Chapter 46: THE OPPONENT

Start from the beginning
                                    

“I want a girl pero mukhang malakas talaga ang genes mo…” so kaya ganun ang reaction nya kanina.

Dapat malaman ito ni Eiji para mainggit sya at magpakasal na din sila ni Christine at magka-anak. Syempre, dapat may kalaro na ang anak ko paglabas nya.

Binuksan ko ang pinto para sabihin sa kanya ang good news pero wala sya sa couch kung saan kami nakaupo kanina.

Saan nagpunta yun?

THIRD PERSON POV

Itinabi ni Eiji ang newspaper na binabasa nito, nang tumayo si Klio ay tumayo na din ito at naglakad papalayo. Pumayag syang sumama kay Klio dahil naririndi din sya sa ingay nila Pierre at Noah sa headquarter pero hindi nya inaasahan na mas lalong sasakit ang ulo nya ngayong kasama si Klio.

Hinanap nya kung nasaan ang canteen sa hospital para bumili ng kape ng mapatigil sya ng maaninag ang isang pamilya na tao.

Si Skyler Jickain.

Ilang oras na din ang nakakalipas simula ng operahan sina Pamela at Danica. After the operation, dinala sa ICU ang dalawa dahil hindi pa ganun kaganda ang kondisyon. Kinausap ni Skye ang pulis at media para itago ang pangyayaring to since parehong mula sa kilalang pamilya ang Montenegro at Villanueva.

Hindi napansin ni Skye ang presensya ni Eiji sa likod nito pero hindi na din naman interesado si Eiji na alamin pa ang nangyari lalo na at ayaw na nyang magkaroon ng koneksyon sa iba lalo na sa Helena Gang.

Tumalikod sya at nakita si Prime na nakatingin sa kanya at mukhang katatapos lang nitong makipag usap sa phone.

PRIME POV

Sinisira nya ang plano ko.

Agad kong ibinaba ang cp ko after mag-report ng isa sa mga tauhan ko tungkol kay Scorpio.

Sinabi ko na wag muna syang magpapakita sa lahat pero imposible yata talagang makontrol ang isang Apostle, lalo na ang isang yun. Mali yata ang desisyon ko na sabihin sa kanya na si Lyra at Bloody Maria ay iisa.

Dahil sa pagkaka-coma nya, kahit papaano natigil ang paggamit nya ng drugs at na-neutralize na ito sa katawan nya. Medyo nahirapan lang kami dahil sa naputol nyang isang kamay at paa.

Kahit papaano nagawan naman ng paraan ito pero dahil din doon, hindi na sya makakakilos katulad ng dati.

Pabalik na ako sa mga kasama ko ng mapatigil ako sa paglalakad. Sa harapan ko, nakatayo ang isang lalaki at based sa figure nya, sigurado ako.

It’s Eiji Kawaguchi of Death Monarch Gang.

Pinagmasdan ko sya at nakatingin sya kay Skye na katatapos lang kausapin ang media at press. Tumalikod na si Eiji sa kanya dahilan para magkaharap kaming dalawa.

Apostle Thirteen: The Return of the QueenWhere stories live. Discover now