Chapter 14 Dinner

1.2K 38 3
                                    

YUNA's POV

Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto ng kumag na ito. Grabe napaka gentleman nya ha. Bakit pa kasi kailangan ko dito sumabay eh. 

At talagang ang bilis nya magpatakbo ng kotse kala mo nakikipagkarera. Hayst, Ito na talaga ang una at huling beses akong sasakay sa kotse nya. 

"Bakit ang tahimik mo?" Tanong sa akin ni Kaein. 

Ano ba paki nito kung tahimik ako gusto ko na talagang bumaba ng kotse. Kapag naiisip ko yun sinabi nya sa akin naiirita talaga ako. (>,<)

At talagang mas pinabilis nya ang takbo nya. 

"Hoy! Nagpapakamatay ka ba?" Sabay kapit ko sa aking seatbelt. 

"Eh di nagsalita ka ngayon." At talagang nang-aasar ang lalaking ito.

"Ano ba problema mo?" Tanung ko sa kanya. 

"Ikaw ano problema mo?" Hay naku eto na naman tayo. Nakakainis! Eh ikaw kaya ang dahilan kung bakit ako ganito. Pagtapos mo sabihin na may gusto ka sa akin bigla mo babawiin. (Hay naku #PAASA) 

"Alam mo sa lahat ng babae nakilala ko ikaw ang pinakakakaiba."

Compliment ba yan o asar?? "Kakaiba? Kung kakaiba pala ako eh di wag mo na ako kausapin."

Buti na lang nakarating na rin kami sa bahay kaya agad akong bumaba. Agad akong pumunta sa kotse ni kuya. 

KAEIN'S POV

Kaasar at talagang hinampas nya ang pinto ng kotse ko. Hindi ba nya alam na mas mahal pa yan sa buhay nya. Ang mas nakakairita hindi ko alam bakit ganun lang ang galit nya sa akin. Ano na naman  ba ang ginawa ko. Pagkapark ko sa kotse ko ay pinuntahan ko na ang grupo. 

"Kamusta ang joyride," nagsisimula na naman si G.

"Baka Hell ride!" Sagot ko sa kanya.  


Napatinging ako kina Dylan at Lief. Mukhang may pinag-uusapan silang importante. 

"O ano pa ginagawa nyo jan pumasok na kayo para makakain na tayo." Tawag ni Hiiro 

Yuna's POV


Dumiretso muna kami nina Venice, Miku at Bella sa kwarto ko. 

"Oh guys gusto nyo ba magbihis? May mga extrang damit dito. Para makapaligo na rin kayo."

"Eto raw si Miku gusto mag shower para magising sa katotohanan."  Talaga etong si Venice. 

"Baka ikaw ang kailangan ng shower Venice. May kiss mark ka pa sa leeg mo oh." Banat ni Miku.

BLACK HEIRS (Girls vs Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon