Chapter 49: Sana

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ha? Anong tingnan sinasabi mo dyan?"

Tumuro siya sa may bintana. Sa labas, nandoon si Ayu at Josh na masayang nagkwekwentuhan at tatawa tawa pa.

"Kapag nasasaktan ka na, huwag mo nang tingnan. Ipikit mo lang para hindi mo makita." Hindi ko na lang sya sinagot at uminom. "Bakit kasi iniiwasan kung ayaw mo naman palang makitang may kasamang iba?"

"Hay nako, Yannie, bahala ka na nga dyan. Aalis na ko."

Bakit ganu'n? Ako lang ba talaga ang nahihirapan na hindi siya pinapansin? Na wala siya sa mundo ko? Ako lang ba?

Pumunta ako sa room at sinubsob lang ang mukha ko sa may desk. Itutulog ko na lang 'to.

"Mamaya?" dinig kong may nagsalita.

"Oo. Sabi ni mommy. Dinner lang naman."

"Hmm. Depende siguro kung maraming gagawin."

"Grabe naman 'to. Pumayag ka na. Bonding lang. Para na rin maging super close siya sa magiging bago niyang anak." Tsk. Kitang may natutulog, nag-iingay pa.

Tumingala ako para pagsabihan ang maingay. "Tsk. Kitang may natutulog – " Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang makita kong si Ayu at Josh ang nag-uusap.

"Sorry, Sab. Natutulog ka pala."

Tiningnan lang ako ni Josh pero hindi nagsorry. Teka lang. Ano ang sabi niya? Magiging bagong anak ng mommy niya si Ayu? So it means... ikakasal sila?

Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang napapaso 'yung puso at nagtutubig ang mata ko. Ano bang nangyayari sa akin? Wala na akong maintindihan.

"Nandito ba si Sab?" Napalingon silang dalawa sa nagsalita. Sinamantala ko na ang pagkakataon para punasan ang luha ko. Oo na. Naiiyak ako.

"Sab! Ayan ka pala."

Nang makalapit siya sa akin ay saka ko lang napansin kung sino 'to. "Drake? Anong ginagawa mo dito?"

"Wala. Dinadalaw ka lang. Mahirap na. Baka mamaya may umaali-aligid sa 'yo dito," sabi niya at tumingin sa direksyon ni Josh. "Tara?" sabay lahad niya ng kamay nya.

"Saan tayo pupunta?" Sa halip na sagutin niya ang tanong ko ay hinila niya lang ang kamay ko.

Bago kami tuluyang makalabas ay may tumawag sa akin na naging dahilan nang pagkakahinto ko, "Sab."

Napadiin ang hawak ko sa kamay ni Drake. Naramdaman ko namang napatingin siya sa akin. Lumingon ako sa nagsalitang si Josh. Nagkatitigan lang kami. Walang nagsasalita.

Hanggang sa bigla na lang ako hinila ni Drake palabas ng room.

"Ano bang ginagawa mo, Drake?!" sigaw ko sa kanya. Huminto naman siya sa paglalad at humarap sa akin.

"Nililigtas ka." Ano raw? Nililigtas saan? "Kung hindi pa ako dumating baka nag-iiyak ka na doon."

"Hin – "

"Kilalang kilala na kita. Magkababata nga tayo, di ba? Dati kapag sinasabi kong boyfriend mo ako sa mga nagbabalak manligaw sa 'yo, halos lumabas na 'yang lalamunan mo kakatawa sa mga nagiging reaksyon nila. Pero noong nakaraang gabi, nu'ng sinabi ko sa lalaking Josh ata ang pangalan na boyfriend mo ako, halos hindi maipinta ang mukha mo. Nahalata ko naman na kung bakit."

"Iba naman kasi siya. Hindi ko siya manliligaw at isa pa – "

"Isa pa, mahal mo siya." Natahimik ako sa sinabi niyang 'yun. Mahal. Anong mahal?

"Tss. Halika nga dito." Bigla na lang niya akong hinila at niyakap. "Ang tanga mo rin minsan, Sab. Ikaw ang nakakaramdam pero parang mas kami pa ang nakakaalam." Ginantihan ko siya ng yakap.

Matapos ang eksena sa corridor, hinatid na ako ni Drake sa room. Dumiretsyo lang ako sa upuan ko. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na naman sila. Ayan na naman. Para na namang tinutusok ng karayom ang puso ko.



Natapos ang buong maghapon na laging sila lang ang nakikita kong magkasama. Umuwi agad ako at hindi na sila hinintay. Nagpalit ako at palabas na sana ng bahay nang makita kong hinatid ni Josh si Ayu.

Sa sobrang panic ko ay nagtago ako sa likod ng halaman.

"Sunduin ulit kita mamaya," sabi ni Josh kay Ayu.

"Ako na lang. Kaya ko na pumunta mag-isa doon."

"Huwag kang makulit. Susunduin sabi kita. Baka bulyawan ako ni mama kapag hinayaan kitang mag-isa. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, susunduin kita."

"Oo na. Nga pala, Josh..."

"Oh?"

"Thank you. Thank you sa pamilya mo. Kasi tinanggap niyo ko."

"I told you magwowork 'to."

"Oo nga. Sige na. Sige na. Go ka na. Mamaya na lang ulit. Bye!"

Nang makaalis na sila ay saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko. Masakit. Ayan ang tamang explanasyon sa nararamdaman ko ngayon. Parang dinudurog ang puso ko. Sobrang sakit,



Nagpunta ako ng No Name at umupo sa may bar.

"Oh Sab? Naligaw – "

"Manager, beer, please."

"Ha? Pero – "

"Babayaran ko naman."

"Kaya lang kasi Sab – "

"Manager, sabihin mo lang kung hindi mo ako bibigyan para makalipat na ako ng bar."

Napakamot ng ulo si Manager at binigay din sa akin ang gusto ko. "Mas panatag ang loob ko kung dito ka malalasing."

Ilang minuto lang ang lumipas, biglang may dumating, tumabi sakin at inagaw ang beer ko. "Tama na, Sab."

"Oh. Zoe. Yannie. Kayo pala 'yan," bati ko sa kanila.

"Bakit ka ba umiinom?"

"Wala lang. Namiss ko ang lasa ng alcohol."

Hindi na nila ibinalik sa akin ang inumin ko. Sa halip, pinagitnaan nila ako at tiningnan. Tsk. Kasi naman.

"Sab, ano bang problema?" tanong sa akin ni Yannie.

Kinagat ko ang labi ko, nagbabaka sakaling mapigilan ko ang pagpatak ng luha ko. Pero wala rin namang nangyari. Traydor ang luha ko, e. Kumawala pa rin.

"Sab," tawag nila sakin at hinimas ang likod ko.

"Bakit ganun?" sabi ko sabay punas ng luha ko. "Hindi ko naman dapat nararamdan 'to 'di ba? Hindi ko naman dapat iniiyakan 'yung bakulaw na 'yun. Pero anong nangyayari ngayon? Iniiyakan ko siya. Bakit ko ba kasi nararamdaman 'to? Ayoko ng ganto."

"Wala siyang ginawa kung hindi sirain ang araw ko. Kung hindi naman niya gagawin 'yun, sira pa rin ang araw ko. Siya kasi yung sumisira pero bumubuo rin ng araw ko. Ang ironic di ba? Oo na. Tama na kayo. Gusto ko – mali. Mahal ko 'yung siraulong 'yun. Hindi ko alam kung paano nagsimula. Hindi ko rin naman 'yun ginusto. Pero wala. Ito ako ngayon. Mahal na sya. Kaya lang kahit alam ko at ngayong alam na natin na mahal ko siya, may magbabago pa ba? Wala naman na 'di ba? Wala na." Paglalabas ko ng dinaramdam ko at humagulgol. Mahirap din palang ipunin ang lahat ng sakit.

"Sab, sige lang. Iiyak mo lang 'yan," bulong sa akin ni Yannie.

"Ang sakit. Ang sakit dito," turo ko sa puso ko. "Sana hindi ko na lang nararamdaman 'to. Kung alam ko lang na magkakaganito sana noon pa lang lumayo na ko."

Sana noon pa lang nilayuan ko na siya para hindi ako umabot sa puntong ganito. 'Yung puntong mahal ko na siya. Pero wala na rin, e. Gustuhin ko mang lumabas sa gulong 'to ngayon, wala na. Hindi ko na kaya. Mahal ko na talaga siya.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon