24 the announcement part 2

34 2 0
                                    

JAYDEN’S POV

Same day.

Nandito ako ngayon kina Vince. Pagkatapos ng meeting namin ni Ate kay Mr. Sanders, pinili ko munang mapag-isa. Ate assured me na aalamin niya kung ano ang totoo pero hindi ko alam kung kaya kong tanggapin yung katotohanan na yun kaya gusto ko munang mag-isip. Matagal din akong nag-drive, hanggang sa dito ako dinala ng mga paa ko kina Vince.

Nagulat pa nga si Tita Carla. Nahiya pa nga ako dahil alam kong medyo late na.

“Tita, good evening po. Pasensya na po sa abala pero nandiyan po ba si Vince?” sabi ko. Nag-kiss ako sa cheeks ni Tita Carla.

“Jayden napadalaw ka. Oo. Pasok ka, nandito din si Billie. Upo ka muna diyan. Manang, pakitawag sina Vince, pakisabi nandito si Jayden. Paano maiwan muna kita ha.”

“Thanks po tita.” Umupo ako sa couch. Narinig ko sina Vince at Billie, nagtatawanan pa sila. Galing sila sa lanai. Malamang doon sila tumambay.

“Pare? What brings you here? May problema ka ba?” nakita kong magka-holding hands ang dalawa. Umupo sila sa tabi ko. Bale pinagigitnaan nila ako.

Ibang-iba na ang ayos ni Billie. Babaeng-babae na siya. Nakaramdam tuloy ako ng inggit. Gustuhin ko man siyang asarin ay di ko na ginawa. Binati ko na lang siya. “Hi guys. Billie, looking good huh?”

“Thanks. Pero bakit ka nga pala napasugod dito? Ano ba nangyari?” – Billie

“Guys, ikakasal na daw si Jeanie.” walang ka-latoy-latoy na sabi ko.

“ANO?!” nag-duet pa yung dalawa.

“Saan mo naman nabalitaan yan? Kay April ba mismo? Joke yan for sure.” – Billie. Sana nga joke lang ito lahat.

“Si Mr. Sanders yung nagsabi sa akin.”

“Mr. Sanders? Siya yung foreign investor niyo sa Grand diba?” – Vince

“Oo. Siya nga.”

“Eh paano niya nalaman yung tungkol sa kasal?” – Billie

“Kaibigan pala ni Mr. Sanders yung Dad ni Jeanie. At yun nga daw ang sabi sa kanya ng Dad ni April. Uuwi daw sila dito para ayusin yung kasal ni Jeanie.” Halos maiyak na ako.

Heto na naman ba? Mauulit na naman ba yung dati? Iiwanan ulit ako ng babaeng mahal ko? Ansakit lang isipin na hindi ko na maipaparamdam pa kay Jeanie na mahal na mahal ko siya.

Tumayo si Billie at naglakad paroo’t parito. Tensed din siya. For sure hindi niya kinaya yung announcement ko. Tinapik niya ako sa balikat.

“Don’t tell me sumusuko ka na? Ganun na lang ba yun? Hindi mo man lang ba kakausapin si April?” – Billie.

“I am not surrendering. In fact, nakapag-decide na ako. I’ll talk to her parents. I’ll ask them for her hand in marriage. Ako at hindi yung lalaking yun ang pakakasalan ni Jeanie.”

“Very well said pare. We’ll support you. Nandito lang kami ng barkada.” – Vince

Pare-pareho kaming nagulat nung mag-ring ang cellphone ko. Si Mama tumatawag.

“Hello Ma?”

[Hi Honey. Where are you?]

“Dito kina Vince Ma.”

[Can you come home na? Nandito na kami sa mansion. We’re back.]

“Ok. I’ll be there Ma.” I guess kailangan ko ding makausap si Mama. Maybe she can do something about it. She likes Jeanie. Alam kong gusto niyang kami ang magkatuluyan.

“Sige guys, una na ako. Salamat sa pakikinig.” Sabi ko kina Vince at Billie.

“Relax ka lang brad. Tatagan mo loob mo.”

“Sige salamat.”

Umalis ako at nag-drive na pauwi sa mansion. Maingay at medyo nagkakasiyahan sila nang dumating ako. Narinig ko na may mga nagtatakbuhang bata. Nandito din yung kotse ni Ate.

Pagbukas ko ng pinto. Nakita kong naghahabulan sina Rain at Wind. Lumapit ang dalawa sa akin at nagpakarga si Rain. “Hi Tito.” Sabay pa sila.

Si Kuya Colin naman ay pababa na ng hagdan.

“Oh ‘tol. Kadadating mo lang?”

“Oo Kuya. Kamusta?”

“Ok lang. It’s nice to be back.”

“Napauwi kayo Kuya?”

“Ibig mong sabihin hindi mo pa alam?”

“Ang alin?”

“We came home for your wedding.”

“WHAT?!” Napasigaw ako. Tumigil sina Rain at Wind sa paglalaro. Marahil nagulat sila sa sigaw ko. Nakita kong papalapit sina Mama at Dad sa akin.

“Ma? Dad? Totoo ba yung sinasabi ni Kuya Colin? Umuwi kayo para sa kasal ko?”

“Oo. Please understand we’re doing this for you.”

“For me? Anong kabutihan maidudulot nito Ma?! I will never be happy with anyone else. Si April lang ang pakakasalan ko Ma. Hindi naman yun mahirap intindihin diba?” Hindi ko alam kung ano talaga yung nararamdaman ko. Halo-halong kaba, inis at pagkabigla, lahat yun nararamdaman ko ng sabay-sabay.

“The decision is final. Take some rest. We will be meeting your bride’s family the day after tomorrow. Be sure to look good.” Nakita kong napapangiti pa sina Dad. Si Mama cool pa din siya. Bakit ba sila ganito?

This is not my day. April’s getting married sa taong hindi pa niya nakita. At ako? Ganun din? Wala na atang mas bad news pa sa mga nalaman ko. Hindi pa nga nagsi-sink in sa sistema ko na ang babaeng mahal na mahal ko ay ikakasal na sa iba, tapos ito naman.

Sana pala hindi na lang muna ako umuwi. Sana nagpakalunod na lang ako sa alak. Mabibigat ang hakbang ko paakyat ng hagdanan. Narinig ko pa si Dad habang kausap si Mama. “Ok lang yan hon. I’m sure kapag nalaman niya, siya pa mismo ang magpapasalamat sa atin. Sa ngayon, pabayaan na muna natin siya na mag-isip.”

Pag-akyat ko ng hagdan nakita ko si Ate Jianne. Relaxed na relaxed siya habang pinapatulog sina Rain at Wind.

“Ate? Can we talk?”

“Sure. Dito tayo sa library.”

Pumasok kami sa library. Dito ang office ni Dad at dito kami madalas magkaroon ng family meeting.

“Jayden, I know you are upset but we can’t do anything about it.”

“Ate sabi mo gusto mo si April para sa akin? Sabi mo tutulungan mo kami diba?”

“Yes. Boto ako sa inyo ni April. But I know but Mom and Dad made their decision already. And besides, hindi naman siguro masama yung nangyari. I know she’d be the perfect wife for you.”

“So na-meet mo na siya?”

“Yes I did. Pero I’m with Mom and Dad this time.”

“Ate you are impossible.” Napailing ako at iniwan na si Ate.

Basta na lang siya sumuko. Sabi niya tutulungan niya ako. Pero biglang nag-iba siya. Hindi ko kakayanin na makasal sa taong hindi ko mahal. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan akong i-arrange marriage ng parents ko. Hindi ba pwedewng ako ang pumili ng babaeng gugustuhin kong makasama habang buhay?

Bakit kailangan nilang mag-desisyon para sa akin? Hindi ko ba kayang makahanap ng babaeng mamahalin? Nakita ko na nga siya eh. Buong buhay ko sinusunod ko si Mama dahil nananiniwala ako na alam nila ang makakabuti para sa akin. Pero hindi yung ganitong pati buhay ko ay sila ang masusunod. Sana naman ibinalato na lang nila sa akin itong love life ko. Sana hinayaan na lang nila akong maging masaya.

Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon