Minju

681 20 15
                                    

Maru(Pok²)
• active now


Chaeryeong:
Ang haba-haba naman ng hair ng isa dyan.

Hyewon:
Ay sizt, ingat baka maapakan mo!

Heejin:
Patay malisya lang tayo dyan @Kim Minju?

Minju:
Nakikinig ako, huwag kayong maingay.


Hyewon:
Huwag na tayong magpanggap, hindi talaga natin ma-gets yung calculus.

Chaeryeong:
Ang tignan mo ay yung nag-aabang sayo sa labas. May pa-Mcdo naman pala.

Minju:
Wala akong pakialam.

Heejin:
Hanggang ngayon? Isang buwan na yang nanliligaw sayo diba?

Minju:
Hindi ako pumapatol sa bata.


Hyewon:
Ehem Ryeong, ilag ka ng konti.

Chaeryeong:
Hoy, panglaman tiyan din yung mga kiddie meal at saka para ka kayang may alagang baby 🤭

Heejin:
Patol na patol si Ryeong, inuuto mo lang naman si Yuna.

Chaeryeong:
Hoy, mahal ko yun. Kaya ikaw Minju, try mo na din yang si Yujin. Ma-effort naman at higit sa lahat cute.

Minju:
Mukha siyang aso.


Hyewon:
Na pumapatol sa palakang katulad mo, grab the chance sis baka mawala pa.

Heejin:
Huwag niyo ngang pilitin si Minju, hindi pinipilit ang love.

Minju:
Ayan, makinig kayo kay Heejin! Mga bugaw ng bata.

Chaeryeong:
Ayan! Makinig ka kay Heejin para parehas kayong single. 🙄

Minju:
Hindi ako single! Nanliligaw si Chaewon sa akin.

Hyewon:
Sizt lahat nililigawan nun!

Minju:
Tsismis lang yun!


Heejin:
Nag-iikot na si Ma'am, itago niyo phone niyo!

Jeon Heejin logged out

Lee Chaeryeong logged out

Kang Hyewon logged out

.....

"Hi ate." Nakangiting bati ni Yujin sa akin saka inabot yung bitbit niya. Ibinalik ko naman yun sa kanya dahilan para sumimangot siya. Yujin got the height and appeal, ni hindi nga siya mukhang freshman kaso ugaling bata. Ayaw ko nun, gusto ko yung matured na kagaya ko para naha-handle yung relationship namin.

"Hindi ba sinabi ko sayo tigilan mo na ako." Napalunok naman si Yujin saka napahawak sa batok niya.

"Hindi ko yun narinig, ang lakas ng tibok ng puso ko kahapon sa sobrang kagandahan mo." Napabuntong hininga naman ako, minsan ay nagugulat pa rin ako sa mga banat nito.

"Yujin, I'm so-" Hindi naman na niya ako napatapos dahil tumakbo na siya palayo. Naguguluhan ko siyang tinanaw hanggang sa tinapik ako ni Chaeryeong.

"Hala ka, sinaktan mo yung puso ng bata."

"Wala pa nga akong sinasabi!" Giit ko.

"Grabe, grabe." Dagdag pa ni Hyewon. Sasagot pa sana ako nang kinalabit ako ni Yeji, doon ay nakita ko si Chaewon na nakangiti at kumakaway.

"Playgirl, hmp." Bulong ni Hyewon, inirapan ko naman siya saka nagpaalam sa kanila. Kinikilig akong lumapit kay Chaewon, ang swerte ko talaga na naging girlfriend ko 'tong crush ko. Well, secret relationship lang muna kami pero I know soon na ipapakilala niya rin ako sa lahat. Hindi dapat tinatago 'tong kagandahan ko!

"Anung meron?" Tanong niya habang nakaakbay sa akin, umiling naman ako saka nagpa-cute.

"Inaasar lang nila pero huwag mo na yun intindihin." Tumango naman siya saka hinawakan yung kamay ko. Namumula akong napatingin sa kanya pero agad rin na sumagi sa isip ko si Yujin.

Okay lang kaya ung aso na yun?

...

3 Shots Of Jin (Jinjoo|Ryeji|2Jin)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz