Yujin

454 22 12
                                    

Kim Minju
• active now

Yujin:
Ate?

Yujin:
Hi...

Minju:
Nakikilala mo pa pala ako.

Yujin:
Galit ka ba? Sorry na.

Minju:
Nakakainis ka naman!

Yujin:
Huwag ka na magalit, please.

Yujin:
Oo nga pala, tingin ka sa bintana.

Minju:
Ginagawa mo diyan?

Yujin:
Usap tayo.

Minju:
Bakit?

Yujin:
Ayaw mo? 🤧

Minju:
Wait pababa na ako.

...

Kumakabog pa rin ng malakas ang puso ko tuwing nandyan si Minju, hindi ko pa rin maiwasang kiligin kapag ganito siya kalapit sa akin kaso kailangan ko ng umatras at magparaya.

"Himala naman at kinausap mo na ako." Bakas ang pagtatampo sa boses niya. Napakagat naman ako sa labi ko saka bumulong ng sorry. Tinitigan niya lang naman ako.

"Sorry po, ate. Pinoprotektahan ko lang ang puso ko sa pagkasawi sayo." Ibinulong ko ang mga salitang iyon dahil ayaw kong maging garalgal ang boses ko sa harap niya.

"Nakakainis ka, ghoster." Sagot niya sa akin, natigilan naman ako ng yakapin niya ako. Maya-maya ay nakarinig ako ng mahinang paghikbi. Hinaplos ko naman ang likod niya at pinatahan siya.

"Huwag mo ng uulitin yung ganito! Kung iiwan mo ako, magpaalam ka." Tumango naman ako, kaya nga ako nandito sa harapan niya ngayon.

"Cute mo talaga, ate. Kaya crush na crush kita." Inirapan niya ako pero bakas yung pagkapula ng pisngi niya.

"Huwag mo akong inuuto!" Umiling naman ako saka ngumiti.

"Unang kita ko sayo noong orientation sa school ay hindi ka na nawala sa isip ko. Sobrang ganda mo kaya gumawa ako ng paraan para hanapin ka. Good thing maraming source yung mga kaibigan ko. Isang sem rin akong tumitingin lang sayo mabuti na lang naging jowa ni Yuna yung kaibigan mo kaya sabi ko, paparamdam na rin ako sayo at hindi ako titigil hangga't hindi mo napansin and heto ngayon, kausap na kita. Parang isang panaginip pa rin ang la-." Nanlaki naman yung mata ko ng sampalin niya ako.

"Ate?!"

"Oh diba, hindi panaginip. Kaya umayos ka. Huwag ka na ulit magda-drama ng ganun." Tumango naman ako at ngumiti pero syempre, mapait na ngiti yun dahil kailangan kong lumayo, kailangan kong i-save yung puso ko.

Niyaya ko naman siya sa ice cream store na malapit sa bahay nila, tapos tumambay kami sa may swing. Nakinig ako sa mga kwento niya, nakinig ako sa mga tawa niya. Tinitigan ko siya sa huling pagkakataon.

"Bakit mo nga pala ako iniwasan? Anung problema mo?" Tinitigan niya ako, gusto kong matunaw tapos umiyak.

"Isinasalba ko yung sarili ko." Tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Saan?"

"Sa sakit."

"Hindi kita maintindihan, nilamig ba yung ulo mo?"

"You and Chaewon, May relasyon kayo diba?" Nanlaki ang mata nito. Ipinaliwanag ko naman yung mga nakita ko.

"Masaya ka sa kanya?" Tumango naman ito.

Pagak akong tumawa "tapos crush na crush, no scratch that. Mahal kita kaya ang sakit-sakit, kasi may nagpapasaya na pala sayo."

"Yuj. Special ka naman sa akin. You also make me happy."

"But not the way she can make you happy, ayaw ko ng umasa na you will love me back. Ayaw ko rin na humantong ako sa mga selfish decision ko soon dahil naga-assume ako sa closeness natin, kaya pwede ba Minju..." Tinitigan ko siya.

"Hayaan mong mahalin kita sa malayo." Hinawakan naman ni Minju ang kamay ko. Mapait akong ngumiti, pigil ang pagluha.

"Yujin."

Salamat Minju sa maikling panahon pero alam kong hindi hihilom ang puso ko kapag patuloy akong lumalapit sayo. I need to distance from you to heal myself and accept na hanggang kaibigan mo lang ako.

3 Shots Of Jin (Jinjoo|Ryeji|2Jin)Where stories live. Discover now