Chapter 8

1.2K 32 1
                                    

Yuna's POV 

Friday na at hindi pa nareresolve ang problemang ginawa ng mokong na yun at ng mga kaibigan nya. 

Maaga ako umalis ng bahay namin para puntahan ang faculty at pakiusapan sila about it. Hindi na nga ako nakapag paalam kay kuya kasi tulog pa. Kaninang three am lang siya nakauwi at amoy alak.

Dumiretso ako ng fifth floor......

May tumawag sa akin  "Yuna!" 

Paglingon ko sa kanan ko si Ma'am Cheska pala yun.

"Good morning ma'am," ang bati ko naman sa kanya.

"I heard the bad news at hindi ako makapaniwala magagawa nila yun but don't worry tutulungan ko kayo." HInawakan ko ang dalawang kamay ni ma'am at lumiwanag ang mukha ko. Buti na lang mabait si ma'am.

"Thank you ma'am pero sino po ba dapat natin kausapin about jan?" Tanong ko naman sa kanya habang hawak ko pa ang dalawang kamay nya.

"Sa palagay ko si sir Kyle. Siya kasi ang may hawak ng sports committee."  Hinila ni ma'am ang ang kamay ko at dinala ako sa isang cubicle. 

Kumatok muna siya at tinawag ang pangalan ni Sir Kyle. "Excuse me sir Kyle pwede a namin ikaw maistorbo?"

"Ma'am Cheska? Sure please take a seat." Tugon naman nito. 

"By the way this is Yuna estudyante ko sya." Pagpapakilala sa akin ni Ma'am Cheska. "Yuna this is sir Kyle. Sya ang head ng sports committee at ang adviser ng 3C." 

"Good morning sir I'm Yuna Minamoto."  Nagbow ako sa kanya. 

"Ah kapatid mo si HIiro?" Nabigla yata sya na may kapatid ang kuya ko. 

"Yes sir." I give him a big smile. 

"I see. By the way bakit pala kayo nandito?"

"I'll get to the point sir. Siguro nabalitaan nyo yun nangyari s first year. Hindi po kami makakasali sa sport fest." Malungkot kong sinambit sa kanya habang nakaupo ako. 

"Nakarating na rin sa akin ang balitang yan. Actually balak ko nga iconfirm yan kay Kaein mamaya." Seryosong sabi nya sa amin. 

"Sir baka naman po pwede natin gawan ng paraan. Nakakaawa naman ang freshman plus napagdidiskitahan si Yuna dahil sa issue na yan." Sambit naman ni Ma'am Cheska. 

"I'll do my best para matulungan kayo gusto ko rin naman makasali ang freshman sa sport fest." He gave us a face of assurance. Hayst buti pa si sir Kyle maasahan. Hindi katulad ng ibang teachers. 

BLACK HEIRS (Girls vs Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon