19 kendra

52 3 0
                                    

JAYDEN’S POV

5AM nang tumunog ang alarm clock ko. Bumangon ako agad para maiayos ang mga gamit ko sa pagpasok. Ngayon nga pala ang dating ng pamilya ni Mr. Sanders. Siya yung investor na sinasabi ni Dad. Kasama ni Mr. Sanders ang buo niyang pamilya. Filipina ang napangasawa ni Mr. Sanders. Good point yun para sa amin dahil magiging mas madali ang negosasyon kung sakali.

Tinawagan ko si Ivan na mali-late ako ng ilang oras. Susunduin ko pa kasi si Jeanie. Tinext ko muna siya.

To: Jeanie Ko <3

Hi Jeanie ko! Good Morning. I’m on my way.

Wala pa ilang minuto at nagreply na siya.

Fr: Jeanie Ko <3

Mornin! See you. <3

Wow. Hehe. Ansaya lang ng umaga ko. Hindi ko talaga akalain na maiinlove ako ng ganito. May ganito pa lang klase ng love yung wala kang dapat ikatakot, wala kang dapat isipin pa. Kay Gail, lagi kong iniisip kung ano nararamdaman niya. Si Jeanie, dahil nga kaibigan ko siya, kabisado ko na siya. At dahil alam ko na mahilig si Jeanie sa sweets at pastries, nagluto ako ng French Toast. Ito mismo yung sine-serve namin sa Happy Belly. Dinagdagan ko pa para kina Ate Candy at Manang Rosie.

Pagdating ko sa kanila sinalubong ako ni Ate Candy.

“Hi Ate! Good morning!” sabi ko sa kanya

“Good morning din. Aga mo naman manligaw.” At tumawa pa si Ate Candy.

“Siyempre ate. Kailangan maaga para mabilis sagutin.” At nag-high five pa kami. Mabait naman sila sa akin. Lalo na si Manang Rosie.

Pinapasok ako ni Ate Candy at pinagtimpla ako ng kape. Nakialam na ako sa kusina nila. Ipinagtimpla ko din si Jeanie. Inilagay ko naman yung French Toast sa isang serving plate. Inaayos ko yung dining table nung may marinig ako na yabag ng heels. Alam kong si Jeanie na yun. Dumiretso siya sa table. Ang ganda talaga ni April. Haaay. Ipinilig ko ulo ko. Matutulala na naman ako nito.

“Hi! Aga ah.” Sabi niya.

“Your coffee. Here, pinaggawa kita French Toast.” At inabot ko yun sa kanya na tinanggap naman niya.

“Thanks.”

Nilagyan ko ng hotdog at egg yung plato niya. Nakita kong kumuha siya nung toast.

“Wow. Sarap naman nito. Parehas sila ng lasa dun sa French Toast ng Happy Belly.”

“Yan kasi mismo yun.” Sabi ko naman na may halong pagmamayabang. Recipe ko kasi yun eh.

“Oo nga. Galing.” I saw her blush and it made me feel giddy. Ahaha. Iba talaga epekto ni Jeanie sa akin.

“Thanks. So what are your plans for today?” tinanong ko siya

“Uhm the usual. Planning stage na kasi para dun sa mga Ads ni Ate Jianne. Tinawagan ako ni Ate Jianne, isasama daw niya ako sa boutique pag maluwag sked niya mamaya. Eh ikaw?”

“Paperworks. Ngayon nga pala yung dating ng mga investors. Kasama ni Mr. Sanders yung family niya. Sayang sana pwede ako sumama sa inyo.”

“Di bale ok lang yan. We can always visit Ate Jianne diba, lalo na pag hindi na tayo parehas busy.”

Understanding talaga si Jeanie. She knows the right words to say. Pagkahatid ko kay Jeanie sa office niya, nakatanggap ako ng text galing kay Ivan.

Fr: Ivan

Sir, on the way na po ba kayo?

Nagreply naman ako.

Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon