Chapter 49

4.7K 75 51
                                    

Cloud's POV




Magkahawak kamay kaming pumasok sa bahay.  Nagulat kami dahil nakita namin si chester at ang babaeng kasama ni brie kanina. Nagkatinginan pa kaming dalawa at dahil doon sabay pa kaming napatingin sa kamay nilang mag kahawak.




"Uy! Jenieva ano 'yan?" Takang tanong ni brie.  Kita ko sa mukha nito ang inis.  Teka?! Bakit siya maiinis?




"Ah..  Brie siya..  S-siya ang ama ni J-jeshcka." Nauutal nitong sabi.  Binitawan ni brie ang kamay ko at sinugod si chester at sinapak ito napahiga si chester dahil sa sobrang lakas ng pag kakasapak ni brie dito agad ko naman itong inawat.




"Brie..  Kumalma ka lang alamin muna natin kung anong nangyari!" Sabi ko at hinawakan ito sa braso.



"Brie! Ano ba?! Wag mo naman bigla biglang sinasapak yung tao!" sabi ni jenieva.  Habang tinatayo niya si chester sa pag kahiga nito.




"Sige ipaliwanag mo sa akin ang mga nangyari baka sakaling kumalma ako!" sabi nito.  Nakikita ko sa mukha niya na pinapakalma nya ang sarili niya.





At ipinaliwanag na nga ni jenieva ang lahat. Lumapit muli si brie kay chester. At hinila ito sa malayo at nag usap. Naiwan naman kaming dalawa ni jenieva.




"Ah..  Cloud nga pala asawa ni brie" pagpapakilala ko lumapad naman ang ngiti nito sa akin.  At niyakap ako nag taka naman ako.




"Myghad! Sa wakas may matino ding babaeng minahal ang childhood friend ko! Ako nga pala si jenieva! " sabi nito at humiwalay sa pag kakayakap niya sa akin.




"Alam mo?  Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari kay chester ni wala kasi siyang binabanggit sa akin tungkol sa iyo. " sabi ko dito.  Ngumiti naman ito.



"Dahil isang pag kakamali ang nagawa namin.. By the way mukhang pinag tagpo tayong apat! Ako pinagtagpo sa bestfriend mo samantalang ikaw pinag tagpo sa childhood friend ko tapos yung mga anak natin ipagtatagpo natin HAHAHA" tumawa ito ng malakas at napatawa na rin ako oo nga naman.




"Hoy!  Hoy! Ano yung pinagtagpo tagpo nayan ha?" Sabay singit ni brie. Andiyaan na pala sila di namin napansin.



"Bakit?  Nag kasundo na kami ni cloud na balang araw si jeshcka at si geeroll eh mag papakasal!" Tumingin naman ito ng masama kay jenieva inirapan niya lang ito.



Bumaling naman ito kay chester sinisigurado niya na wala na itong nadagdagan pang galos mula kay brie.
"Hoy! Brie baka sinaktan mo na naman to ah?! Malilintikan ka sa akin" tumingin ng masama ulit si brie kay jenieva.




"Aba talaga malilintikan sa akin yan pag naulit pa yung nangyari! " sabi nito.



"Aba!  Malilintikan ka dinsa akin pag inulit mo pa yung ginawa mo kay cloud" singit naman ni chester.  At the end nag tawanan kaming lahat dahil sa inasal nila.



Papasok na kami ng bahay at nakita namin ang lahat na may kaniya kaniyang ginagawa. Luto doon, ayos doon, linis doon. Napansin naman kami ni mommy air.




"Oh mga anak? Kamusta kayo? Ah mukhang nag kaayos ang mag kabilang panig! Ano ayos na ba? " tanong nito.  Tumango naman kami.


"Maganda iyan!" Ngumiti si mommy ng malapad abot tainga.  Hay kay sarap at kay gaan ng pakiramdam ng ganito wala ng problema.




"Cloud, Brie.. Doon muna kami sa dining room gusto kasi makita ni chester si jeshcka. Enjooooy! "Sabi ni jenieva.  Ngumiti naman kaming dalawa tumingin naman sa akin si brie. 





"Alam ko na! Gusto mong makita ang tatlong bulilit nasa kwarto sila natutulog. Puntahan nstin sila mamaya wag kang excited! " sabi ko at pinisil ang pisngi nito.




"Dagdagan pa natin ng isa gusto ko babae naman" bulong nito.  Tumaas ang mga balahibo ko.  Agad ko naman siyang sinapok.



"Siraulo ka!" Tumawa naman ito.


"Charing lang!" Sabi niya at hinalikan ako sa labi. Wala pa ring pinagbago..



"Ehem!  Tama na yan! Tumulong na kayo dito" sabi ni kuya sun. Napahinto naman kaming dalawa. Nahihiya tuloy ako.




"Okay sabi ko" at nag simula na kaming tulungan sila...




To be continued

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Teacher is My HusbandWhere stories live. Discover now