Chapter Nine

763 16 1
                                    

When you realized that something is not worth. You should stop and keep moving.”

                    - Mary France Buban

Pagkagising palang ni Lovely ay may nakita agad siyang mga rosas na nakalatag sa kaniyang kama.

Sino naman kaya ang nagpadala nito?

Inaamoy-amoy niya pa ang mga rosas na iyon at hindi niya mawari sa kaniyang sarili kung bakit siya napangiti. Nakita niyang may nakaipit doon na kapirasong papel, kaagad niyang kinuha at binasa.

To my loving wife, 

I've wanted you for so long. I could never say before. I love you so much.

Loving yours,
Your husband

Napakunot na lang siya ng noo habang binabasa niya ang nakasulat sa papel. Wala naman kasi siyang naalala na may asawa na siya unless kung lasing siya ng araw na iyon.

May nakita pa siyang isang maliit na red box, kaagad niyang tinignan kung anong laman nun at halos maluwa ang kaniyang mga mata nang nakita niya ang kumikinang na singsing.  Isinukat naman niya iyon sa kamay niya at tuwang-tuwa naman siya nang ito'y nagkasya sa kaniyang kamay.

Kaagad siyang lumabas ng rent house at napagdesisyunan niya munang maglakad-lakad sa dalampasigan. Nakasuot siya ng puting bestida at nakalugay ang kaniyang mahabang buhok.

Habang siyang nagmumuni sa dalampasigan ay nakita niya si Jaydee na nakaupo sa buhanginan. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ng binata at kaagad siyang umupo, sa tabi ni Jaydee.

“Ang ganda ng araw, di ba?” Jaydee said habang nakatingin pa rin ito sa pasusulyap na araw.

Napanganga na lang ang dalaga. Hindi niya kasi akalain na makikipag-usap sa kaniya nang hindi sumisigaw.

“Sir, kung inyong mararapatin puwede po bang magtanong?”

“Napaka- pormal mo naman, Lovely wala tayo sa opisina, from now on call me Manuel.”

Mas lalo pa siyang napanganga nang narinig niya na pinapayagan na niya itong tawagin siyang Manuel, dati-rati pa naman ay ayaw itong magpatawag sa ganiyang pangalan.

“May asawa ka na pala, Sir este Manuel?”
“Yeah, you're right. I've been married to my beautiful wife.”

May nakita siyang luha sa mga mata ni Jaydee, marahil pinipigilan niya itong 'wag tumulo.

“Masaya ba siya sa’yo, Manuel?”

Hindi kumibo ang boss niya sa kaniya sa halip ay umiling-iling lang ito sa kaniya.

“She's gone... long gone.”
“Ha? Bakit hindi ninyo hanapin, Sir?”

“Bakit ko pa siya hahanapin kung nasa tabi ko lamang siya?”

Magsasalita pa sana siya kaya lang nang biglang sumulpot sa kanila si Kurt at ang fiancè ni Jaydee.

“Hello, pare! Good morning Lovely!”

The Prostitute's  Desire(Completed)Where stories live. Discover now