[Chapter:20] (Playing With The Devil)

1.1K 52 7
                                        

[Chapter:20] (Playing With The Devil)

Code

When I walked outside the cafeteria I instantly looked around to find the hooded man I saw earlier following the girl who told us her situation. Nakita ko naman ang anino nito sa kabilang dulo ng hallway, daan ito papunta sa likod ng university.

I followed him with speed and saw him running away. Nag mamadaling hinabol ko ito, walang estudyanteng naka kalat ngayon dahil oras ng klase. Mukhang plinaplano ng lalaking tumakas sa pamamagitan ng pag talon sa pader. Nang makalabas na kami sa likod ng university ay nag tatakbo ito sa mataas na pader ng university.

Tumigil ito at nilingon ako. Kumot ang noo ko ng makitang pamilyar ito. "I warned you, kid, didn't I? I'm warning you again so stop blocking my way. I know you don't want to see a member falling, right?" Pagkasabi nun ay walang kahirap hirap nitong tinalon ang mataas na pader. Kumaway pa ito ng nasa itaas na at tuluyan ng tumakas.

Who exactly did I bump into now?

***

Valeriana

"Don't." Nakailing na pigil sa'kin ni Wolf ng susundan ko sana si Code. Nilingon nito si Jeremy na katabi nito. "You follow him." Mahinang utos nito sa kaibigan at tumango lamang ito at sumunod kay Code na mabibigat ang paang lumabas sa cafeteria.

Tumayo si Wolf at tinignan ng walang buhay yung babaeng humihingi ng tulong sa amin. "Let's discuss this in the club room. We don't need Code in this case, it's just a mere case anyway. I bet we can solve this on our own, besides we're high in number." Kibit balikat nitong sambit at nauna ng lumabas.

Tahimik naman na nag sunuran ang iba. Hinila ko naman ang babae pasunod sa kanila at pipeng sumang ayon kay Wolf. Tama naman siya, kaya namin to ng wala ang bwesit nayun.

Pag dating naman sa club room ay nagulat kami sa nabungaran. Si Code kasama si Jeremy na halatang inaantay ang pag dating namin. Walang buhay na tinignan ni Code ang babae na humihingi ng tulong.

"Care to introduce yourself?" Tanong nito habang pinagdaupdop ang parehong palad.

Pinaupo ko naman ang babae sa harap ni Code na nasa paborito nitong upuan. Tahimik naman kami pumwesto sa mga natirang upuan.

"I-uhm, R-Rian Roxas. I'm in my last year in engineering." Utal nitong sambit.

Inabutan naman siya ni Uydr ng bote ng tubig. "Eto, inumin mo para medyo kumalma ka." Nakangiting sambit ni Uydr. Tumango naman ito at inisang lagok ang tubig.

Binaba nito ang bote sa lamesa. "Can you think of anything why are you being stalk and threaten?" Tanong ni Code rito.

Nag isip naman ito at nag alangan. "Perhaps is it because of your family connection?" Dagdag pa nito.

Huminga ito ng malalim. "Please, don't tell to anyone what I'm about to say." Pagmamakaawa pa nito.

Tumango naman si Code. "Don't worry. We're not that kind of people." Pag uudyok nito. "I think my father forcefully made a deal with a mafia group. He's a nice man to be exact, he's not the kind of person to interact with those kind of people. I over heard that it's all about secretly stealing money to my fathers company. They have a deadline and my father past the deadline without giving anything to them. And I think their boss ordered his minions to kill all of us because of it." Malungkot nitong kwento.

"Paano naman nangyaring nakipag deal siya sa isang mafia?" Takhang tanong ni Uydr.

Nilingon ito ni Rian. "Isa sa mga trabaho ng papa ko ang pag deliver ng droga and maybe he was part of that group. Ngayon ko lang din nalaman na kaya pala masyadong madami ang pera namin ay dahil sa mga droga niyang binebenta sa mga matataas na tao kahit na isa siyang engineer." Malungkot ang ngiti nito at nag simula ng tumulo ang luha nito.

Code Where stories live. Discover now