Chapter Seven

866 18 6
                                    

“Hindi kasalanan ang magmahal, ang tanong lang doon handa ka bang masaktan kapag yung taong mahal mo ay may iba ng mahal at hindi ikaw yun?”

-Mary France Buban

“Lovely, ano 'yang nasa leeg mo? Kiss mark ba 'yan?” Iyan agad ang pambungad tanong sa kaniya ni Rissa nang nakapasok siya ng building.

Hindi uso sa kanilang dalawa  ang mag good morning greeting, beso lang sa pisngi ay okay na sa kanila kaya naman kaagad iyong napansin ng kaniyang kaibigan ang namumula niyang leeg.

“Wala 'to, nakagat lang ng ipis.” sabay tinago niya sa kwelyo ng damit niya ang leeg nito.

Pero mukhang hindi yata kumbinsido ang kaniyang kaibigan sa sagot niya. Naningkit pa ang mga mata nito habang tinitigan niya ng maigi ang dalaga.

“Tell me may nangyari na ba sa inyo ni Sir Jaydee? Tell me girl? Ano masarap ba siya? Magaling ba siyang gumiling-giling? Girl, ang suwerte mo!” Pinagyuyugyog pa nito ang balikat ng dalaga at halos maalog ang kaluluwa ni Lovely nang dahil sa ginawa ng kaibigan.

Nakaramdam ng pagkahilo si Lovely matapos ang ginawa sa kaniya ng kaibigan. Napangiwi na lang siya dahil napaka-rumi ng bibig ng kaniyang kaibigan.

“Wala ngang nangyari sa amin? Ano ka ba, Rissa? Hindi naman kasi ako papatulan ng masungit nating boss,” aniya sabay irap ng kanyang mata

“Kung sa bagay. Wala naman talagang makakatagal sa ganoong ugali, naku! Baka makipag-break agad ako sa kaniya.”

Natawa naman si Lovely sa tinuran ng kaniyang kaibigan dahil totoo naman talaga ang sinabi nito sa kaniya. Walang makakatagal sa kumpanya kung ang boss nila ay laging galit at panay sigaw.

“Pero malaki ba ang ano niya?” Biglaang tanong sa kaniya ni Rissa at muntikan pa siyang malunod sa sarili nitong laway dahil sa sinabi ng kaniyang kaibigan.

“Rissa! Baka may makarinig sa’yo, itikom mo nga ang bibig mo,” saway niya sa kaibigan habang palinga-linga sa paligid

“Ano naman kung may makarinig?”

“Rissa, tumigil ka!”

Nag peace sign naman sa kaniya si Rissa. Bigla na lang sila natigilan sa pagdadaldalan nang biglang dumaan sa kanilang harapan ang boss nilang may pasa ang pisngi nito.

Natatawa na lang siya sa kaniyang isip. Naalala niya naman kasi kung paano niya iyon suntukin, hindi naman niya kasi akalain na mapapalakas ang kaniyang pagsuntok sa binata.

Napaano ang mukha niya? Bakit may pasa?”

“Nakipaghalikan kasi siya sa pader kaya iyan ang kaniyang napala,” mataray niyang tugon sa kaibigan

Sinundan lang nila ng tingin ang boss nilang mukhang mainit na naman ang ulo nito papasok ng kaniyang opisina.

Dali-dali siyang nagtungo roon at naabutan niyang abala na naman si Jaydee sa kaniyang laptop.

“Yes, Ms. Kedavra may kailangan ka?”

Gusto niya sanang humingi ng paumanhin kay Jaydee sa ginawa niyang pagsuntok dito kaya lang nang ibuka niya ang kaniyang bibig ay tila wala na itong boses.

The Prostitute's  Desire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon