#Chapter20

362 7 0
                                    

#Chapter20

Belle's POV

Nakangiti ako habang tinitignan ang mag ama ko, busy sa pag aalaga si Voltaire kay Bella, dalawang taon na ito, nakikipag laro ngayon si Voltaire sa anak niya kaysa makipag usap sa mga kapwa niya doctor sa event ngayong gabi.

Birthday party ni baby Bella at invited ang mga kaklase ni Venice at mga mapiling katrabaho ni Voltaire, syempre yung pamilya namin.

"Ang saya nilang tignan no?" naagaw naman ang atensyon ko, nilingon ko si Alice.

Isang taon na ang nakalipas simula nung bumalik siya dito sa Pilipinas, kung hindi siguro ako umuwi dito at tinulongan si Zyryl sa pag hahanap siguro hindi ko ito kasama ngayon.

"Yeah, makikita mo ding ganyan si Zyryl" tinignan ko naman ang umbok niyang tiyan. Ngumiti lang ako at binalik ang tingin kay Alice.

"Kamusta panganganak mo?"

"Walang espesyal kaya wag mo ng alamin."

Pag balik nila ni Zyryl dito sa Pilipinas, agad nilang plinano ang kasal nila, kaya ngayon nag dadalang tao na si Alice sa panganay nila.

"May plano ka pa bang sundan si Bella?"

"Hindi ko alam, depende"

"Wag muna ngayon Belle"

"bakit?"

"There's something wrong around Italy and your father needs you there, alam kong ayaw mo na pero just for the last time, ngayon lang pag bigyan mo muna."

"Alice"

"Alam mong hindi ako pwede ngayon Belle" hinimas niya naman ang tiyan niya, iniwas ko ang paningin ko sakanya, binalik ko na lamang ang paningin ko sa mag ama ko na ngayon nag tatawanan silang tatlo.

"Kung hindi ako buntis, kung hindi ganito ang sitwasyon ko ngayon, hindi ko sasabihin sayo Belle, alam ko namang ayaw mo na, kahit naman kasi umalis ako, hindi ko padin nakakalimutan na kamustahin ang sitwasyon niyo dito, alam kong na buntis ka ni Voltaire, alam ko ding umiiwasan ka sa tatay mo, ayaw mo na ang ginagawa mo noon Belle."

"I respect your desisyon pero nanganganib ang buhay ng tatay mo sa France Belle, even the business there and he needs you, sakin niya sinabi yun dahil alam niyang hindi ka papayag pero wala din akong magawa Belle"

"I just can't leave my family here Alice"

"No you're not leaving them Belle"

"No mas lalong ayokong isama sila doon"

"Sabihin nalang natin na business trip ang pupuntahan mo"

"Let me think Alice ayokong mag desisyon agad agad"

"Okay"

"Mama!" agad naman akong ngumiti nang tumakbo palapit saakin si Venice at si Bella, nakasunod naman sakanila si Voltaire.

"Maiwan na muna kita Belle" paalam no Alice, tumango naman ako bilang sagot, lumuhod ako para mapantayan ko ang mga anak ko.

"Why? may problema ba mga babies ko?"

Agad naman akong niyakap ni Bella, kaya napatawa ako ng mahina, gumaya na din si Venice sa kapatid niya.

"I love you both"

"I love you too mama" sabi ni Venice, hinalikan naman ako ni Bella sa pisnge.

"Mama" bulong naman nito.

"Yes baby?"

"I love you too"

"Hmm pakiss nga" hinalikan ko naman sila sa pisnge dalawa.

Beauty and the Beast ✔Where stories live. Discover now