“Just accept the fact that he wouldn’t love you,” sabi ni mom. How can I do that? Napabuntong-hininga ako dahil sa wala na ako maisip. “Dalaga na nga ang anak ko. Naiinlove na,” biro ni mom. Pero napagaan niya ang loob ko.

“Mom! Stop bullying me!” natatawa na sabi ko.

“What is the name of the lucky guy?” tanong ni mom sa akin.

“You don’t have to know, mom” sabi ko.

“I need to know. Para naman malaman ko, kung sino ang lalaking kinababaliwan ng aking magandang anak,” buyo ni mom sa akin. Natawa naman ako sa kanya.

“His name is Tyler Buenavista,” sabi ko. Ilang segundong hindi nakasagot si mom. “Mom? Are you still there?”

“Ahhh. Yes, baby. I need to go. Your grandma is calling me,” sabi ni mom.

“Okay. I love you mom.”

“I love you too, baby.”

Binaba na ni mom ang phone. Nawirduahan naman ako sa inasal ni mom. Pero ang importante, gumanaan na ang pakiramdam ko. Tama si mom, when your inlove, you have to take risks. At tama din si mom na hindi lahat ng gusto ko, makukuha ko. Pumasok ako sa banyo at naligo. Nag-ayos ako ng sarili dahil hindi ko naman nakakalimutan na may pangako ako kay Carlo. Kailangan ko ng maghanda ng dinner.

Lumabas ako ng sala at nakita ko si Anica na kinakagat ang kuko niya habang palakad-lakad naman si Sandra. Si Katty naman ay nakaupo at parang may iniisip. Nakita nila ako. Nilapitan nila ako at sinuri.

“Okay ka na ba?” tanong ni Anica sa akin.

“Yeah,” nakangiting sagot ko.

Hindi pa rin sila kumbinsido sa sinabi ko.

“Girls, I’m okay.” Nakangiting anas ko.

“Pa’no?” tanong ni Sandra.

“I talked with my mom,” sabi ko sa kanila. “You know what guys, you were right. If he doesn’t like me, I don’t care anymore. The right guy, is just waiting,” nakangiting sabi ko.

Napangiti sila sa akin at saka nila ako niyakap na tatlo. Nagpunta ako sa kusina at nagluto ako. Paborito nila ang adobo kaya pinagluto ko sila no’n. Ang sabi kasi ni mom sa akin, bata palang ako gustong-gusto ko nang nagluluto. Nage-enjoy nilang kainin ang mga niluluto ko dahil masarap akong magluto. Tinulungan din ako ng isa sa aking kasambahay dito sa kusina.

Pumunta sa kusina ang tatlo at nakikita kong ngumunguso sila. Inaamoy nila ang niluto ko.

“Grabe! Ang sarap ng amoy!” anas ni Sandra sa akin.

“Syempre, si CC ang nagluto.” Sabay tikim niya pero pinalo ko ang kamay niya. Napalabi naman siya sa akin.

“Mamaya na,” anas ko.

Inihanda na ng aking mga kasambahay ang mga niluto ko. Mabuti nalang at kasya sila sa mahaba naming mesa sa dining room. Sana magustuhan nina Carlo ang luto ko. Nagpunta kami sa sala para hintayin nalang sina Carlo doon. Umupo sila at mataman nila akong tiningnan.

“Bakit?” tanong ko.

Bumuntong-hininga sila.

“Ate CC, okay ka lang po talaga?” tanong ni Katty sa akin.

Ngumiti ako sa kanila at sinabing, “Oo. Okay lang ako.”

“Hindi pa rin ako kumbinsido,” anas ni Anica sa akin.

“Ano bang dapat kong sabihin para maging kumbinsido kayo?” tanong ko.

“Alam namin ang nakita mo kanina. Pero anong nangyari sa’yo?” tanong ni Anica.

Actually, ayoko na pag-usapan pa. Pero mga kaibigan ko sila at alam kong gusto lang nila akong tulungan.

“Nakita ko si Tyler na kasama si Dhine,” anas ko.

“Lagi naman nakadikit sa kanya yung baklang ‘yon eh!” anas ni Sandra.

“I know. Pero may iba,” anas ko. Naiiyak na naman ako, ngayong naalala ko.

“Anong iba?” tanong nilang tatlo.

“Sinakay ni Tyler si Dhine sa kotse niya,” anas ko. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko.

“Parang sinakay lang eh. Umiyak ka dahil do’n?” tanong ni Anica.

Tumango at namuo na naman ang luha sa mga mata ko. Madali ko na itong pinunasan.

“Ano bang dahilan mo Cyril Cruz?” malumanay na tanong ni Sandra sa akin.

“May sinabi sa akin si Tyler noon,” panimula ko. Halos mapiyok na ako dahil nagpipigil ako ng iyak.

“Anong sinabi niya po ate CC?” tanong ni Katty.

“Ayaw niya akong isakay sa kotse niya noon pa. Kahit anong pilit ko, ayaw niya.” Naiiyak na sabi ko, “Dahil ang sabi niya, ang unang babaing makakasakay sa kotse niya ay ang taong mahal niya,” tuluyan na akong naiyak dahil sa sinabi ko.

“Sorry to hear that CC,” anas ni Anica sabay yakap sa akin. Niyakap nila akong tatlo.

Inabot ko na ang sukdulan sa pagiging tanga ko. Tapos na ang pagpapakatanga ko sa kanya. Kaya pala hindi niya ako magawang magustuhan, dahil may iba na siyang gusto. Kaya pala hindi niya binabawalan si Dhine, kahit umaaligid ito sa kanya. Hindi niya rin ito pinapahiya. Pero ako, kapag ako ang dumikit sa kanya, paniguradong iritado na siya. Masakit man isipin, pero kailangan ko ‘tong tanggapin.

“Tutulungan ka namin CC,” anas ni Anica. “Tama ka. The right guy is just waiting.” Anas ni Anica kaya natawa kaming apat.

Napaka-supoortive talaga nila. Mahirap man o maginhawa  o kahit ano pang kagagahan ang ginawa ko, still nandyan pa rin sila para suportahan at tulungan ako. I’m so blessed to have friends like them.

“Tama na ang drama. Let’s just enjoy the night! Nasaan na ba ang mga guwapong lalaking ‘yon?” anas ni Sandra sabay malanding hawi ng buhok niya.

Ngayon, desidido na talaga akong kalimutan si Tyler. Hindi para malaman niya ang worth ko kundi kailangan ko naman bigyan ang sarili ko ng space. Tama na siguro ang ilang taon na pagpapakatanga sa kanya.

May kumatok sa pinto. Napatingin kaming apat doon. Sina Carlo na siguro ‘yon.

Seducing my Ultimate Crush! [COMPLETED but UNEDITED] (BOOK1)Where stories live. Discover now