Kabanata II

9 2 0
                                    

Amaranth's POV

I awkwardly smiled at him. Tapos inirapan niya ulit ako. Konti na lang maiinis na ako sa kaniya eh!

Kumuha ako ng pen and paper tapos sinulat ko na 'Sorry I forgot.'

Kinuha ko na yung wallet ko at binigyan naman ngayon ng dalawang pirasong pilak.

Actually, medyo marami rin golds at silvers na ibinigay nila mom at dad, so di ko muna proproblemahin ang panggastos ko.

Inabot ko naman sa kaniya at kinuha niya. Akala ko magpapasalamat man lang pero tinalikuran ako.

Ba't naman siya magpapasalamat? Eh ikaw may kasalanan. Duh!

Oo na kasalanan ko na. Kinain ko na yung pagkain ko para makapagpahinga ng maaga, dahil first day of class ko na bukas.

***

7:00 am

Shit.

Malalate ako sa first day kung di ko binilisan.

Minadali ko na ang pagligo, di na rin ako nakakain at diretso classroom na ako pagkatapos.

7:23 am na, gosh that was quick. Ang bilis ko pa lang kumilos.

Pero what now? Nasan ang classroom ko? Ugghh

Triny kong magtanong kung saan ang classroom ng Senior 1-4 sa pamamagitan ng papel. Just great nahihirapan na akong makipag-usap o makipag-communicate sa kanila.

May dumaan naman na isa yata sa mga naglilinis ng campus at sinamahan niya ako sa silid aralan. Pagdating ko dun halos mapuno na rin at ang bakante na lang ay sa likod at harap na kaharap ng teacher's table.

Ang pinili kong pwesto ay sa harap na lang. Para mas marinig ko rin yung sasabihin ng instructor namin.

***

Lunch na and ang bilis lumipas ng oras, di ko namalayan tanghali na pala. Nasa isa ako sa maliit na parang bahay na katabi ng puno. Yung binanggit ko nung una.

Habang nandon ako inoobserbahan ko lahat ng tao sa paligid. Baka makatulong sa pinapagawa ni dad.

Wala namang kakaiba. Maliban sa pagtrato nila sa mas mahina at mas less powerful kaysa sa kanila. Para lang itong isa sa mga binabasa ko lagi.

Haaaay gusto ko ng matulog.

Ngayong hapon isa na lang ang subject namin, dalawang oras na lecture sa 'History of Kneiss Kingdom.'

Ano pa bang hindi ko alam tungkol doon? Ito yata yung pinakaunang itinuro sa akin sa palasyo.

"Inaanyayahan ang lahat na pumunta na sa kaniya kaniyang silid aralan, labing limang minuto na lang bago magsimula ang klase."

Narinig kong sabi ng isa sa speaker sa paaralan. Nagready na ako at aalis na papunta ulit sa classroom.

***

1:14 pm na.

4 minutes ng late ang aming instructor.

May kaniya-kaniyang mundo ang bawat isa samin. May mga nag-uusap, nagtatawanan, nagjajamming at syempre may harutan din.

"Sorry class may inasikaso lang ako." sabi ng isang boses at napalingun kaming lahat sa pinto. Nakatayo doon ang isang siguro 6'2, nakapulang polo at itim na pantalon, na nakasalamin.

Teka.

Akala ko trabahador siya sa canteen?!

Tapos teacher siya?! What the heck?

Pinanood ko lang siya papunta sa table na unfortunately katapat ng sakin. Nagbaba agad ako ng paningin at baka mapansin niya nakatitig ako sa kaniya.

Nag-umpisa siyang magsulat sa pisara.

Inikot niya ang kaniyang paningin at napatingin sa'kin.

"May bago pala kayong kaklase. Kung maaari sana magpakilala ka." sabi niya.

Tumayo naman ako at pumuntang pisara. Nakatayo lang ako at hindi makapagsalita. Syempre bawal eh.

"Huy anong petsa na!"
"Pipi ka ba?"
"Sayang oras."
"Sir paupuin mo na di yata marunong magsalita eh."

"Class quiet." sa salita niyang yun tumahimik silang lahat. Scared pala eh.

"Anong problema?" sabi niya ng medyo magkasalubong ang kilay.

Itinuro ko ang aking bibig sabay baling ng ulo sa kanan at kaliwa.

"Isulat mo na lang ang pangalan mo sa pisara." halata sa boses niya na naiinip na rin gaya ng iba.

Isinulat ko ang 'Francee Dela Merced'

"Dela Merced?"
"Ngayon ko lang yan narinig na apelyido."
"Mukhang dayo siya."
"Hindi siya isang Kneissian?"

Ilan lang yan sa mga bulung bulungan nila. At yung bulong na iyon napakahina as in sobrang hina na hanggang dito rinig.

Umirap na lang ako at umupo na.

"As you all know, bring out one whole sheet paper!" nagulat pa ako sa pagsigaw niya.

Naglabas naman na ang lahat at nag-umpisang isulat ang pangalan.

"Shit bat kasi may quiz pa ngayon." mahinang bulong ng katabi kong babae.

"No. 1!"

Nagsulat naman ang lahat ng numerong 1.

"Ano ang Pangalan ng Prinsesa ng Kneiss?"

"No. 2!"

And so on and so forth.

Confident ako pagkatapos ng quiz 'cause I know I did well. And swerte ko dahil ang history background namin ang quiz. Mukhang swerte ako ngayong araw.

"That's all for today." tsaka suya tuloy tuloy na umalis ng classroom.

"Grabe si sir, 240 lahat ng items?!"
"Mukhang babagsak tayo ngayon sa History."

Ilan lang yan sa reklamo nila at mga hinaing. Inignora ko na lamang at umalis na.

Kalahating kilometro rin ang layo ng paaralan sa dormitoryo. Maglalakad na lang ako ngayon para mas makapag-observe pa. Isang oras na rin yata akong naglalakad. Paank ba naman lakad pagong ang ginagawa ko.

"Dela Merced."

Narinig kong pagtawag sa akin. Nung nakita ko ang guro namin sa history yumuko ako simbolo ng paggalang.

"How could you get a perfect score? Advance studying? Rare ang libro na may kumpletong history ang Kneiss Kingdom."

Mapaghinala masyado.

'Tinuruan lang ako noon ng lola ko noon. Di ko alam na mapapakinabangan pala ngayon'

'Yan ang nakasulat sa papel na hawak ko ngayon. Tumango lang siya at nilagpasan ko na siya.

It's been a very long day. Kaya sigurado bagsak ako nito mamaya eh.

***

The Mute (Princess In Disguise)Место, где живут истории. Откройте их для себя