Minju

482 20 7
                                    

"Hala ang cute naman niya."

"Pwede ko ba siyang iuwi!"

Nagkakagulo yung mga kaklase ko sa bintana. Wala akong balak makigulo dahil masikip pero hinila ako ni Hyewon na may mapang-asar na tingin sa akin.

"Anung meron?" Takang tanong ko.

"Silipin mo dali." Sambit ni Chaeryeong. Doon ay natagpuan ko si Yujin na nakatayo sa harap ng building namin na nakasuot ng frog na onesie habang may nakasabit na "Sorry na po." placard sa leeg niya. Napasapo naman ako sa noo ko dahil kung anu-ano talagang kahihiyan ang ginagawa ng batang 'to.

"Hindi mo pupuntahan? Nagkakagulo na ang lahat." Tanong ni Heejin sa akin. Umiling naman ako. Kahihiyan niya yun kaya bakit kailangan kong makialam?

"Ang tindi naman ng tampo mo, hindi ka ba naawa na napapahiya na siya para lang masuyo ka?" Ani ni Hyewon.

"Sinabi ko bang suyuin ako?"

"Ang sungit naman, meron ka ba ngayon?" Inirapan ko naman yung tatlo na naghihintay sa sagot ko.

"Hala, pinulot na nung guard yung freshman!" Napalingon naman ako sa kaklase kong nagsabi nun.

"Lagot ka! Kasalanan mo rin yan, Minguri." Bulong ni Heejin. Napabuntong hininga naman ako saka nagmamadaling bumaba.

"Teka lang po!" Sigaw ko dun sa guard na bitbit si Yujin. Parehas silang napatingin sa akin, hindi ko naman alam kung anung ipapalusot ko.

"Ah eh, Kuya pwede po bang bitawan niyo siya? Dare lang po namin yan." Tinitigan naman ako nito ng masama dahilan para mapalunok ako. Maya-maya ay binitawan niya ito.

"Sa susunod ay ayos-ayusin niyo ang mga ginagawa niyo. Mga kabataan talaga ngayon." Pag-alis ni kuyang guard ay umiiyak akong niyakap ni Yujin. Nagulat naman ako dahil para siyang bata na nahiwalay sa nanay niya.

"Bakit ka umiiyak?" Pinunasan niya yung sipon niya.

"Akala ko made-detention na ako, thank you." Pinitik ko naman yung noo niya saka pinagsabihan ito.

"Bumalik ka na sa klase mo and please huwag ka ng gagawa ng kaguluhan." Akmang aalis na ako nang hawakan niya yung uniform ko.

"Bakit?"

"Bati na ba tayo? Sorry hindi ko talaga sinasadya yun. Sabi mo kasi favorite mo yung palaka kaya kita binigyan nun." Napailing naman ako dahil ang weird talaga ng pag-iisip ni Yujin kung minsan.

"Oo, bati na tayo basta huwag ka na ulit gagawa na ganito. Gets?"

"Opo, gets!" Sobrang lawak ng ngiti niya habang kumakaway pa sa akin. Napailing naman ako.

Parang bata talaga.

...

Ahn Yujin
• active now

Yujin:
Ate thank you po!

Minju:
Oo na, basta yung paalala ko sayo.


Yujin:
Opo, teka may tanong po ako.

Minju:
Hmm?

Yujin:
Friends na po ba tayo?

Minju:
Okay fine pero hanggang friends lang.


Yujin:
Okay lang, dyan naman nagsisimula ang lahat, sa pagiging friends. 🤭

Minju:
Sabi mo e.


Yujin:
🤭

...

Hanggang friends lang kasi may Chaewon na ako.

3 Shots Of Jin (Jinjoo|Ryeji|2Jin)Where stories live. Discover now