Elton

155 4 1
                                    


This story is dedicated to my one and only crush this 2019 |ELTON|

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

This story is dedicated to my one and only crush this 2019 |ELTON|

s e a s o n  o f  r a i n b o w
Elton
M A R L  K R I S T  S T O R Y

May mga taong humihiling nasana hindi nila makalimutan yung mga taong minamahal nila.

Pero in that case, ibahin niyo ako sa kanila.

“Hi! Ako si Kit Servantes at masaya ako na makilala kayo” nakangiti kong pagpapakilala sa harapan nila kasabay ng pagkaway ng aking kanang kamay.

Ako si Kit at nakatayo ako ngayon sa harapan ng klase dahil ito ang unang araw ng pasukan na aking pinagsisisihan.

Bitter na kung bitter pero gustong-gusto ko na talaga siyang kalimutan. Kung pu-pwede nga lang na bumalik ako sa nakaraan para lang itama ang mga bagay na dapat itama.

Naisip ko na sana pala hindi nalang ako nagpumilit na pumasok sa paaralang alam kong magdudulot lang din sa kinalalagyan ko ngayon.

Bakit ko pa kasi siya nakilala.

At bakit ko nga pala siya ina-alala?

“Balita ko pauwi na ang special someone mo ah? Kaya ba nag da-drama diyan dahil iniisip mo kung paano mo sasalubungin ang special someone mo? Ano? Hahalikan mo ba siya? Ha!? oh kaya yayakapin mo siya at-----”

“Sige wag kang tumigil diyan at makikita mo ang makikita mo tubol ka” seryoso ngunit may diin kong banggit habang nakatingin lang sa kawalan.

Nakatanaw ako sa labas kung saan makikita mo ang mga taong tila mga langgam na may kanya-kanyang pupuntahan at mga saksakyang nagdudulot lamang ng polusyon sa hangin na nakaka-apekto sa ating klima.

Pinigilan ko na siya sa kung ano ‘mang sasabihin niya dahil alam ko, natitiyak ko na walang katuturan at panay pang-aasar lamang ang mga sasabihin niya.

“Ikaw naman Kit masyado ka namang in-heat! alam mo namang nagbibiro lang ako eh! Oh ayan inumin mo yang buko juice” inakbayan pa ako nito at sabay abot ng supot ng isang buko juice.

“Binili ko yan sa labas, ako pa mismo ang bumili niyan sa labas, ehem dahil nakakahiya naman sa bisita kong mainitin ang ulo dito sa sarili kong opisina” alam kong nangungutya na naman ang isang ‘to.

Umalis ako sa pagkakatanaw ko sa salaming pader dito sa loob ng opisina ng kasama ko at nagtungo sa kulay dilaw na sofa dito din sa loob ng kanyang opisina.

“Kung alam ko lang na magkakaganyan kayong dalawa, sana pala hindi ko nalang siya pinakilala sayo Kit” alam kong sumunod ito sa akin papunta dito sa sofa.

Tama ba siya? Dapat ba hindi nalang niya ako pinakilala sa kanya?” tanong ko sa sarili ko.

“Hays kung alam ko lang talaga, ilang taon na din, ilang taon na din” sabi nito kasabay ng pagtabi niya sa akin dito sa sofa.

Season of Rainbows [Season 1] ☑️Where stories live. Discover now