Chapter Six

876 23 5
                                    

Pagkagising palang ng dalaga ay una niyang tumambad ang matipunong likod ng boss niya. Babangon sana siya nang biglang sumakit ang maselang parte ng kaniyang katawan. Kumikirot iyon at masyadong mahapdi.

Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, huminga ng malalim at saka bumangon siya sa kama ng kaniyang boss.

Bakit ako nandito sa kwarto ng boss ko? Anong ginawa namin kagabi? Argh!! Ang tanga mo Lovely! Sinabihan ka lang niya ng stunning kagabi bumigay ka naman pero pota! Hindi ka na virgin at kung makaasta kang parang first time mo 'tong malandi ka.

Kasalukuyan pang  nagtatalo ang utak at puso niya nang naramdaman niya ang paggalaw ng binata sa kaniyang kama.

Hindi niya alam kung bakit siya nataranta at pinagdadampot niya ang  kaniyang damit na nakalat sa sahig, bago siya makalabas ng kwarto ng binata ay nasagi niya ang isang picture frame at kaagad iyon bumagsak sa sahig. Dahan-dahan niya iyong pinulot at doon niya nakita ang litratong nakalagay sa picture frame.

Tinitigan niya iyon ng maigi. Parang siya yung nasa litrato pero nakakasigurado naman siyang hindi siya iyon.

Kaano-ano kaya ito ni Jaydee? Bakit kamuha ko siya?

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Kaano-ano kaya ito ni Jaydee? Bakit kamuha ko siya?

Nang napansin niya na biglang gumalaw si Jaydee sa pagkatulog ay doon na lang siyang lumabas ng kwarto.

Dumiretso agad siya sa banyo para maligo pero kahit anong gawin niyang pagkuskos sa kaniyang katawan ay hindi parin mawawala ang init na  ipinadama ni Jaydee nang gabing iyon sa kaniya.

Parang siyang timang habang hinihiluran niya ang kaniyang leeg, may nakapa kasi siyang kiss mark doon at hindi niya maiwasan ang mapakagat ng labi.

Sariwa parin sa kaniyang alaala ang ginawa nila ni Jaydee. Sinong mag-aakala na yung gabing iyon ang magiging mahalagang araw para sa dalaga?

Matapos ang makapigil hiningang halikan na iyon na halos ikinabuwal ng dalaga sa kaniyang kinatatayuan ay naramdaman na lang niyang hinawakan siya ng binata sa kaniyang balakang at muli na naman siyang siniil ng halik. Ipinikit niya na lang ang kaniyang mga mata niya dahil ang rude naman ng dating na pareho silang nakabukas ang mga mata. Titig na titig kasi ang binata sa kaniya at parang wala na itong balak na pakawalan pa siya.

Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong binuhat, yung buhat parang sa isang kinakasal. Habang binubuhat siya nito ay nakatuon lang sa kaniya ang mga mata ng binata.

Yung tsokolateng mga mata na ng binata na nakakalusaw at hindi nakakapaso katulad nang ipinapakita nito sa kaniya kapag ito'y hindi lasing.

The Prostitute's  Desire(Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora