Argument

7 0 0
                                    

5 araw bago mag exam  ay nagreview kami ng nagreview ni jacky, kahit sa chat ay hindi kami tumitigil sa pagrereview. Nagkakakwentuhan kami tungkol sa aming mga sarili, sa kaniyang mga kapatid, at sa kaniyang mga magulang. Tumahimik siya sa nasabi ko kasi Magulo ang family niya😥. Sinabi niya sa akin na malaki palagi ang problema ng tito niya sa paninirahan nila sa bahay nito.
Kaya kung maaari ay hindi ko na sita kinakausap about doon kasi nasasaktan lang siya.

Katatapos lang ng exams namin ng may nakaaway si jacky sa room namin. Si ngongo na pinagtatanungan lang naman ni jacky kung ano yung mga requirements sa card giving. Mataas ang tono ng boses ni ngongo kay jacky kahit wala naman itong ginagawa at wala pang connect yung mga sagot ni ngongo puro hugot ang sinasagot kay jacky. Ng inaawat ko yung dalawa ay nagkamurahan pa yung dalawa.

Nalaman kong broken hearted pala si ngongo sa ibang babae  kaya not in the mood siya nung tinanong ni jacky. Nilapitan ko si jacky na malungkot at magisang naglalakad pauwi sa kanila.
Nasasaktan akong makita siyang malungkot 😥 pero ang hindi ko alam ehhh kung bakit ako nasasaktan?😅 Infatuation pa lang naman so dont get carried awat😅. Sinabi ko sa kaniya ang sitwasyon na dinaranas ni ngongo ngayon kung bakit siya ganun. Pinagbabati ko sila dahil sa hindi magandang kondisyon ni ngongo ay nakapanakit siya ng iba sa kasamaang palad, nagalit siya sa akin😨. Niyaya ko siyang kumain sa jollibee ng huminahon naman kahit papaano, kaso dahil sa pagpapatuloy ko ng usapan sa pag babati nila.....
Ay pagdating ng aming order, ay Sinigawan niya ako....😱😨.

Nagagalit siya kasi mas kinakampihan ko pa daw si nhongo kaysa sa kaniya. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at sinabing"Akala ko mapagkakatiwalaan na kita!, Akala ko may tunay na akong kaibigan na maaasahan talaga, ALAM MO BANG IKAW LANG ANG PINANIWALAAN KO NG GANITO! IBA ANG TURING KO SA IYO KUMPARA SA IBA! Sana naman pinakinggan mo muna side ko bago ka magsalita at lecturan ako...... You don't know me.😨😥😓"

-Nagwalk out sa jollibee(pinigilan ko kaso hinampas niya yung kamay ko)-

Naiwan ako sa jollibee at kinain ng magisa ang order namin 😓 Nabusog ako dun😋😆, pero Naiwan parin yung sinabi niyang hindi ko siya kilala.😢
Pilit kong iniisip kung anong mali sa ginawa ko, siguro tama naman mali lang ng proseso walang pagpaplano......... Nang papauwi na ako ay di ko namalayang Nalampasan ko na pala ang bahay namin... Sa kwarto ay hindi matigilan ang pag iyak at parang nawawalan ako ng kaluluwa.

Gabi na pero Chinachat ko pa rin siya ni katiting na letra di niya sinagot sa akin. Ang masama pa dito ay Hindi niya siniseen kahit online siya minsan nga inooffline niya na lang. My ghad is this Ghosting😰.

5 araw niya na kong di kinakausap ni hindi ko siya makita dahil sa 3 araw na holliday at 2 araw na weekend.Marami akong chinat sa kaniya pero di niya talaga tinitinggnan.

Ilang araw na lang birthday ko na😔 Tas magiging malungkot pa ko dahil sa away namin. Buti nga si ngongo nakipagbati na siya pero sa akin hindi pa.....😣 ano kaya mangyayari sa birthday ko kung magkaaway kami😥.............

Love That Never LiesWhere stories live. Discover now