Kabanata III

15 2 0
                                    

Amaranth's POV

It's been a week since napunta ako sa Kneiss Academy.

And sa ngayon para parin akong hangin dito. Parang gusto ko na tuloy umuwi.

Papunta na ako sa classroom namin at may special announcement daw ang adviser namin. Pagpunta ko sa klase ako na lang yata ang wala. Umupo naman na ako at ilang minuto pa pumasok na si Mrs. Romez, ang adviser namin.

"Guys, I would like to introduce to you the son of our Duke."

"Duke?!"
"Woah!"
"Cool."

Marami pang bukung bulungan pero wala akong pakialam. Si Zyron lang naman 'yan eh. Si Zyron pala ay pinsan ko, uncle ko ang daddy niya. And napakaspoiled niyan, as in. Pero kahit naman ganun siya best friends rin kami. Kaso lagi niya nga lang akong pinagtritripan. Haaay.

Ba't kaya siya nandito?

"Hi, I'm Zyron Kneiss."

Pakilala niya and very proud siyang nilalabas yung dimples niya. Napatingin naman siya sa'kin at napangiti.

Alam ko na kung ba't siya nandito. Sa tingin pa lang kilala niya na ako.

Pero ba't parang may mali? Nung unang pasok ko si Mr. Beamon lang ang nagsabing magpakilala ako, siya yung history teacher ko remember?

Pero bakit si Zyron pinakilala? Ganito ba kapag wala kang pakinabang sa kanila?

"Pumili ka na ng upuan, may dalawa pang bakante."

Ang bakante na upuan ay nasa likod at gitna. Umupo siya sa likod. Like always dumaan ang ilang oras at recess na.

Syempre inaasahan ng lalapit silang lahat kay Zyron, pano kaya pag nalaman na nilang ako ang prinsesa?

"Hi."

Hindi ko ito pinansin at baka para sa iba ang 'hi' niya.

"Hey miss." ngayon may kasama ng kalabit. Hinarap ko siya at siya yung nasa likod ko sa buong linggo ko dito.

Tumango lang ako.

"It must be hard to be mute." sabi niya sabay ngiti na may kasamang lungkot ang mukha.

Kung alam mo lang.

"I'm Keith Rian." sabay abot ng kaniyang kamay.

Inabot ko naman at ngumiti lang ng kaunti.

"Sabay tayo ngayon?"

'Sure'

Yung gamit ko na pala ngayon ay isang sketchpad na nakita ko sa bookstore na nandito rin sa loob ng campus.

Ngumiti siya at kinaladkad niya na ako sa canteen.

"Anong gusto mo?"

Medyo nagtagal ako sa pamimili, pero pancakes na lang ang pinili ko.

"Sige upo ka na ako ng bahala."

Nag-abot naman ako ng pilak kaso sabi niya libre niya. Nagkibit balikat na lang ako.

***

Mga ilang minuto na rin simula ng makahanap ako ng upuan at parating na siya.

May nakita akong maple and chocolate syrup na kasama. Pero ang kinuha ko ay yung maple.

Kinain ko na yung pancakes ko.

"Feeling ko galing ka sa mayamang pamilya."

Napatingin naman ako sa kaniya. Nagsalubong lang ang kilay ko.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Jan 02, 2020 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

The Mute (Princess In Disguise)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ