17 jealous

37 1 0
                                    

JAYDEN’S POV

Naiinis ako kay April. Sinabi ko na sa rules na sasabihin niya palagi sa akin kung nasaan siya. Pero nilabag niya ang rules ko.

Akala ko talaga siya yung magbubukas ng pinto. Prepared pa naman ako. Handa na akong pagalitan siya. Pero hindi siya ang nagbukas sa akin. Isang lalaki. Sino kaya ito sa buhay ni April ko?

“Pare pasok ka. Ikaw si Jayden di ba?”

“Ah. Oo. Andyan ba si April?”

“Oo. Kasama niya si Sunny. Upo ka.”

Sunny? Sino yun? Karibal ko ba yun? Guwapo din ba siya? Ah… mas guwapo ako. May lumabas mula sa kitchen. Maganda din. Kamukha siya ni April ko. Si Ate Phoebe siguro ito.

“Juice?” si Ate Phoebe.

“Thank you.” Sabi ko naman.

“Ahm Jayden, alam ko na nililigawan mo si April at ako ang Ate Phoebe niya. Siya si Ram, asawa ko. gusto ko sana na makausap ka ng maayos.” Maayos naman yung tono ni Ate Phoebe.

“Sige po ate.”

“Ok. Siguro naman alam mo na dalawa lang kami ni April dito. Ang parents namin at si Kuya Ashton nasa U.S. sila para sa garments business namin. Ako ang tumatayong guardian niya. Ayoko na makikitang umiiyak si Baby Girl. At dapat mong tandaan na wala akong pakialam kahit sikat ka pa or buong pamilya mo.” Tapos biglang naging dragon siya…

“Hon, relax ka lang…” si Kuya Ram, nakaalalay kay Ate Phoebe.

Phew! Ang tindi ng ate ni April. Parang nasa CAT ako. Mukha naman siyang mabait pero masungit siya. Kamukhang –kamukha niya si April ko. Older version at mas masungit na version nga lang siya.

“Kaya kung balak mo lang lokohin si April, pwes, sinasabi ko sa iyo na tatamaan ka talaga sa akin.” Tumayo pa si Ate.

“Seryoso po ako kay April. Sorry po kung nagalit kayo pero malinis po ang intensyon ko sa kanya. Highschool pa lang po gusto ko na siya.” Totoo naman kasi.

“Siguraduhin mong totoo yang sinasabi mo ha?! Hmpf.” Nag-cross arms pa yung ate niya, habang si Kuya Ram, cool na cool at natatawa pa. Pati tantrums, pareho sila ni April. Hehe.

Magsasalita pa sana si Ate Phoebe nang bumukas yung pinto sa katapat na kuwarto, iniluwa nun si April ko. Inilagay niya yung index finger niya sa labi niya. Parang sinasabi niya na huwag daw maingay si Ate Phoebe.

“Tulog na si Sunny, Ate.” Sonny na naman. Haaay humanda kang Sonny ka.

“Ok. Honey, pakitignan muna si Sunny.”

“Ok. Basta relax ka lang. Yung puso mo.” Si Kuya Ram.

“Oo na. Dali baka magising siya.” Si Ate Phoebe sumesenyas na umupo si April.

“April upo.”

“Ate?” nagkatinginan na lang kami ni April.

“Nasaan na ba ako? Ayun… Basta huwag mong sasaktan itong kapatid ko.” medyo paulit-ulit na si Ate pero okay lang alam ko naman na talagang concerned lang siya kay April. Lahat naman ng Ate at Kuya ganun sa kapatid nila na mas bata.

“Opo Ate.” Sabi ko ulit.

“Good. Sige makakaalis na kayo ni April. Medyo gabi na rin. Diretso bahay ha. At isa pa, pwede bang ihatid-sundo mo yang si April? Matigas ang ulo niyan. Laging gustong mag-drive kahit gabi na. Sige mag-ingat kayo. Pakabait ha.”

“Sige ate uwi na kami. Paki-kiss na lang ako kay Sunny.” At kiniss niya si Ate Phoebe sa cheeks. Isinara na yun ni Ate Phoebe. Nakakailang hakbang pa lang kami, bumukas ulit yung pinto nina Ate Phoebe.

Sumungaw yung ulo ni Ate April. “Yung bilin ko ha…”

“Ok ate.” Si April.

Narinig namin yung lock ng pinto ni Ate Phoebe.

“Lika na, uwi na tayo” yaya ni Jeanie sa akin. Tinignan ko lang siya.

“Oh bakit?” tanong niya, pinandilatan pa niya ako.

“Nagseselos ako.” Sabi ko.

“Ha? Bakit?” at nagmamaang-maangan pa siya.

“Huwag mo akong ganyanin ha. At wag kang magpa-cute.” Sabi ko naman. Binibilisan ko yung lakad ko.

“Eh ano ba kasing sinasabi mo?” tumakbo si April. Ngayon, nasa harap ko na siya.

“Sino si Sonny?”

“Ah yun ba? Ahahahahahahaha.” Tawa pa sige. Kurutin ko pisngi mo diyan. Ang taba ng pisngi niya.

“Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa ha?” nakakapikon itong si April.

“Ang arte mo kasi. Bakit ka ba kasi nagseselos?” nagpatiuna pa siya papunta sa kotse ko. Ako itong nagtatampo, siya itong nagdadabog.

“Maaalis mo ba sa akin yun?! Eh mahal nga kita?!!!”

“Eh bakit ka nakasigaw diyan?!!!” pinagbuksan ko siya ng pinto.

“Sino ba siya?!!! Ano mo yung Sonny na yun?!!!! Kinakaliwa mo ba ako?!!!”

“Ahahaha. Tumigil ka na diyan. Ang sakit na ng tiyan ko. Ahahahahaha. Mag-drive ka na lang.”

“Seriously April. Huwag mo ako pagtawanan.” Ang tindi ng sapak sa ulo nitong si April.

“Pfffft. Eh nakakatawa ka kaya. You mean nagseselos ka talaga kay Sunny? Well… Cute naman talaga siya. Madali siyang magustuhan ng kahit na sino…”

“Psh. Sino ba mas gusto mo sa amin?!!!” wala na puputok na yung bulkan sa tiyan ko. Yung puso ko parang lalabas na sa sobrang lakas ng pagtibok.

“Siyempre si Sunny. Mahal ko yun ehhh.” 

Journey to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon