[ 34 ]

1.8K 63 0
                                    

Misaki~

Gabi na at tapos nang magluto si Cross ng inihaw na isda. Inihain na namin ito sa mga paper plates namin at tahimik na kumain. Siguro madami rin silang iniisip tulad ko. Tulad nang, nandun ba talaga ang treasure? Pano namin makikita yun? Ano na mangyayari pagkatapos nito? Will we survive? Will we get back to normal after?

"Cross malayo pa ba?" biglang tanong ni Daniel sa gitna ng katahimikan.

"I think we're almost there" Cross says nonchalantly. He continued to stare at the stars in the sky.

"That's what you said a while ago" Daniel rolled his eyes. Hindi siya pinansin ni Cross at patuloy sa pinagagawa niya.

Di ko nalang sila pinansin at lumapit nalang sa apoy sa gitna. Medyo giniginaw parin kasi ako. Di ko akalaing ganito pala kaginaw dito sa taas, manipis pa naman ang jacket na dala ko. Tanging tunog lang ng kuliglig sa kagubatan ang nadidinig namin kasabay ng paghampas ng mga dahon sa sanga nang mga kahoy dahil sa hangin. I cupped my face as I stared at the fire giving me a warm glow.

"Hey"

I looked up and saw Cross approaching me. I smiled at him a little tsaka sya umupo katabi ko.

"Nasa'n si Daniel?" Tanong ko nang mapansing wala siya.

"There, sleeping already" turo niya sa isang banda. I saw Daniel's faint sleeping outline in the dark. Malapit sya sa tent natutulog, nakahiga siya sa isang green na sleeping bag.

"Bakit di nalang siya sa tent natulog?" I frowned ng makitang parang linalamok na siya.

"Napagkasunduan namin na ikaw lang matutulog dun kasi babae ka" He says as he put his jacket on ny shoulder.

"Oh okay, thanks" sabi ko as I hugged the jacket on my shoulder. I have to admit, ginginaw pa talaga ako.

"Di ka ba giniginaw?" Nag-aalala kong tanong sa kanya ng makitang naka shirt lang pala sya.

"Nope, I'm immuned to this" He smiles. Napatango nalang ako at tinitigan muli ang apoy sa harapan namin. I only heard his steady breathing beside me.

"Misaki, I have to tell you something"

Kumabog naman ang dibdib ko at napatingin ako sa kaniya. My breathing went unsteady as his ebony eyes swept mine.

"Ano?" I managed to speak. Napalunok siya as he bits his lip. He raked his hair upwards without looking in my eyes. He looked so cute doing that.

Maya-maya tinitigan niya ulit ako.

"Misaki" he breathed. "I've been meaning to tell you this, to say this"

Napalunok ako as my heartbeat accelerates .

"May-" nanlaki ang mata ko.

"May muta ka sa mata mo"

"Huh?" napatigagal ako at dali-daling kinuha ang salamin ko. Oh shit meron nga talaga.

Tinalikudan ko nalang siya at agad-agad itong kinuha. Shit nakakahiya talaga.

"Ikaw, tangina ka, yun lang pala sasabihin mo pinatagal mo pa!" hinampas ko siya sa balikat niya. He winced and rubbed the part I had just hit.

"Bakit, what were you thinking I was gonna say?" Tanong pa niya habang hinihimas ang balikat niya.

"Wala, shut up" I huffed my brows furrowing. Oo nga Misaki, what were you expecting? Bakit parang dissapointed ka?

I groaned and stood up.

"Where are you going?"

"Matutulog malamang" saad ko at agad na lumakad palayo. Putangina siya.

"Oh eto, jacket mo!" liningon ko siya at binato ang jacket sa mukha niya.

"Misa-

Pumasok na ako sa tent ko at di ko man lang siya liningon. I propped myself down and shifted on my place. Kinuha ko ang kumot sa gilid ko anf placed it on myself. I huffed. Bakit ba ako ganito? Di naman ako ganito dati eh.

I bit my lip and bid myself to sleep.

▄︻̷̿┻̿═━一

Di ko namalayang umaga na pala. Naramdaman ko nalang na medyo mainit na kaya napadilat ang mata ko. Agad akong lumabas at nakitang nag-aayos na sila para lumakad na kami.

"Good morning my princess" Nakangiting bati sakin ni Daniel with arms wide open.

Sinamaan ko siya nang tingin.

"Anong good sa morning?" pag irap ko sa kaniya.

"Whoah Misaki honey parang bad mood ka ngayon" napatigil siya. "I mean normal ka namang bad mood palagi pero parang doble ngayon"

Hindi ko siya pinansin. Nagkatingin kami ni Cross pero agad kong iniwas ang tingin ko at ibinaling ang pansin sa tent. I started disassembling it. Di ko namalayang nasa gilid ko na pala si Daniel.

"Dalaw mo ngayon no?" pabulong pa niyang tanong at hahampasin ko na sana siya pero agad siyang tumakbo palayo na tumatawa.

"Gago" I muttered under my breath. I continued my work without noticing Cross beside me.

"Let me help you" he offered. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa ginagawa ko. Tinulungan niya ako habang tinititigan paminsan minsan. Hindi ko nalang siya pinansin hanggang natapos kami.

"Thanks" Kinuha ko na ang bag ko habang ngumunguya ng biscuit at mansanas.

Nakita kong nakatitig si Croas sakin parin habang dala-dala na ang bag niya.

"Cross" Tawag pansin ko sa kanya. His eyes swept through mine. I cleared my throat. "Lead the way"

Pagtuturo ko sa kanya sa daan. Para naman siyang nagising at tumikhim.

"Right" Agad na siyang lumakad at sumunod naman ako sa kanya habang nasa likod ko si Daniel. Tahimik kaming naglalakad pataas. Di ko na mabilang ilang oras na kaming naglalakad. Kinuha ko ang tubig at ininom ko iyon.

"We're here" Muntik na akong mapasubsob sa likod ni Cross ng bigla siyang tumigil. Sinamaan ko siya ng tingin sa likod niya pero napatigil ako ng makita ang isang malaking kuweba. Ngayon ko lang napansin na nandito na pala kami sa destinasyon namin. Medyo malamig na dito dahil malapit na kami sa tuktok ng Mt. Saraye. Napatalikod ako ng mapansing mahangin. Agad akong napasinghap ng makita ang magandang tanawin. Kung kanina maganda rin ang tanawin dito mas trumiple pa ito. Malawak na malawak ito at kitang kita ang dagat na para nang nagiging isa sa langit. Tumingin ako sa ibabaw at nakita ang mga puting ulap. I raised my arm upwards. Parang ang lapit na namin sa mga ulap.

"Tayo na" saad ni Cross at pumasok na kami sa malaking kuweba na iyon. Mataas ito na parang isang building. Malaki rin ang bukana nito kaya madali kaming nakapasok. Mas malamig ang hangin dito pero balewala ito dahil sa pagkamangha ko.

Napansin kong napatitig si Cross sa kawalan at parang naging makulimlim ang ekspresyon niya. Hinawakan ko ang balikat niya.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Napangiti lang siya ng bahagya.

"Oo, I just remembered something"

"Ano?"

"My family"

She's A Secret Agent?!✔Where stories live. Discover now