Ngayong araw lang din namin malalaman kung saang school kami trinansfer. Daddy and mommy became paranoid ever since that incident. I understand them because we nearly lost Zach but I think it is really unfair to blame my cousins for that because it is just an accident.

Kaagad akong nalungkot nang maalala ulit iyong mga pinsan ko. Alam kong mabibigla silang hindi kami nag-enroll sa GCMU. Hindi ko nga naisip na darating pala kami sa puntong maghihiwa-hiwalay kami dahil simula pagkabata kung nasaan ang isa ay nandoon ang lahat

Agad akong napaisip kung anong school itong uniform na hawak ko. Sigurado akong nakita ko na itong uniform na ito, hindi ko lang matandaan kung anong school. Hindi naman kasi required na alamon ko lahat ng uniform ng school.

Kinuha ko nalang iyong polo blouse na kulay puti saka isinunod ko naman iyong skirt kaysa tumunganga ako dito habang inaalala kung saan ko nakita iyong uniform.

Kombinasyon ng white, dark blue, gold, at red iyong uniform namin. Aaminin ko rin na mas gusto ko ang estilo ng uniform namin ngayon kaysa sa dati naming school.

Ang dati naming uniporme sa GCMU ay long sleeved na dark green na bestida na mayroong lining na white at may belt. Para naman sa mga lalake ay puting polo at dark green na slacks. Mas higit na simple 'yon kaysa sa suot ko ngayon na puting long-sleeved polo na pinaibabawan ng dark blue long-sleeved blazer na sa bandang kaliwa ay may burdang kulay golden yellow na eagle at torch na siyang logo ng school. Sa kanan naman nito ay ang espasyo kung saan ilalgay iyong god plate na pin na nakasulat iyong name at year level namin.

Mayroon din itong tatlong malalaking golden plated na botones. Tatlo lang dahil kalahati lang at kita iyong polo naming white sa loob pati na rin iyong ribbon namin na pula. Iyong skirt naman namin ay kulay dark bue na tama lang ang sukat, hindi gaanong maikli at lalong hindi rin mahaba. Sinuot ko rin iyong medyas ko at pinartneran ko nalang ng black shoes na may heels nang kaunti.

Pagkababa ko ng hagdan pinalakpakan ako agad ni Zach na ngayon ay kumakain ng almusal.

"Ang aga mo, ah," sarkastiko niyang sabi saka marahas na tinusok iyong hotdog gamit iyong tinidor niya.

Inirapan ko siya saka hinila nalang iyong upuan para makakain na rin. Ibinaba ko iyong bag ko sa katabing upuan saka nag-umpisang kumain dahil nalagyan na iyong plato ko ng pancake na may strawberries sa gilid.

Napaangat ako ng tingin nang tumayo si Zach, mukhang tapos na siyang kumain. Kita ko rin na suot niya na iyong uniform.

Pati sa lalake ay magandang tignan iyong uniform, sobrang bagay sa kaniya. Parehas lang kami ng suot sa pang itaas maliban sa ribbon sa amin, ang kaniya naman ay neck tie na kulay pula rin at dark blue slacks naman sa pang ibaba.

"Hoy yung pin mo nasaan?" tanong ko dahil hindi niya suot iyong gold pin na may pangalan at year level.

Grade 12 ako ngayong taon samantalang si Zach ay Grade 11. Hindi na niya ako madalas tinatawag na ate and ayos lang naman sa akin yun since isang taon lang naman iyong gap namin pero kapag may sumpong is ate naman siya ng ate sa akin.

Looking annoyed, he then asked one of our maids to get the pin in his room dahil mukhang nakalimutan niya yata.

Tamad niyang ibinagsak ang katawan sa sofa saka sumimangot na bumaling sa akin. He then furrowed his thick eyebrows, hindi naman talaga siya ganiyan, ang katunayan ay makulit ang isang 'to at laging nakangiti pero baka dala lang na hindi niya pa rin matanggap na humiwalay kami sa mga pinsan namin. Wala na siyang kasama sa mga kalokohan niya.

Binilisan ko nalang ang pagkain ko ng umagahan dahil naririnig ko na ang reklamo ni Zach.

"Why do we even transfered schools anyway? Okay naman tayo dun ah!" reklamo niya.

Between these JerksWhere stories live. Discover now