Minju

425 18 0
                                    

"Balita ko lumabas kayo ni Yujin kahapon." Iyon ang bungad ni Hyewon sa akin habang may hawak siyang pagkain, sasagot sana ako nang sumulpot naman si Chaeryeong.

"Pumapatol ka na ba sa kiddie meal? Sabi naman sayo worth it maging jowa yung mga yun."

"Gusto ko kasi mag-breakfast kahapon tapos wala akong kasama dahil late kayo kaya niyaya ko siya." Paliwanag ko. Nagtitinginan lang naman silang tatlo na may ngisi sa labi.

"Sige sabi mo, basta ang payo ko lang sayo. Huwag kang magpapaasa dahil kitang kita ko, namin na gustong gusto ka niyang si Yujin. Huwag mo sanang bigyan ng false hope." Paala ni Heejin. Napatango naman ako dahil malinaw ko naman na sinasabi kay Yujin na friends lang kaming dalawa.

Inaasar-asar pa nila ako pero I excused myself dahil I received text from Chaewon na gusto niyang makipagkita sa akin.

"Saan ka pupunta, hindi ka sasabay sa amin pauwi?" Tanong ni Chaeryeong. Umiling naman ako saka nagpalusot.

"May kikitain ka lang ata, si Yujin ba?" Tanong ni Hyewon. Nagsinungaling na lang ako para matigil na sila.

"Ingat si Yujin sayo." Bulong ni Heejin bago sila umalis. Napailing naman ako.

...

Pumunta ako sa parking lot, nandun kasi naghihintay si Chaewon sa akin. Naabutan ko siyang nakaupo tapos naglalaro ng phone niya sa may tabi.

"Chae." Mahina kong tawag sa kanya dahilan para mapalingon ito. Sumilay ang ngiti sa labi niya tapos lumapit ito para yakapin ako.

"Namimiss kita, Min." Mahinang bulong niya. Tumango naman ako saka hinalikan siya sa pisngi.

"Ikaw naman kasi, lagi kang busy." Nakangusong reklamo ko. Napangiti naman siya.

"Sorry na, babawi ako sayo. Let's have a date today." Gusto ko sanang tumanggi dahil magre-review ako para sa exam namin kaso ito lang yung time na magkakasama kaming dalawa.

"May problema ba?" Umiling naman ako saka ngumiti. Hinawakan niya yung kamay ko saka kami pumunta sa kotse niya.

...

It's Minju and Chaewon time.

3 Shots Of Jin (Jinjoo|Ryeji|2Jin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon