Sekandtaym

197 4 0
                                    

SekandtaymBy: IceRaven

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Sekandtaym
By: IceRaven

*~ Gusto ko lang magpasalamat sa mga taong ito Cold_dee, Michael Full Juha, Xakni_Allym, FireworkShadow, Adamant, at Mister_Res. Sila ang mga taong tumulong sakin at nag-inspire sakin na magsulat at magpatuloy sa pagsusulat.

Inaalay ko ang gawa ko kwentong ito kela Sir Rovi, Yortzekai, at Doshylover. Mga kilalang manunulat ng BXB na mga kwento.
Kung nasasaan man kayo ngayon, alam kung masaya kayo. Nawa’y gabayan niyo kami lagi. Salamat sa mga magagandang ala-alang na iniwan niyo sa mundo.

****************************************************************************

“Sly lets break up." Ani ng binata sa kausap nito.

"Why?"

"I found someone, at plano na naming magpakasal!" Direktang sagot nito.

Hindi magawang makasagot ng taong kaharap ng binata dahil sa mga narinig mula rito, " sa susunod na linggo na ang kasal namin ni Alice, kaya maghiwalay na tayo."

"Bakit mo to nagawa Allen?" Tanong ng isang binata na ngayo'y nagsisimula ng tumulo ang mga luha sa mata, "akala ko ba mahal mo ako? Diba nangako ka na magsasama tayo habang buhay? Diba sabi mo na ako lang ang mamahalin mo?" Hindi na napigilan nitong umiyak sa harap ng binatang lubos nitong minahal.

"Isang kasi---" hindi nito natapos ang sasabihin ng putulin ito ng umiiyak na binata.

"No! Sabihin mo nagbibiro ka lang Allen, please!" Nagmakaawa ito ang hinawakan ng mahigpit ang kamay ng binata, "sabihin mo na nagbibiro kalang. Kakalimutan ko na sinabi mo ito lahat pleaseeeee…" umiiyak nitong pagmamakaawa.

"Maghiwalay na tayo Sly!" Pagmamatigas nitong ani.

"NO!" Sagot ng binata ang sabay tumakbo papalayo.
Sinubukan nitong sundan ang binata ang isa pang binata na tumakbo.

Nang malapit na nitong maabutan ang hinahabol ay isang malakas na ingay ang biglang umalingawngaw sa paligid dahilan upang mapahinto ang binata.

"SLY!!!" Sigaw nito ng malakas.

….

"Sly!!" Ani nito at biglang napabalikwas sa pagkakahiga. Habol habol nito ang hininga at puno ng pawis ang buong katawan. Napahawak ito sa kanyang ulo bago huminga ng malalim upang kumalma.

Tumayo ito sa kanyang higaan at nagpunta sa kusina upang kumuha ng maiinom. "Sly patawad!" Mahina nitong ani, habang may konting luha sa kanyang mata.

Hanggang ngayon ay sariwa pa sa ala-ala ng binatang si Allen ang nangyari sa nakaraan, na ngayo'y labis niyang pinagsisihan. Isang desisyon na nagdulat sa kanya ng kalungkutan at pagkawala ng taong espesyal sa kanya.
Hindi na muling nakatulog pa si Allen natatakot itong mapaginipan ulit ang lahat na nangyari limang taon na ang nakalipas.

Season of Rainbows [Season 1] ☑️Where stories live. Discover now