"Zachary!"

Napalingon kaming sabay ni Zach sa pagsigaw ni daddy. Simula nang sabihin ni mommy and daddy na magtra-transfer kami ng school at hindi kami pwedeng lumapit sa mga pinsan namin ay hindi na naging okay si Zach at si daddy.

"We already talked about this, wag mo ulit simulan," sabi ni daddy.

Daddy became stricter than the usual. Talagang noong mga unang buwan ay bantay sarado kami ni Zach para hindi kami makalapit sa mga pinsan namin. Even our devices are restricted and confiscated, nitong linggo lang na ito naibalik.

"Two months have already passed, dad! And, aksidente lang iyong nangyari. You don't have to go this far."

Hindi nalang ako nakialam sa pagtatalo nila dahil ilang beses na nilang pinagtalunan ang bagay na iyan pero hindi talaga nagbabago ang isip ni daddy. Maging ako dati ay nagrereklamo pero napagod lang din dahil ano pang sense diba? Hindi rin naman nila kami pakikinggan.

"Is it really needed na ihiwalay kami kila ate Sam? They are not the one to blame, dad! Ilang beses kong sinabi sa inyo, aksidente lang iyon!" sigaw ni Zach.

Hindi pinansin ni daddy iyong sinabi ni Zach at dumiretso itong lumakad palabas sa may pinto tinawag si kuya Ricardo na siyang driver namin.

"Dad!" tawag ni Zach at tumayo pa para sundan si daddy.

Pinagpatuloy lang ni daddy iyong pagbibilin niya kay kuya Ricardo about sa paghatid sa amin sa bago naming school at hindi na pinansin ang pagtawag sa kaniya ni Zach.

"Bakit ba g na g kayo sa nangyari sakin?!"

Biglang napatigil si daddy sa pagkausap sa driver namin at hinarap si Zach. Tinignan niya ito na tila ba nagtitimpi.

"Zach-" aawatin ko sana siya dahil aka attalo na naman sila pero tuloy tuloy na nagsalita si Zach.

"Hindi naman kayo yung muntik mamat-"

Napasigaw ako nang bigla nalang sinugod ni daddy si Zach saka kinuwelyuhan. Zachary Daxian really did go overboard this time.

"Daddy," naiiyak na sabi ko at pinipilit na alisin iyong kamay niya sa kwelyo ni Zach na ngayon ay lukot na.

"Your mom is worried sick ever since that accident. Nakita kong nahirapan yung mommy mo dahil sa kalokohan niyong magpipinsan."

Hindi naman nagpatinag iyong si Zach at sumagot pa.

"That's not my point here dad!" he exclaimed.

"Zach, tama na!" pang-aawat ko sa kaniya dahil ngayon lang talaga siya kinuwelyuhan ni daddy. Ngayon lang siya nagalit ng ganito, ayaw kong magkasakitan sila dahil lang dito.

"What I am trying to say here is why are you transfering us to another school?! Nag-sorry na ako. Nag-sorry din si Chase. Nag-sorry na kami't lahat lahat kahit aksidente lang yun pero wala pa rin! Dad, I understand you and mommy but hindi niyo kami kailangang paglayu-layuin!"

Nakita ko ang pagkuyom ni Daddy ng kanyang kamao at halata dito na nagtitimpi siya kay Zach.

"Pinaghiwalay namin kayo ng mga pinsan mo hindi dahil sa sinisisi namin sila, pinaghiwalay namin kayo dahil kung ano anong katarantaduhan yung mga nagagawa niyo pag magkakasama kayo."

Napaluwag ang kapit ko kay daddy nang sabihin niya iyon. Buong akala ko ay sinisisi nila iyong mga pinsan ko sa nangyari.

"Sa dinami-rami ng kalokohan niyo, ito yung hindi namin mapapalampas ng mommy mo. Alam mong mahina ang puso ng mommy mo pero gumaganiyan ka ngayon sa harapan ko. Sige! Kung wala kang pakialam sa mommy mo, go kill yourself! Uminom-inom na naman kayo at ulitin yung mga ginawa niyo!"

Between these JerksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon