Chapter Two

1.2K 30 4
                                    

Madilim. Maingay. Magulo. Pinamumugaran ng mga lalaking naghahanap ng aliw at naghahanap ng magpaligaya sa kanila ngayong gabi. Patay-sinding mga ilaw habang sinasabayan ng tugtog.

"Sigurado ka ba dito, Lovely baka mapahamak ka sa pinag- gagawa mo," may bahid na pag-aalala ng kaniyang kaibigan na si Ian Dexter, bouncer din siya sa club kung saan nagtatatrabaho si Lovely.

Hindi lingid sa dalaga na may lihim na pagtingin si Ivan sa kaniya, pasulyap-sulyap lang nitong tinitigan ang mala- anghel nitong mukha, pasimple siyang ngumingiti halata kasi sa dalaga na masyado siyang kinakabahan kahit na siya ang asset ng club na pinasukan.

Nakasuot ang dalaga ng kapirasong tela na pantakip sa kaniyang pagkababae. Gaya ng nakagawian ng dalaga ay may pulang lipstick na naman ito sa kaniyang mga labi at suot-suot na naman niya ang lucky charm earings niya.

"Ano sa tingin mo Ian maganda ba ako sa ayos ko?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ano sa tingin mo Ian maganda ba ako sa ayos ko?"

Inilugay ng dalaga ang kaniyang mahabang buhok na siya namang panandaliang pagkawala sa sarili ni Ivan. Nakulala lang siya habang tinitigan niya ang dalaga.

"O-oo, maganda ka... este maganda ka sa suot mo. Ano ka ba? Suki ka na kaya sa mga patron dito sa club." Pilit siyang tumatawa kahit na ang totoo kanina pa siya naiinitan kapag kaharap niya ang dalaga.

"Salamat, best friend talaga kita."

Humalik pa ang dalaga sa pisngi ni Ian na siya namang ikinapula ng kaniyang mga tenga. Nakagawian na siya nitong halikan sa pisngi kaya nga madali siyang nahulog dahil dito pero ang totoo niyan nagustuhan talaga ang ugali ni Lovely, hindi dahil sa maganda siya kundi dahil meron siyang will na gustong matupad sa kaniyang pamilya.

Speaking of pamilya... bumuga ng mahabang hininga bago siya tinawag ng announcer ng club.

"And now let's all witness the sexiest performance of our star for tonight Dina Rose Monterde."

She used that name in order to hide her identity pero kahit anong tago niya sa ganitong pangalan ay may mangilan-ngilan sa kaniyang mga kakilala ang nakakita sa kaniya na sumasayaw sa iba't ibang club kaya kaagad siyang ginawan ng tsismis hanggang sa buong baranggay na niya ang nakakaalam na isa siyang Magdalena, pukpok kung tawagin.

Nag- sign of the cross muna siya bago siya pumasok sa isang parisukat na entablado. Tinitigan niya ang mga lalaking nanunuood sa kaniya... halatang halata sa kanilang mukha ang labis na paghanga sa dalaga. Napangiwi na lang siya nang may mga matatandang lalaki na sinisipolan siya.

Lovely, lunukin mo ang dignidad mo para pag uwi mo mayroon kang ipambibili ng bigas ng pamilya mo.

Kaagad nang nagsimula ang mabagal ngunit mapusok na tugtog. Iginiling niya ang kaniyang mga balakang at binigyan niya ng nakakapang-akit na ngiti na siya namang ikinatuwa ng mga nanunuood sa kaniya.

The Prostitute's  Desire(Completed)Where stories live. Discover now