isip mo. Brix, paano naman ako? Saan ang magiging lugar ko sa buhay mo? Noong una ayos lang sa akin, kasi nauunawaan ko kung gaano mo siya kamahal pero Brix ang sakit din palang umasa na baka bukas ako naman, na baka bukas makita ko diyan sa mga mata mo na tuwing mag-I love you ka sa akin ay ako talaga ang sinasabihan mo." Ang sabi ni Mas at doon ko nakita ang mga luhang umagos sa kanyang mga mata.
"Hindi Mas, hindi... minahal kita Mas minahal kita, mali 'yang iniisip mo." Ang pagpupumilit ko.
"Ah talaga, why not look around this house Brix and tell me who you see." Ang sabi ni Mas at ginawa kong ilibot ang paningin ko sa buong bahay at doon ko napagtanto na simula nang maging kami ni Mas ay pakiramdam kong nabuhay si Max. Lahat ng gamit maging mga larawan namin ni Max ay siya nang nakaayos sa buong bahay na dati ay tinatago ko lamang sa storage room, nahiya ako nang sandaling iyon kay Mas, pakiramdam ko ay napakalaki kong manggagamit at manloloko, hindi ko lang niloko si Mas kundi maging ang sarili ko.
"Alam mo ang masakit at mahirap para sa isang taong nagmamahal ng isang taong biglaang naiwan ng mahal nito, iyon ay yung makipagkumpitensiya ka sa taong iyon kahit wala na, yung pinipilit mong isiksik yung alaala niyo sa mga alaala niya. Yung nakikita mo nga lang ang sakit at hirap na paano pa kaya doon sa taong wala na pero nandiyan pa din ang presensya." Ang sabi niya at dali-dali nang umalis.
Nang makaalis si Mas ay doon umiyak ng sobra, para akong sinaksak ng maraming beses sa sakit na nararamdaman ko noon, nahihiya ako sa nagawa ko, nasasaktan ako dahil nagawa kong saktan at gawing parang band-aid ang taong siyang nagpabalik sa akin ng ngiti sa aking mga labi. Doon ko napagtanto na tama si Jo, dapat pakawalan ko na si Max, ang tanga ko dahil napagtanto ko lang ang lahat nang masaktan ko na si Mas.
Christmas Eve at walang paramdam buong araw si Mas, naikwento ko na din kay Jo ang nagyari at sa halip na i-comfort ako ay sinermonan pa ako nito, dahilan para umiyak ako at naawa naman din siya sa akin at binigyan niya ako ng yakap bilang best friend. Maaga din kaming nagsara noon, umuwi ako nang matamlay at mugto ang mga mata. Sa aking pagpasok ay muli kong inilibot ang aking mga mata, umagos ang aking mga luha habang isa-isa kong tinitignan ang mga gamit na naroon.
"I'm sorry Max, I'm sorry, pero I have to let you go now. I love you so much alam mo 'yan, pero I have to let you go for me to be able to love someone fully at alam ko na nauunawaan mo, hindi ba?" Ang sabi ko na tila ba naroon lang si Max at pinakikinggan ako, hanggang sa biglang tumaob ang picture frame na nasa coffee table, agad ko itong nilapitan. Kinuha ko ang picture frame na may larawan namin ni Max at hindi ko maiwasang hindi ngumiti nang makita ko ang mga salitang nasa t-shirt na suot ni Max, "Yes, I do."
"Salamat Max, salamat."
Nang gabing 'yon wala akong sinayang na sandali, ayoko nang maulit ang araw ng Pasko na nawala sa akin ang taong mahal ko, ayoko nang mag-isa sa araw na ito, ayoko nang malungkot kaya sa muling pagkakataong iyon ay nanalangin ako sa aking isip at humiling. Nagmadali akong hanapin si Mas, sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi niya ito sinasagot, kaya nag-message ako sa kanya na hahanapin ko siya. Bawat minutong pumapatak noon ay mas nagdadagdag-pressure sa akin, nawalan na ng gas ang sasakyan ko noon at walang malapit na gasolinahan kaya naman bumaba agad ako ng sasakyan ko, at patakbong tinahak ang kalsada patungo sa taong mamahalin ko ng lubos, tandang tanda ko ang gabing iyon, mabilis akong tumatakbo noon hindi ko alintana ang mga taong aking nakakasalubong, ang mga makukulay na ilaw at ang mga pamaskong awitin na aking nadidinig, ilang minuto na lang magpapasko na, hanggang sa patawid na ako noon at hindi ko na nakita ang sasakyan na papalapit sa akin, napahinto na lamang ako at tila nanigas ang aking mga paa at binti, nasisilaw ako liwanag ng headlight ng sasakyang paparating, "mukhang hindi na ko aabot." Ang pabulong kong sabi at napapikit na lamang ako, pero bago pa man din ako masagasaan ay may mabilis na humila sa akin, pareho kaming natumba sa sidewalk, ang taong humila sa akin ang nakapailalim nang sandaling iyon.
"Baliw ka, ayos ka lang ba?" Ang sabi nito at hindi ko mapigilang hindi maiyak nang madinig ko ang boses niya at makita ang kanyang mukha.
"I'm sorry, I'm sorry..." ang paulit-ulit na namutawi sa aking bibig, naramdaman ko na lamang ang kanyang mahigpit na pagyakap sa akin, hindi namin alintana ang mga tao noon sa paligid, pakiramdam ko ay kami lamang ang naroroon.
"Ayos na, pinapatawad na kita, I realize na hindi ko kayang wala ka." Ang sabi ni Mas sa akin.
"I'm sorry Mas, I love you Mas, I know how much I hurt but please do give me a chance to show you and make you feel the love you deserve." Ang sabi ko habang umiiyak.
"I love you too Brix, makita ko lang ngayon sa mga mata mo na may bahagi na ako ngayon sayo ay masaya na ko. I promise that I will never leave you." Ang sabi ni Mas at isang matamis ang ibinigay namin sa isa't isa at saktong pagpatak ng araw ng Pasko ay isang matamis na halik ang aming ibinigay kasabay din ng pagbuhos ng ulan.

Season of Rainbows [Season 1] ☑️Where stories live. Discover now