Minju

423 21 0
                                    

Ahn Yujin
• active now

Yujin:
Hi ate good morning.

Minju:
Yuj! Morning.

Yujin:
Have a great day.

Minju:
Hala ang formal mo naman. Bakit?
(Seen)

7:45 am

Yujin:
Morning po.

Minju:
Bakit hindi ka nagreply kahapon?

Yujin:
May klase na po kasi ako.

Minju typing...

Yujin:
Bye na po. Ingat ka palagi.

7:30 am

Yujin:
Don't forget to smile. Have a great day.

Minju:
Every morning ka na lang nagCha-chat sa akin.

Yujin:
Nagpapamiss lang po sayo

Minju:
Kakainis ka naman! Kain tayo mamaya after ng uwian?

Yujin:
Sorry ate, marami akong assignment.

Minju:
Ganun 🤧

...

"Oh bakit ka nakanguso?" Pansin ni Heejin sa akin. Napabuntong hininga naman ako.

"Si Yujin kasi."

"Speaking of Yujin, hindi ko na nakikita yun na dumadaan dito. Samantalang dati parang tanga yun na sumisilip dito sa room. Anung nangyari?" Nagkibit balikat naman ako dahil kahit ako hindi ko alam kung anung dahilan. Dati-rati ay oras-oras yun kung magChat sa akin pero ngayon tuwing umaga na lang, ang hilig na rin mang-seen.

"Inaway mo ba?" Umiling naman ako dahil maayos yung huli naming pagkikita.

"Ah baka sawa na sayo." Paglingon ko ay si Chaeryeong iyon. Kinunutan ko naman siya.

"Nagsawa na sayo. Alam mo naman mga bata." Nakatanggap naman siya ng batok mula kay Hyewon.

"Baka busy lang talaga, alam mo naman na hell week din nila." Nakangiting sabi nito. Tipid naman akong ngumiti.

"Miss mo na?" Tudyo ni Heejin.

"Oo. Syempre walang kumukulit sa akin."

"Miss ka ba? Char." Bulalas ni Chaeryeong. Tinapik nila ako sa balikat saka kami bumalik sa upuan.

...

"Yujin!" Sigaw ko noong makita ko siya sa may cafeteria pero hindi niya ako tinignan. Alam kong narinig niya ako dahil siniko siya ni Ryujin saka binulungan. Tatawagin ko sana ulit siya pero lumabas na 'to.

"Oy anyare sayo?" Tanong ni Hyewon na bitbit yung pagkain na in-order niya.

"Si Yujin, hindi ako pinansin."

"Tingin ng sad face." Sinamaan ko siya ng tingin. Ngumisi lang 'to saka naupo sa harap ko.

"Baka nga sawa na sayo. Paasa ka kasi."

"Paano naman ako naging paasa?!"

"Ewan. Ikaw lang makakasagot niyan. Oh siya kain na tayo nagugutom na ako."

"Lagi ka namang gutom." Bulong ko saka tinitigan yung pagkain. Hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari.

NagGo-Good morning pero nangsi-seen. Binabati pero di tumitingin. Anung nangyayari sayo, Yujin?

3 Shots Of Jin (Jinjoo|Ryeji|2Jin)Where stories live. Discover now