Ang Simula

544 156 460
                                    

***

"Khloe Cassandra! Kailan mo ba balak gumising na bata ka, ha?!"

Bigla akong napabangon sa walang tigil na pagkatok ni mommy sa kwarto ko. Napahawak ako sa ulo ko nang sumigid ang matinding sakit sa aking sentido.

"Eto na po my, bababa na po."

"Siguraduhin mo lang Khloe. Male-late na kayo ni Zach!"

Nang marinig ko ang papalayong yabag ni mommy ay muli kong ibinagsak ang sarili sa higaan at kinumutan ang buong katawan.

Five minutes pa.

"Khloe!"

Hindi pa man natagalan ng isang minuto ang aking pagpikit ay tinawag na naman ako. Nakasimangot ay bumangon na lang ako dahil sigurista talaga itong si mommy at hindi siya mananahimik hanggang hindi ako bumabangon.

Humihikab pa ako nang dumiretso sa banyo at naligo. Unang araw ko ngayon sa eskwela at bangag akong papasok. Hindi ko alam pero para akong nakalutang dahil sa kakulangan sa tulog. Kabang-kaba ako dahil inihiwalay kami ng eskwela ni Zach sa mga pinsan ko.

Halos buong existence ko ay hindi ako napahiwalay sa mga pinsan ko, ngayon lang talaga kaya naman hindi ako halos nakatulog sa sobrang kaba.

Pagkatapos maligo ay nag-blower ako ng buhok sa harapan ng salamin. Pinasok pa talaga ako ni mommy kanina sa banyo noong hindi ako sumagot nang tawagin niya ulit ako para bumaba. One-time kasi ay talagang nakatulog ako habang nagbababad sa bath tub kaya siguro ganoon.

Hindi pa gaanong tuyo ang buhok ko ay tumayo na ako para pumunta sa walk-in closet. Since transferee naman kami ay sigurado akong pwede kaming magsuot ng kung anong gustuhin namin ni Zach.

Naghahanap ako ng maisusuot nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napalabas ako para silipin kung bakit ba balik ng balik si mommy e bababa rin naman na ako.

Instead of mommy, si nanay Ising pala iyon at may dala itong damit na nakahanger pa at nakabalot ng plastic.

"Oh, nakaligo ka na pala," pagbungad ay sinalubong niya ako at inabot sa akin iyong damit na hawak. "Iyan daw ang suotin mo sabi ni Sandra, naplantsa ko na yan, at pinapasabi ulit ng mommy mo na dalian mo at inip na iyong si Zakare sa ibaba."

Napakunot ang noo ko at napatingin sa ibinigay sa akin ni nanay.

"Wait! May uniform na po?"

Ang bilis naman kung ito agad iyong isusuot ko e unang araw pa lang naman.

"Halla e kagabi pa yan dumating. Dinala noong bakla, ano na kasing pangalan 'non?"

Napatawa ako sa pagkakasabi ni nanay Ising.

"Dennis po."

"Ah oo yun nga!" Napapalakpak pa siya nang makaalala. "Sabay iyong uniform niyo ni Zakare na dumatin," patuloy pa ni yaya Ising habang inaayos naman ngayon iyong comforter ko na nakalimutan kong ayusin dahil sa biglaang pagbangon.

"Nay, Zachary po," pagtatama ko sa pangalan ni Zach. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinabi na Zachary iyon at hindi Zakare ang pagbigkas pero ever since yata bata kami ay hindi pa rin makuha ni yaya.

"Iyon naman ang sinabi ko, ah."

Pinagbigyan ko nalang ulit siya at talagang hindi na magbabago iyong tawag niya sa amin. Sa akin kasi ay Klowe ang pagbigkas niya.

Dinala ko iyong damit sa walk-in closet at pinakatitigan iyon. Tinanggal ko iyong nakabalot na plastic para makita ko ng mabuti iyong uniform. Sa totoo lang ay si mommy at daddy ang nag-asikaso ng lahat, ni hindi ko nga nakita iyong design ng uniform and worst, wala kaming ideya ni Zach kung saan kami trinansfer.

Between these JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon