Minju

463 20 0
                                    

Lumipas pa ang ilang linggo na pag-iwas ni Yujin sa akin, hindi na rin siya madalas magChat. Tuwing magkikita naman kami sa school ay ngi-ngiti lang siya sa akin pero hindi niya ako kakausapin. Nakakabaliw, hindi ko alam kung anung nangyari sa amin, na kung bakit sa isang iglap ay bigla ulit kaming bumalik sa pagiging estranghero naminnat ang masama doon ay wala naman akong maalala na dahilan o ginawa ko para ganituhin niya ako.

"Sizt, malungkot ka naman." Bati ni Heejin sa akin. Napabuntong hininga naman ako.

"Si Yujin na naman ba? Sabi naman sayo nagsawa na yung bata." Dagdag ni Ryeong, sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bakit kaya hindi ko kausapin?" Suhestiyon ni Hyewon, basta talaga may hawak na pagkain ay kakaiba ito mag-isip.

"Gustuhin ko man ay hindi niya naman ako sinasagot ng maayos kaya wala ring kwenta."

"Ay naalala ko, kasama pala namin yun nung nag-date kami ni Yuna." Bigla ay naging interesado ako. Kasi naman, miss ko na talaga yung aso na yun. Sa konting panahon na naging close kami ay ibang saya rin yung binigay niya sa akin.

"Anung nangyari?"

"Wala, di ko alam kasi naglalandian kami ni Yuna." Gusto kong batukan si Ryeong. Tatawa tawa naman ito.

"Miss mo na? Tinamaan ka na ba dun?" Pang-aasar niya. Nagkibit balikat naman ako. Hindi ko alam, basta ang alam ko lang. Gusto kong bumalik kami sa mga araw kung saan ginugulo niya ako. Sa mga panahon na hindi niya ako nilulubayan.

"Ay dapat alam mo, hindi mo naman hahanapin ang tao kung hindi espesyal." Dagdag ni Heejin. Hindi ko talaga alam ang sagot, malinaw naman na mahal ko si Chaewon pero itong lungkot ko dahil kay Yujin ay hindi ko maintindihan. Ayaw ko ng isipin rin dahil sumasakit ulo ko.

"Pwede bang as friend!"

"Hindi mo naman kami hinahanap ng ganyan." Sambit ni Hyewon saka inirapan.

"Kasi nakakaumay na kayo!" Nagpaalam na akong umuwi, dumaan muna ako sa klase ni Yujin para silipin siya pero walang tao roon. Napabuntong hininga naman ako.

Hanggang kailan ka ba lalayo sa akin, Yujin? Baka pwedeng ipaliwanag mo kung bakit bago mo ako iwan sa ere.

3 Shots Of Jin (Jinjoo|Ryeji|2Jin)Where stories live. Discover now