Random Scenes and Lana

Start from the beginning
                                        

"Tss. Ang aga aga sumasakit nanaman ang tenga ko." Bulong ni Hans.

"Don't start with her Hans. Lagi mo nalang siyang pinagtritripan." Bored na sagot niya rito pero agad mapangiti ng mapansing halos lahat sila ay pare parehong inaantok parin.

"Hmp! Kinakampihan mo na siya ngayon huh? Sabi na nga bang huwag ka masiyado nagdidikit sa pinsan kung yan." Bulong ulit nito.

"Kuya Hans...Naririnig kita alam mo ba iyon? Tss. Tanda lagi nalang bugnutin." Natatawang biro naman ni Patpat Samantalang si Hans naman ay akmang aabutin si Patpat pero agad niyang hinarang ang kamay niya sa mukha nito saka tinulak pabalik sa upuan niya.

"Huwag kang Pikon Hans nagsasabi lang siya ng totoo." Saglit siyang nakarinig ng tawanan dahil sa sinabi niya pero agad ding natigil ng marinig nila ang singhot ni grandma. Weird.

"Oh sorry there's something in my eye. Go on." natawa naman sila dahil imbes na mata ang problema nito ay sa may ilong naman ito nagpupunas. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang ilang palitan ng tingin ng mga ito.

"Alright alright...kumain na tayo...baka malate pa kayo sa school." Biglang singit naman ni Tito Philip na ngayon ay kapapasok lang ng dining area. Binati naman ito nila Kyle at Patpat.

"Tss. Dad you don't have any idea that you're daughter kidnapped us para lang makikain dito." Asar na sumbong naman ni Kyle dito.

"Yeah right Tito. You're daughter might be successful in that field. Tss." Dagdag pa ni Yvonne. Natatawa naman silang nakikinig sa usapan ng mga ito.

"Bakit? Kayo lang ba?" Ngayon lahat sila ay di makapaniwalang nakatingin kay Patpat na tila sarap na sarap Sa kinakain nito at tila walang paki-alam sa paligid.

"Aww isn't she addorable." Nakangiting sabi naman ni tita Stella. Tumaas taas naman ang kilay ni Patpat at Sinadya pang magpacute kaya sa huli ay nauwi naman sa tawanan at Masayang Saluhan ang umaga nilang lahat.

__________________

Third persons POV:

Sa kabila naman ng kasiyahan sa mansyon ng mga Villamore ay taliwas naman ang sa Mansyon ng taong Nagpapahanap sa dalagang si Erin. Dama sa paligid ang galit, ingit at kasakiman. Mag-iisang buwan narin simula ng huling natuntun ng mga tauhan ng lalaki ang dalaga at hangang ngayon ay nag-iinit ang ulo ng May edad na lalaking siyang Nagpapahanap sa dalaga dahil sa dalawang beses na silang natakasan nito. Hindi nito hahayaang mabuhay ang mga taong nakakita sa kung ano mang nagawa niya lalong lalo na ang dalaga dahil ito ang higit na mas nakakita sa lahat.

Sa isang liblib na Lugar naman ay pilit na nagtatago ang dalawang mag-kaibigan dahil sa pangambang baka mahanap sila ng taong may hangad na mamatay sila para mapigilang maisiwalat ang katotohanan. Pero hinding hindi sila mamamatay hangat hindi nalalaman ng mga Villamore ang bagay na dapat ay malaman ng mga ito. Hindi nila inakala na isang araw ay matutunton sila ng mga kalaban at iyon ang lagi nilang pangamba dahil hindi pa tamang panahon para mangyari iyon. Kanya kanya sila ng Dasal para sa kaligtasan ng dalagang aksidenteng nahiwalay sa kanila.

______________________

Sa pagpasok nila sa V.U. ay di maipagkakailang Hati ang pakikitungo sa kanila ng ibang mga studyante dahil sa salitang scholar. May ibang ayaw sa kanila may iba namang tangap sila pero gayon paman ay hindi naman sila inaano ng mga studyanteng lantaran ang pagka disgusto sa kanila. Napapangiwi nalang siya dahil walang ka ideideya ang mga itong na sila ang Nagmumukhang ewan sa ginagawa nila. Kung alam lang nila kung sino ang mga taong mga kasama niya ngayon.

Huling bumaba si Patpat mula sa private shuttle na gamit nila at nakita niyang bahagyang tumango si Lance bago tuluyang Sumara ang pintuan. Alam niyng may ibig sabihin si Lance sa tango nito at iyon ay kasama parin sa paulit ulit na sinabi nito kanina sa kanya tungkol sa gubat at sa panganib na nasa kung saan saan.

Pagka-Alis naman ng shuttle ay siya ring dating ng isa pa lulan ang iba pang mga scholar. Nagtaka siya ng biglang napatigil sa paglalakad si Kyle na siyang nasa unahan nila.

"A-ano...good morning...pinapatawag po k-kasi kayo tungkol sa nangyari dito kahapon...p-pasensiya na Utos kasi ni Gov. Sumunod nalang kayo sakin." Sabi ng isang babae na tila nahihiya sa kanila lalong lalo na kay Kyle na kung makatitig kasi ay masiyadong malapit ang mukha nito dun sa mukha nong babae.

Naalala naman niya ito dahil sa ka muntikan na siya nitong tamahan kahapon. Nginitian niya ito pero di niya inasahan ang ginawa nitong pag luhod.

"Waaaaaaaah sorry na ate di ko sinasadiya talaga iyong nangyari kahapon tapos iyong pag-iwan ko sayo sa may field...kasalanan kasi nong mga bruhang iyon ih." Maluha luhang sabi nito. Nataranta naman siya sa hindi niya alam ang gagawin niya pero sa huli ay napa hagikhik nalang siya. Lumapit siya dito at dahan dahang itinayo. Tinulungan naman niya itong magpagpag.

"Ikaw talaga. Ayos lang iyong tsaka hindi mo naman kasalan na muntikan na kong matamaan eh tsaka alam kong pinilit kang umalis ng field kahapon kaya okay lang wala kang kasalan and infact wala ka naman talagang ginawang masama." Ngumiti naman siya rito at Nahalata niyang bahagya pa itong nagulat.

"Wait...what's happening here?" Napatingin naman siya kila Hans na may mga nagtatanong na tingin sa kanila. Nagtago naman iyong babae sa likuran niya.

"Hans huwag mo nga siyang takutin." Dinig naman niya ang bulong nitong wala naman daw itong ginawa. Wala na siyang balak magkwento sa mga ito pero Nanatili silang nakatingin sa kanya.

"Fine fine...mamaya ko nalang sabihin kasi pinagtitinginan na tayo rito." Bulong niya na naiintindahan naman ng mga ito.

"Hey go find your own ate." Sabi ni Patpat sabay hila sakanya. Narinig naman niya ang tawa ni Kyle.

"Tss. Possessive brat." Asar naman ni Hans kay Patpat. Tinignan nalang niya iyong babae na tila humihingi siya Ng pasensiya dahil sa ginawa ni Patpat.

"Tara na po...follow me." Tila pilit naman nitong naging pormal sa kanila pero talaga nga sigurongg mahiyain ang dalaga. Napailing iling nalang si Yvonne sa kakulitan nila at ang nakapagtataka ay Sumabay ito dun sa babae.

"So tell me what happend yesterday." Tila mapangakusang tono ang gamit ni Yvonne habang tinatanong iyong babae na Nahalata naman niyang tila kinabahan.

"Lana, just don't mind her." Bored na sabi ni Hans.

"So what happened LANA." May diin namang sabi ni Patpat kaya siniko niya ito.

"A-ano kasi...ahm...m-muntik ko na siyang matamaan during o-our archery Practice...but it's not entirely m-my fault." Tila hindi na nila marinig ang huling sinabi nito. Nakita naman niya ang gulat na reaction ng mag-pipinsan.

"What do you mean not entirely your fault?" Takang tanong ni Kyle.

"Guys hayaan niyo na nakabawi naman siya sakin nong pinasubok niya kong tumira...at totoong hindi niya nga kasalan dahil hindi naman Ako kamuntikang tatamaan kung di dahil kay Stephanie." Sabi nalang niya dahil parang ginigisa si Lana sa lagay niya. Agad namang nagusot ang mukha ni Patpat..."aish that shrimp." Asar na sabi nito. Natawa naman si Hans Sa biglaang outburst ng pinsan.

"Tss. If she has her own definition of fun then so do we...she'll just wait for it." Sabi nalang ni Yvonne. Napailing nalang siya dahil mukhang may balak ang mga ito ganun paman ay masaya siya dahil hindi siya nag-Iisa at may mga kaibigan siyang tulad nila.

*****************************
See! Told yah mahaba haha...kaya VOTE naman jan oh:) pretty please.XD

Missing Reflection (on hold/editing)Where stories live. Discover now