Chapter 48

1.8K 43 5
                                    

Jenieva's POV


Napatakbo ako palabas ng bahay ng mother in law ni Raimer dahil 'di ko inaakalang makikita ko doon mismo sa lugar na 'yun ang lalaking nakatalik ko ng isang gabi dahil sa di inaasahan.

Kasalukuyan akong napadpad sa isang play ground naririnig ko ang yabag ng kaniyang paa sinundan niya pa pala ako? Bakit? Para saan pa? Para sundan niya pa ako?

"Jenieva wait!" Tawag niya sabay hawak sa braso ko.  Nakikita ko sa mukha niya ang pagod at lungkot.

"Bakit? Bakit mo pa ako sinundan?!" Galit kong sabi sabay bawi sa braso kong hawak niya.

"Gusto kong malaman ang lahat..  Gusto kong malaman kalagayan mo. " sabi niya habang nag hahabol ng hininga.

"Ano bang gusto mong malaman? Wala ka naman dapat malaman eh! Pwede ba? Lumayo ka na! CHESTER! " sabi ko sabay tulak sa kaniya palayo.  Tumalikod na ako at nag lakad palayo sa kaniya pero nagulat ako ng yakapin niya ako patalikod. 


"Please..  Jenieva. Huwag ka ng lumayo hindi mo ba alam na hinanap kita dahil alam kong may anakko. ko sa iyo.  Please wag ka namang ganito" sabi niya.  Umiiyak na ito napaiyak na rin ako para kaming tangang umiiyak sa kalsada. 



Pumiglas ako sa pag kakayap at Humarap sa kaniya
"Huwag maging ganito? SAYO? Matapos ng ginawa mo! Huh?! Hindi mo alam chester..  Sobrang hirap ng pinag daanan ko nung wala ka sa tabi ko nang dahil sayo nag kaletse letse ang buhay ko noon! Tinakwil ako ng mga magulang ko dahil nalaman nilang buntis ako! Pinag chismisan ako ng mga kapitbahay naming impakta! Nang DAHIL SAYO!  Tapos sasabihin mo huwag ako maging ganito sayo?  Bakit alam mo ba ang mga pinag daanan ko? Di ba hindi?!" Hindi ko na kinaya umiiyak na ako. Niyakap niya ulit ako at dahil doon nanghina ako.



"hindi mo alam chester hindi mo alam" pagpapatuloy ko. sinasapak ko ang dibdib niya habang nakayap siya sa akin.  Umiiyak na rin siya.



"Sorry,  pasensya na sa mga nagawa ko patawarin mo ako hindi ko alam ang mga pinag daanan mo.  Pinilit kitang hanapin matapos ang mangyaring yun dahil alam ko na may anak ako sayo ayaw kong lumaki ang anak natin ng walang ama na kinilala. Kaya patawarin mo na sana ako. Pangako babawi ako sa inyo bigyan mo lang ako ng pagkakataon Jenieva" sabi niya hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko sabay hinalikan ako. Napapikit ako kasabay noon ang pag luha ko.  Matapos nun ay nagkatitigan kami.



"Jenieva.. Patawarin mo ako Haaa?  Sa lahat ng mga nagawa ko.  Babawi ako sa maabot ng makakaya ko.  Lahat gagawin ko para sa inyo ng anak natin.  Bigyan mo lang ako ng pag kakataong itama ang lahat ng pag kakamali ko" sabi niya. Alam kong may galit pa rin ako pero matitiis ko ba itong lalaking ito?  Sa harapan ko? 



Niyakap ko siya
"Bibigyan kita ng pag kakataon pero sana sa pag kakataong ito itama mo na ang lahat at sana wag mo ng sayangin" sabi ko. Bumitaw ito sa pag kakayakap ko at hinalikan ulit ako.


"Salamat..  Salamat mahal ko.  Patawarin mo ako ha? Pasensya na sa mga nagawa ko."



"Pinapatawad na kita pero sa isang kondisyon!" Nagtataka itong tumingin sa akin.


"Ano yun?" Taka nitong tanong.



"Tulungan mo ako kay brie na ipakasal si jeshcka kay geroll balang araw! Alam ko kasing di pa yun 100% na sure eh" Nakangiti kong sabi. 


"Aba! Basic" sabi nito at kumindat pa.


"Aba!  Wait wait wait! A minute.  Di pa natatapos doon" sabi ko bigla nanaman itong nag taka.


"Hmm..  Ano pa?" Tanong nito.



"Pakasalan mo ako!" Nakanguso kong sabi. Pinitik niya noo ko. Aray masakit dai ah!



"Huwag kang ngumuso ang pangit!" Aba't! Nanglait pa.



"Aba talaga naman?!  Bahala ka nga diyaan!" Maglalakad na sana ako palayo sa kaniya pero hinawakan niya ng kamay ko.


"Ito naman joke lang kahit di mo na sabihin papakasalan pa rin kita pero sa isang kondisyon din." Sabi niya ngumiti ito ng malapad.


"Ano yun? " tanong ko.




"Hmm.. Gawa tayo baby bago ikasal" biglang nag init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.



"CHEEEESTEEEEER!" Sigaw ko dito.  Bigla itong tumakbo palayo sa akin. Hay naku ano kaya maging klaseng tatay ito sa mga anak namin?.



Bumalik ito sa kintatayuan ko.
"Charot lang! Tara na bumalik na tayo doon for sure hinahanap na tayo doon" hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta sa bahay ni cloud.


To be continued..





Note: I will promise that tomorrow there will be another chapter.  Enjoy reading 💓

My Teacher is My HusbandWhere stories live. Discover now