"Nadekwat?" Naguguluhang tanong ko.

"You know what I mean, girl." Sabi nito. Kumindat pa siya sakin bago lumabas ng kusina. Tulala nalang ako sa lababong pinaghugasan niya ng kamay.

Nadekwat?

Ano namang ibig sabihin niya?

Ipinilig ko nalang ang ulo at kumuha na sa ref ng mga ingredients na gagamitin ko. Nag-focus nalang muna ako sa pagluluto at isinantabi ang eksenang nangyari kanina. Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto ng may pumasok sa kusina. Napahigpit ang hawak ko sa hawak kong sandok.

"Ang landi talaga." Sabi ni Catriona habang naghuhugas ng kamay. Hindi ko sila pinansin. Nanatili akong nakatutok sa niluluto ko.

"Hayaan mo na, sis. Baka hapit lang masyado sa lalaki kaya nagpapapansin." Sabi naman ni Eula. Napapikit ako sa mga naririnig. Obvious naman siguro na ako ang pinapatamaan nila diba? Kasi kung hindi, hindi na nila kakailanganin pumasok rito sa loob ng kusina para sabihin 'yan.

Kalma, Katrine. Kalma.

"Yeah, you're right. Hapit nga siya sa lalaki. Pati 'yung sayo inaagaw?" Sagot na naman ni Catriona.

Inaagaw? Wait. Sandali. Paano nangyaring inaagaw? Atsaka si Kenrick kay Eula? Sa pagkakaalam ko, walang sila. Wala siyang karapatan angkinin si Kenrick. Bilang bestfriend ni Kenrick, ayokong mapunta lang si Kenrick sa katulad ni Eula. Masyadong pakitang tao. Hampas lupa naman. Mga hangal.

"Hindi niya naman maaagaw 'yung akin kasi feeling ko nagkakagusto narin sakin si Kenrick." Sabi ni Eula. Parang sinaksak ang puso ko sa narinig. Mas humigpit ang hawak ko sa sandok at hinalo ng mabilis ang sabaw sa kaserola.

"Oh, nandito ka pala Katrine. Hindi namin napansin." Sabi ni Eula habang nakangisi. Sarap ibuhos sa mukha niya 'tong sabaw na hinahalo ko. Kagigil.

Hinarap ko sila at ngitian. 'Yung plastik na ngiti. Hindi naman kasi nila deserve yung totoong ngiti ko.

"Yes, at sa sobrang pagka-tsismosa niyong dalawa hindi niyo alam nasa gilid niyo na pala 'yung pinagtsi-tsismisan niyo." Sagot ko at binalik ulit ang tingin sa hinahalo. Wala na akong balak pa makipag-away sakanila. Sirang sira na ang araw ko dahil sa pagmumukha nila.

"Excuse me? Anong sabi mo? Tsismosa?" Asik ni Catriona at akmang lalapit sakin pero dinuro ko siya gamit ang sandok ko.

"Subukan mong lumapit ibubuhos ko sa mukha mo 'tong kumukulong sabaw!" Banta ko. Nakita kong pagkagulat at takot sa mukha niya. Sinabi kong ayaw ko ng makipag-away sakanila pero sila ang nag-uumpisa ng gulo. Okay sige, kung gusto nila ng gulo ibibigay ko para manahimik na.

"Ang kapal ng mukha mo!" Sabi sakin ni Catriona.

"So ako pa ang makapal ang mukha? Ikaw nga 'yun eh. Kasi sa pagkakaalam ko, wala naman akong ginawa sayo para pag-intirisan mo 'ko ng ganito." Seryosong sabi ko habang nakaduro parin sa mukha niya ang sandok. Bwisit ako sa mukha niya. Sarap lunurin sa niluluto ko.

"Wala ka kasing alam." Sabi nito at lumabas na ng kusina. Sumunod naman ang feeling mabait na si Eula. Napatulala ako sa kawalan.

Ano naman kaya ang ginawa ko kay Catriona? Bakit galit na galit sakin ang demonyitang 'yon na anak ng alagad ni satanas? Geez! Pinag-iinit ang ulo ko! Nakakabwiset silang dalawa ni Eula na punong puno na ng kaplastikan ang katawan.

Mabuti nalang at nakatapos na akong magluto. Tinulungan ulit ako ni Xiela at Hanwie na mag-ayos ng kakainan namin. Nagsi-upuan naman na ang mga kaklase ko sa kaniya kaniya nilang inupuan kanina. At katulad kanina magkatabi parin si Kenrick at Eula. Kami naman ni Sean at Evan ang magkatabi. Habang si Jared, katabi na si Bernazae.

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon