[Chapter:37] (Commander)

Start from the beginning
                                        

Natatawang nag paumanhin ako kahit na hindi naman ako nito naririnig. Paalis na sana ako ng biglang may sumulpot sa harapan ko. Handa na sana akong umatake ng mamukhaan ko ito. Si tigas mukha, Raze De Leon. "Tarantado ka! Ba't mo ko iniwan kanina? Alam mo bang hirap na hirap nako sa pag bitbit ng dalawang librong to?" Nang gigil kong sabi. Napatingin naman ito sa dalawang lalaki na walang malay. Napailing ito at nag sign of the cross. "Kawawang mga nilalang." Malungkot nitong ani at napatingin sa lalaking natapakan ko kanina. "Ipagdadasal ko ang alaga mong dinurog nalang basta ng amazonang babaeng ito." Aniya at napapailing pa.

Naiinis na hinampas ko sa tuktok ng ulo niya ang isa sa mga librong hawak ko. "Sira-ulo! Manahimik kana nga jan at tulungan mo nalang ako. Baka maabutan pa tayo ng mga naka green na mask nayun." Nakangiwi nitong kinuha ang libro na ginamit kong pampukpok sa kanya. "Masakit ah! Huwag mong ipagmalaki yang pag tatagalog mo sa'kin, para sakin ikaw parin yung bulol na conyo girl na kilala ko." Pang-aasar nito. I stucked my tounge out. "Balibhasa siya gamay na ang tagalog, nabubulol parin." Ganti ko. Napasimangot ito at gumanti ng pukpok sa ulo ko. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya at nanlalaking mata na tinignan siya. Ngumisi ito. "Give and take, lang." Aniya bago mag tatakbo palayo sa akin.

Natinag naman ako at agad siyang hinabol. Minumura ko na siya na tumigil ngunit halakhak lang nito ang nagiging sagot niya at patuloy parin sa pagtakbo, hindi alintana ang bigat ng librong dala.

Bigla naman siya tumigil at napatigil nadin ako. Bigla ako hiningal, ngayon lang sumalakay sa akin ang pagod ng ginawa namin. "Nice, we just lost those bastards." Bigla niyang sabi at napatingin naman ako sa aming likuran. Ngayon ko lang napansin, wala na pala kami sa loob ng library. Dahil sa kagustuhan kong mabugbog si Raze ay di ko na napansin ang tinatahak namin.

He chuckled and fix his hair upwards. He then looked at me, nilapitan niya ako at kinuha sa kamay ko ang librong bitbit ko. He held my hand. "Come on, let's get going before they could even catch up. You can kill me later." He said and wink before tugging me with him.

I heard my heart beating uncontrollably. I can hear it ringing through my ears, why does it feels so good to be touch by him? Napatingin naman ito sa akin at saglit na tumigil. Kumunit ang noo nito. "What's wrong?" Tanong nito at agad naman ako napatingin sa kanya. "N-Nothing." Halos murahin ko ang sarili ko dahil nautal ako. I can feel my face blushing.

Lalong kumunot ang noo nito at sinalat ang noo ko. "Ang init mo." Nag aalala nitong sabi. "May sakit kaba?" Umiling ako at binawi ang kamay ko na hawak hawak parin niya. "W-Wala. Tara na." Naiilang kong aya at nauna na sa pag takbo kahit hindi ko alam kung saan ako dadaan.

Bigla naman niya ako hinigit palapit sa kanya. Tumama naman ang noo ko sa dibdib niya. "Ouch." Daing ko dahil parang bato sa tigas ang dibdib nito. Napakamot ako sa noo at masama siyang tinignan. "What do you want you stupid jerk?" I asked.

He smiled, amused. "You just blush earlier, right?" Mapanloko nitong tanong. "Hell no! You seen it wrong." I said defensively. Tumawa naman ito at nang-gigil na pinisil ang ilong ko. "Kung yun ang sabi mo, paniniwalaan ko." He said, grinning widely. Panalo panalo nanaman ang loko. "Bilisan na natin. I heard the Commander is making his appearance tonight. That's why the groups are aggressive tonight, they want to impress the Commander." Seryosong sabi niya at hinila nako. Hindi naman ako umangal dahil parang kinilabutan ako sa sinabi niya. Commander? Meron pang mas demonyo sa mga grupong yun? Iniisip ko palang ay kinikilabutan nako, I guess if we're lucky enough we'll meet Lucifer tonight. I shivered on the thought.

Naramdaman ko naman ang pag higpit ng pag hawak ng kamay ni Raze, as if he was trying to protect me from something-or someone. "What's going on?" I whispered. Hinila niya ako sa likod niya kaya't malapad na likod niya lang ang nakikita ko.

I heard the strong wind gushing, I looked around and we're entering a forest, and then I felt a strong and dangerous presence in front of us. Pero dahil nakaharang si Raze ay di ko ito makita. Lalong humigpit ang hawak ni Raze sa akin. "Commander." Raze mumbled under his breath and I didn't understand what he said. Lalo naman ako na-curious kaya lumabas ako sa pagkakatago sa likod niya. He was so occupied by the person in front of us that he let go of my hand easily with just little force from me.

Napatingin ako sa mukha niya at nakita kung gaano ito kaseryoso. His eyes was deadly serious and alert. Dahan dahan naman ako napatingin sa nag patigil sa amin sa pag lalakad. My mouth gaped open, it seems like we're facing Lucifer. Agad kong naramdaman ang hawak ni Raze, hinala niya ako sa gilid niya at sinamaan ng tingin. "You stubborn little brat. Why did you leave my back? Do you know how dangerous he is?" Mariin niyang sabi.

Napalingon ako muli sa lalaking nasa harapan namin. He was looking at us intently, I noticed that one of his eyes were mismatched from the other one. The other one was red, like the color of blood, while the other was pure black, like a black hole ready to suck you alive. I felt a creep inside me when he glared at me. He was like a predator, ready to pounce its prey, and how I hate to say that we're his prey for tonight.

***

Code Where stories live. Discover now