Chapter 11

1.1K 29 2
                                    

Eto na po. Sorry kung natagalan :)

Miku's POV

Monday morning yet ang lungkot lungkot ko. Mula kasi nung friday hindi na kami kinausap ni Yuna. Maaga ako umalis sa dorm para makapag laro ako ng archery.  Sa umaga ko lang kasi pwede magamit yun lugar kasi laging nagpapractice ang archery club dun pag hapon.

As usual ako pa lang ang tao doon. Pinapayagan naman ng members ng club gamitin yun place nila sa iba r. Unang tira ko..........hayst.............sablay.

Pangalawang tira.....ayun medjo malapit na sa gitna. -_- Ano ba yan. Mukha mali yata na nagpractice pa ako.

Pagkabuntong hininga ko nakarinig ako ng boses sa may likod ko. 

"Mukhang may problema ka ah?"

Si Lief ng EF!!! Kanina pa kaya sya nakatingin sa akin? Hala baka kanina pa nya pinagmamasdan.. Yun mga semplang kong tira. >.< Nakakahiya naman.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya na may halong pagkamalungkot. 

"Bawal na ba ako pumunta sa lugar na ito?" Binigyan nya ako ng isang maliit pero sincere na ngiti. 

"Hindi naman. Nagtataka lang ako bakit ka nandito. Ngayon lang kasi kita nakita dito." Sagot ko sa kanya habang bumunot ako ng palaso.

"Wala lang gusto ko lang magpractice ng konti bago pumasok." (so maalam rin sya) pumwesto sya sa kanang ko at naghahanda na rin tumira. 

Una ako tumira at medjo malapit sa gitna ang tira ko. Tapos pinanuod ko sya tumira. Ang galing nya..unang tira nya bull's eye na. 

Hay nako mas lalo yata ako naiinis eh. Hmph! 

"By the way kamusta na pala kayo ni Yuna?"

"Ano bang paki mo?" pagmamataray ko nga sa kanya. 

This time tiningnan ko na lang muna sya tumira at shoot ang astig lang kasi bull's eye ulit ang tira nya. 

Pagkatira nya lumingon sya sa akin, "sa palagay ko maiintindihan ni cinderella yun ginawa nyo kaya wag mo masyado isipin."


Bakit ang bait bait nya? Last friday tinulungan pa nya ako punasan yun damit ko and this time he's giving me advice. Weird lang o.o

Hindi na ako sumagot at inimpake ko na yun gamit ko. Magshoshower pa kasi ako ulit bago pumasok. 

"Your name is Miku right?" 

Napatigil ako sa paglalakad at biglang lumingon sa kanya. 

"How did you know?" Hala baka isinama na nila ako sa black list nila.. lagot na paano na ang future ko. 

BLACK HEIRS (Girls vs Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon